23. Never Let Go

143 3 0
                                    

23. Never let go

Diretsyo sa basurahan ang mga bulaklak at galit na galit akong bumalik sa upuan ko. Alam ko kung kanina iyon galing! damn him! Is he playing with me?

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng mga professor at di ko magawang mag-focus.

Hindi na din ako sanay na tahimik ang paligid ko, walang nang-aasar at walang paper note conversation.

It is really boring na walang …eerr- Eron sa tabi.

Pagkaalis ng prof ay kinapa ko agad ang cellphone sa bulsa ko. Kinabahan agad ako nang may nakita akong tatlong mensahe.

-Kumag

Good mornin beautiful!

-Kumag

Hey I wont be in the class we have practice. Take care please.


-Kumag

I miss you. See you after practice! :*

-Kumag

I really want to see you. Seriously.

Halos dumugo naman ang labi ko sa pagkakagat ko. Crap naman oh! Ito! ito ang nagagawa ng text mo kumag! Kainis! its just a freaking text message but it gives me too much hard time. You don't do this to me! I might have heart-attack!

I seriously wanna see you too, idiot! But I'd rather keep it to myself and would not let you know. Hah! Ano ko siniswerte? tsk!

I can't believe na tatlong messages lang ang makakapagbago ng mood ko.

Katatapos lang ng mga class ko at papunta na ako sa cafeteria. Wala naman akong ibang lugar na mapuntahan kapag ganito ang nararamdaman ko. Gutom. San pa ba? Heaven para sa akin ang mga pagkain na siniserve nila!

"Hey Thiana!"

"Oh! Lauren, kamusta?"

Sabay na kaming umupo sa isang table na bakante, well parang nagkaroon na din kami ng so-called 'sarili naming pwesto', since day one ito na ata ang palagi naming inuupuan ni Lauren at hindi ko alam kung bakit sa tuwing pupunta ako sa cafeteria ay palaging bakante. Siguro ayaw nilang mahawa sa kawirduhan namin ni Lauren o kaya naman ay akala nila ay may sumpa sa pwesto na ito at baka maging katulad ko sila na weirdo.

Nagkwentuhan lang kami sa table at nagkamustahan, nakuwento din nya ang nangyari after nang birthday celebration nya tuwang tuwa nga siya habang nagkukuwento sa akin.

Nabitin sa ere ang pagsubo ko ng pagkain dahil sa mga biglang dumating. Biglang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Hi baby."

Umakbay siya na kinagulat ko, kaya naman nabigwasan ko tuloy siya.

"Ugh! ang sweet mo talaga sa akin kahit kelan. Ramdam ko e tagos hanggang ribs."

"Shut up Eron." para itago ang totoo ko'ng nararamdam, which is kinakabahan talaga ako sa prisensya niya, ay nagiging marahas tuloy ako sa kanya.

Puro kulitan lang at asaran ang nangyari sa amin kaya naman pati ang ibang tao sa loob ng caferia ay napapatingin sa amin kapag napapalakas ang ingay. Lalo na kapag nagkakainitan na si Lauren at Brix na mortal enemy ang isat' isa.

"May practice game kami later, will you watch?"

"I don't know. Bahala na." walang ganang sagot ko sa tanong niya.

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon