17. Bloody Red Dress.
Tik. Tok. Tik.
Ugh!
Halos maubos ko na ang buhok ko sa kasasabunot ko sa sarili ko.
I can't decide kung pupunta ako. Tinitingnan ko pa yung red dress na pinadala pa talaga dito sa bahay. Ilang araw na nga to dito pero hindi ko man lang nasukat!
May pagbabago sa araw ng event kaya nga ako nagkakaganito e, bukas pa talaga ang birthday ni Lauren kaso gusto nila isakto ng 12 ng gabi para daw salubungin nila yung exact date. So, mamayang 12mn na yun! at hindi ako prepare! I mean yeah may dress pero naman! first time kong pupunta sa isang event! at pang sosyalan pa!
"Ana."
"Yea, pasok."
Pagagalitan na naman siguro ako nito. Paano Ana na naman ang tawag sa akin.
Sumandal sya sa table at saka ako tiningnan.
"Pumunta ka."
Napaupo ako bigla sa sinabi nya.
"Naisip ko lang. Ako ang dahilan kung bakit hindi na normal ang buhay mo. Madami ka pang hindi alam, at mas mabuti na iyon. Tama na ang nararanasan mo. " lumungkot bigla ang mukha nya.
Never. Never pa namin napag-usapan ang mga bagay katulad nito.
"Gusto kong maranasan mo ang mga bagay na gusto mo. Hindi ikaw yung babaeng may maskara. Ikaw si Thiana, ikaw si Ana. Simpleng bata, palaban, Oo, pero normal." ngumiti sya sa akin.
Napalundag ako sa sobrang tuwa at niyakap sya.
"Salamat."
"Basta lagi ka lang mag-iingat."
Niyakap ko sya ng mahigpit. Kahit anong manyari hindi ko hahayaan na saktan nila si tay Warren. Kahit ano pa man ang sikreto nya, kahit ano pa yan, walang magbabago.
Kinuha ko ang dress at sinukat. Nakita ko na umasim ang mukha niya at umiling, umarte ako na parang nasaktan at biglang tumawa.
Nag-ayos ako ng sarili ko, hindi ko na kailangan magpunta sa parlor dahil kaya ko naman ayusan ang sarili. Light make up lang dapat pero sa lipstick ginamit ko syempre yung red para naman bagay sa dress, nag-curl lang ako ng buhok at pati ang bangs ko ang taray ng pagkawave. Para tuloy akong babae sa kapanahunan ng mga lola at lolo nyo.
Kinuha ko yung red deadly weapon ko na pumps.
Inayos ko na din yung mga gamit na dapat kong dalhin cellphone, wallet, pang girly things.
Syempre hindi mawawala sa katawan ko ang gamit ko. Meron akong nakatago sa thigh ko at meron din sa tagiliran ko.
Just in case.
I look at my reflection. Maganda ako. Period.
Yung babae sa harap ko ngayon ay dapat magpakanormal. This is my unmasked face.
I can see a lady swearing a Bloody Red Dress. Then, napangiti ako.
I want to forget everything, just for this night.
Walang underground flight.
Walang mafia
Walang Bloody Rose
Walang Silver snake
Walang...Black Angel Seraphim dahil ako si Thiana...Thiana Lopez.At lalong wala dapat Mart 'Evil' Almert na isipin.
"Anong oras ang uwi mo? may maghahatid ba sayo? lalaki ba yan?"
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...