6. Saved
Naglakad na lang ulit ako patungo sa cafeteria, parang mas hindi ako matatahimik kung hindi ko mapapakain ang mga dragon sa tiyan ko. Kumuha ako ng 3 slices ng pizza at soft drinks saka dumiretsyo sa bakanteng table at nilampasan ang mga walang kwentang nilalang na walang alam gawin kundi pagchismisan ang ibang tao at manlait.
"Hey Thiana! bakit ka wala ng ilang araw?"
Hindi ko napansin si Lauren sa tapat ng table ko, masyado akong focus sa pagkain e. Sana man lang kumatok sya ng hindi ako nagugulat. Umupo na din sya dala ang pagkain nya.
"Ah, nagkasakit kasi ako." I lied, well partly true, hindi pa kasi masyado magaling ang sugat ko, pero ngayon ay medyo okay na at hindi na palaging kumikirot.
"Sure ka na bang okay ka na? hala! may be you still need to rest baka mabinat ka." may pag aalala sa boses nya. I felt something weird, minsan ko lang ito maramdaman kay Tay Warren lang kapag nag-aalala sya. Hindi ako sanay na may ibang tao na nag-aalala para sa akin.
"Okay na ako." nginitian ko sya at medyo napanatag naman sya.
Nagkwento lang sya ng mga pang-yayari sa university nung wala ako, habang ako naman ay abala parin sa pagkain. Natigil lang si Lauren sa pagsasalita ng biglang may maingay na grupo ang pumasok sa cafeteria. Umikot ang mga mata ni Lauren, hindi maitago ang pagkairita.
Naglalakad sila papunta sa direksyon namin. Oh damn not here, not now! pero mukhang hindi dininig ang bulong ko.
Mga nakangiting parang asong ulol silang lumapit sa table namin, nabigla pa sa Lauren.
"Can we--" hindi pa natatapos ni Eron ang sasabihin nya ng sumingit bigla si Lauren.
"No. Can't you see, kumakain na kami dito? why don't you guys sit sa usual na pwesto nyo? Ano kayo surot? sumisiksik kung saan masikip. " halos maibuga ko ang iniinom ko. Really? really Lauren?
"Lauren I'm not talking to you."
"Oh? but you are now."
"C'mon! we just wanna share table with you masama ba?" sabat pa nung Steeve.
Ibinaba ni Lauren ang kinakain nya at tiningnan ang lima. I can't believe she can talk to them like this, parang they all knew each other. Hindi man lang sya natakot.
"Well you're not welcome here kaya shooo..."
"Lauren stop, okay?"
"Wag mo nga ako utusan Eron."
Okay I think I need to stop them, they're stealing people's attention.
"Kumain na nga lang kayo." I said with a bored look.
"Thiana?!" reklamo ni Lauren pero hindi na sya naka angal pa ng nagsipag upuan ang lima.
Halos lahat ng tao sa cafeteria ay sa amin ang tingin. Hindi siguro sila makapaniwala na ang mga hunghang na tinitilian nila at halos sambahin ay nakikiupo sa mga tulad lang namin.
Naghihimutok si Lauren at hindi parin natigil ang bangayan nilang dalawa. Ngayon ko lang nalaman na magkapatid ang dalawa, the question is bakit galit na galit itong si Lauren sa kapatid nya? sabagay sa ugali pa lang magagalit ka na talaga.
"Ano na naman ba kasing balak nyo ha? Stay away from Thiana Eron, wag nyo syang isama sa mga tripping nyo, please lang. "
"Kung makapagsalita ka naman akala mo sobrang sama namin."
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...