27. First Official Date

149 5 0
                                    

27. First Official Date

Ang gulo na ng kwarto ko, daig pa ang dinaanan ng bagyo! Niyolanda na ata ang kwarto ko. Haaay!

"Ano bang susuotin ko? Ugh!"

Mahirap pa ata ito kesa sa pagsagot ng multiple choice sa exam!

First official date. First date ever!

Nag-search pa talaga ako sa internet kung ano ba ang ginagawa sa unang beses na makipag-date. Kahit nga hate ko manuod ng romantic movies ay nagawa ko pang makapag-movie marathon kagabi. Dang this first date.

I want to feel, what the leading lady felt on her first date.

"Magdedress o magpapants lang? skirt kaya? Jesus!" ginulo ko naman ang buhok ko.

Ngayon ko lang naranasan ito! ang mabuang sa pagpili ng susuotin na damit.

"Anong dilubyo ang dumaan sa kwarto mo Ana?!"

Nakasimangot akong lumingon sa kanya. Nakahalukipkip sya sa tapat ng pinto habang ginalagala nya ang mata nya sa binagyo 'kong kwarto.

"Tay! may date ako!" hindi na ako nag-alinlangan pang magsabi.

Ngumisi lang sya at dahan dahang naglakad. May mga kinuha sya sa damit na nakakalat sa higaan ko.

"Oh! "

Hinagis nya sa mukha ko ang isang white dress na mga one inch above the knee, may manipis na silver belt at hanggang elbow na sleeve.

"Sigurado ka tay? di ba ako panget dito?!" paninigurado ko pa. Sabutahe pa naman to minsan.

"Kelan ka ba gumanda?"

"Taaaay! " tumawa lang sya sa inasal ko. Kainis to. Aburido na nga ako dito.

"Kahit ano pa ang isusot mo magugustuhan ka nya."

Okay. Noted. Iniisip ko tuloy kung nakaranas na makipag date ang isang tatay Warren.

Halata mo na may edad na sya pero kung sa mas batang mukha? masasabi kong ang gwapo nya at madami ng pinaiyak na babae si tatay. Kaya minsan napapaisip ako kung bakit hindi na sya nag-asawa. Wala nga ba? Wala naman kasi akong alam sa buhay nya, seryoso. Ayaw mag-share. Hmmp!

"Tay nakipag date ka na ba?"

Tinaasan nya lang ako ng kilay saka napangisi na para bang may na alala bigla.

"Tingin mo naman sa akin di dumaan sa pagkabinata? di ko na nga kailangan mag-aya ng date dahil ako ang palaging inaaya. Tss, di mo lang alam makisig at habulin na ako nang kabataan ko." pagyayabang nya.

Hmm. Nag-oopen na ba sya? malapit na! konting push pa Thiana.

"Eh bakit wala kang girlfriend! baka naman palagi kang tinatakbuhan."

Tumawa sya at humiga sa kama ko, hindi naman higang higa dahil naka tapak pa sa sahig ang paa nya, naka-tingala lang sya ngayon sa kisame at tagustagusan ang tingin. Bumuntong hininga pa sya, ang lalim nga.

"Isang babae lang naman ang naging nobya ko. Siya lang din ang nag-iisang babaeng inaya ko na lumabas, sya lang din ang babae palagi kong hinahabol, sya lang ang palagi kong binabantayan…kahit pinagtatabuyan na ako…iisa lang…" may iba akong naramdaman sa kung paano nya iyon bigkasin. Lungkot? Pagmamahal? Panghihinayang? Nakapikit pa sya habang sinasabi iyon.

Buong akala ko ako lang ang hindi normal ang buhay, nakalimutan ko sya, gusto din nya sigurong maibalik ang dati.

"Sige na! maghanda ka na. Siguraduhin mo lang na ipakikilala mo ang lalaking yan sa akin! Subukan natin kung hanggang saan sya!"

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon