12. Unmask

195 10 0
                                    

12. Unmask

Iniisip ko talaga yung nangyari nung nakaraang araw.

Bloody Rose

So, sya si Bloody Rose? Siya ang susunod na makakalaban ko? Ang weird lang bakit may tattoo talaga? kailangan ko na bang magpatattoo din? kasi naman yung nga nakakalaban ko kahit dati pa may mga tattoo din e! Bakit ako wala?

Naaadik na naman ako dahil sa mga kung anu anong pumapasok sa isip ko.

"Thiana!"

Nilingon ko kung sino yung tumawag, pero binawi ko din agad ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wait! ang bilis mo maglakad daig mo pa kabayo e." Nakasabay na din sya sa akin kaya mas lalong dumami ang mga nakatingin.

"Atleast hindi mukhang kabayo." ano ba yan! kung anu ano na lang sinasabi ko.

Tumawa sya kaya agaw atensyon na naman sya!

"Grabe. Iba ka talaga!" iiling iling pa. Baliw.

"Whatever Eron. Ano na naman ba kailangan mo at nakasunod ka?"

"Nakasunod? hindi kaya kita sinusundan. Nakalimutan mo? same class tayo. Ikaw ah! haha"

Naiwan ako na nakatayo at sya ay tatawa tawang nagpatuloy sa paglalakad.

Gosh! bakit nakalimutan ko iyon? at bakit kailangang ipahiya ko ang sarili ko sa harap ng hambog na Eron na yun?

"Thiana, ano na?"

Talagang hinintay nya akong maglakad ulit. Sabay pa kaming pumasok sa loob ng room kaya hindi magkamaliw ang pang-aasar ng mga tao sa loob, nag suot na lang ako ng earphone dahil ayaw ko nakarinig ng mga ingay nila.

Napapatingin naman ako kay Eron na parang tuwang tuwa pa na inaasar kami! Nang magtama pa ang tingin namin ay biglang kumindat! Inirapan ko sya at napatawa sya. Jusme!

Ito na naman ako. My nerves! hindi na naman normal. This is really creepy.

Buong period ay hindi ako naka-focus sa pinagsasabi ng prof, actually naboboring talaga ako sa subject nya.

Kaso mas gugustuhin ko pa ata na makinig ng boring class nya kesa naman makisama sa walang kwentang katabi ko.

Pauso na naman kasi.

Pwedeng sumabay ng lunch later?

Binasa ko yung maliit na papel na pinasa nya.

NO.

Binalik ko ulit ang papel at binaling ang tingin sa harap. Isang kalabit ulit.

Please :(

Kinilabutan ako sa nakasulat. I look at him at umarte na parang tutang ligaw.

Ugh! dammit.

WHATEVER! STOP WHAT YOU ARE DOING. SARAP MONG SAPAKIN!

Padabog kong binigay yung papel. Tatawa sana sya pero sinamaan ko sya ng tingin. Ayaw ko nang magka part two ang nangyaring pagpapalabas sa amin sa class. Kapag lang talaga ako napalabas ulit humanda sya!

Whatever means, yes in your language. So yes!

What the?

Hindi ko na ulit sya pinansin. Bahala sya bwiset! istorbo! distraction sa buhay!.

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon