19. Turn on

130 5 0
                                    

19. Turn on

Tinalikuran ko sya naglakad papasok ulit sa loob, tama na ang eksena dun.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nya at naririnig ko parin ang reklamo nya sa suntok ko.

Eh sa hindi ko alam paano ire-react ko e, hindi ko din napigil yung kamay ko.

Nasalubong namin yung mga kaibigan nya.

"Dude what happen? haha!" salubong na tanong ni Zick, tumawa pa.

"Sino may gawa sa'yo nyan?"

"Parang nahuhilaan ko na!" tumingin pa sa akin si Brix. Anong gusto nyang iparating?

Tumawa lang si kumag sa mga tanong ng mga kaibigan nya. Sira talaga.

Hinahanap ko na si Lauren, patapos na naman ang party at gusto ko na ding umuwi. Nakakahiya nga wala akong dalang regalo, hindi nga kasi ako handa.

"This is what you get from getting an intense YES!"

"KAYO NA?!" sabay sabay pa nilang tanong.

Nilingon ko silang apat na parang hindi maipinta ang mukha.

"Wag kayong O.A. Hindi ko sya sinagot. Mga kumag."

"Hindi pa."

Gusto ko sanang magsalit kaso hindi na naman nag-function ang utak ko. Kapag nagsalita na sya at ngumiti ng ganya.

Inirapan ko lang sya at saka nagpatuloy sa paghahanap ko kay Lauren.

I saw her talking to Rose. Pinuntahan ko sya at tinapik sa balikat para makuha ang atensyon nya.

"Thiana! Nag-enjoy ka ba?"

Yeah.

Tumango lang at ngumiti sa kanya.

"Lauren, magpapaalam na sana ako sayo. Uuwi na ako. Sorry pala kasi wala akong dalang gift. Pahabol ko na lang. Happy birthday ulit!" Niyakap ko sya.

"Ano ka ba! yung pagpunta mo pa lang malaking bagay na. Akala ko nga hindi ka pupunta. Salamat talaga Thiana. Wait sino maghahatid sayo? may sundo ka ba?."

"Ako na maghahatid sa kanya."

Bigla na lang lumitaw si Eron. Akala ko pa naman nakatakas na ako sa kanya.

Magsasalita nq sana ako dahil ayaw ko magpahatid. Magtataxi na lang ako, kaso ito namang si Lauren hindi mapigil ang bibig.

"Oh ayun naman pala! Hoy Eron ihatid mo ng buo si Thiana sa kanila. No. scratch."

"Hindi mo na kailangan sabihin pa yan. Hindi ko hahayaan may mangyaring masama sa kanya."

Gusto kong kilabutan. Ang corny ng linyahan nya! San nya ba napanuod yan.

Nagpaalam na ako sa kanya pati na din sa kausap nya.

Ang bagal ng lakad namin, ano ba yan bakit ganito ang paligid? pwede bang mag-ingay kayo. Ang tahimik e.

Magkasabay na kaming naglalakad papunta sa parking area kung saan nya pinarada yung sasakyan nya. May pinindot sya sa kamay nya at biglang may umilaw na sasakya.

Pinagbuksan nya pa ako ng pinto.

"Salamat."

Did I just thanked him?

Nakita ko lang ang pag ngiti nya bago sya umikot para sya naman ang pumasok sa drivers' seat.

Pinaandar nya ang makina ng sasakyan at nagsimulang paandarin ito.

Amoy na amoy ko ang pabango nya sa loob ng sasakyan. Naaadik tuloy ako. Ano kayang brand pabango nya?

Napapansin ko ang pagsilip silip nya sa akin kapag tumitigil ang sasakyan at hindi ako kumportable sa ganun.

Habang nagddrive naman sya hindi ko naiwasan na mapatingin sa kanya. Seryoso sya sa pagmamaneho. Kaso ang bagal nya magpatakbo. Hindi ko din maiwasan na tingnan ang mukha nya, kahit side view pa lang, perfect angle na! Ayos na sana kaso may nakita ako sa gilid ng labi nya.

Crap! bakit ba kasi sinuntok ko sya?

"Hey, patingin nga ng mukha mo!"

Hinawakan ko ang pisngi nya bigla. Gusto ko lang I-check gaano kalaki ang pinsala na ginawa ko sa mukha nya.

Nagulat ata sya dahil nawalan sya ng control sa manibela.

"What the! Mababangga tayo. Don't do it again." Halata sa mukha nya na kinabahan sya. Napataas pa ng konte ang boses nya. Kung sa mga ordinaryong araw baka sinuntok at binatukan ko na sya sa pagsigaw sa akin.

"Sorry." Dammit! ano bang nangyayari sa akin.

Hininto nya ang sasakyan sa tabi at napapikit.

"Sorry. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko." naging soft bigla ang boses nya.

"Ano ba kasalanan ko. Gusto ko lang makita kasi yung...yung ano sa mukha mo!"

Great! the great Thiana nauutal magsalita.

Napakunot ang nuo ko at ang haba na siguro ng nguso ko dahil sa bigla nyang pagtawa ng mahina. Kairita! napapaihiya na ako a!

Nung humupa ang tawa ay bigla syang himarap sa akin. Napaatras tuloy.

"Oh akala ko ba gusto mong makita ang mukha ko?" ngumisi pa sya ng nakakaloko.

"Wag masyado malapit!"

Lumayo naman sya ng kaunti, umirap pa ako, bwiset a! hindi ko na alam kung nasa tamang pag-pump parin ba ang puso ko! Ang bilis e!

Hinawakan ko naman yung pisngi nya at tiningnan yung pasa. Grabe! mahina na nga ang suntok na yun pumasa agad?

May kung anu sa loob ko na nag-utos na hawakan 'yon. Hinawakan ko ang gilid ng labi nya. Gamit ang thumb ko ay hinawakan ko ang part na may pasa. Umukot ikot ang daliri ko duon, akala mo naman nawawala yun pasa aa ginagawa ko.

Kahit may pasa, ang ganda parin ng labi nya. Napalunok ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko.

Tiningnan ko sya at nakatitig din pala sya sa akin. Nag-init ang mukha ko.

Nakahawak parin ang kamay ko sa mukha nya habang nagkakatitigan kami.

Naramdaman ko na lang ang kamay nyang nakapatong sa kamay ko. Dahan dahan nya iyong kinuha at unti unti lumalapit ang mga mukha namin. May naramdaman ako sa loob ko, parang may nagwawala sa kalooban ko. Yung mga dark angels sa tiyan ko, mga nagdidiwang.

Gusto ko syang itulak. Pero hindi ko magawa. Nagdikit ang nuo namin at konting konti na lang ay maglalapat na ang labi nya sa ...

Ilong?

Napadilat ako bigla. Teka? ano nga ulit ang nangyari?

Naramdaman ko ulit ang paglapat ng labi nya sa

Nuo?!

Bigla syang lumayo sa akin pero hawak na nya ang kaliwang kamay ko ay pinagsalikop ito.

Napatingin talaga ako sa kanya. Kita ko ang buga nya ng malalim.

"I told you. I can only kiss your lips kapag tayo na. "

Napatunganga na lang ako sa sinabi nya.

Oo na! Oo na nanghihinayang ako sa kiss na yun! Ugh! Bakit nya ba kasi na alala yun?

"Fuck! that touch just turn me on. "

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon