1. New kid in the block
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng bagong university na pinapasukan ko. Natural na siguro kapag bago madaming tumitingin sa'yo? Di ko na lang sila pinapansin, wala naman akong mapapala sa kanila, buti ba kung madadagdagan ang laman ng ATM ko kung sisigawan ko sila at pag-uupakan, o dikaya'y pagdudukutin ang mga mata.
Bakit ba kailangan kong lumipat dito? para mas mabantayan daw ako , sus as if naman tatakasan ko sila. Marunong naman akong tumupad sa usapan at may pinirmahan akong kontrata, mahal ko pa ang buhay ko kaya hindi ako susuway. Alam ko maraming hindi nakakainti sa akin, siguro kalaunan malalaman at maiintindihan nyo din, pero sa ngayon? I need to deal with all these students na nakatingin sa akin.
Wala naman akong makitang mali sa itchura at porma ko, bukod sa nakasuot ako ng makapal na salamin at nakapaldang lagpas tuhod tapos naka bagpack pa ako diba? cool fashion sense diba? Haha.
I may look weird, baduy, ang nerd. Eh paki ba nila, ito uso sa akin ngayon may magagawa sila?
"Haha, look at her she's weird. San era ba sya galing?"
"Owmy, look mukha syang manang tingnan. "
"She's so baduy."
Err! Whatever ! kung pagtatabasin ko kaya dila nila? Okay kasalanan ko kung bakit tinitingnan ako at pinag-uusapan, dahil sa looks ko. Kailangan ko kasi ito, pagpapanggap? umm pwede?. I need to wear all the props , habang hindi ko pa sila nakikita! alam ko na may mga bantay sila dito sa university na 'to kaya nila ako dito pinasok bilang 'scholar' kuno. Tsk!
Habang hinahanap ko ang number ng room ko ay mas dumadami ang mga napapatingin sa akin at nagbubulong bulungan. Umirap na lang ako sa kawalan.
Wow ah, talgang first day ko nakahakot agad ako ng attention! ang galing ko talaga.
Nung finally nakita ko na ang room ko ay tumapat ako sa pinto, late ako dahil sa kahahanap ng room, at di lang yung late din ako ng ilang araw.
Kumatok muna ako sa pinto to get the professor's attention and unlucky lahat din ng estudyante sa loob ng classroom nakuha ko din ang atensyon.
"Yes Miss?" tanong agad ng professor.
Naglakad ako papasok at ibinigay ang index card sa kanya.
"Okay, she belongs in your class. Go introduce yourself."
kumapit ako sa strap ng bag ko at humarap sa kanila. Gumiti pa ako kahit kitang kita ko sa mga itchura nila ang gustong gusto na akong pagtawanan at masuka suka sila sa nakikita nila sa harapan nila.
"Hi, I'm Thiana Lopez."
After kong' magpakilala may biglang tumawa.
"What's your name again miss? Tiyanak? bwahaha." nagtawanan silang lahat.
"Thi-a-na." pagkokorek ko saka hinipan yung bangs ko, that means nagtitimpi ako.
"Miss sinong designer mo? stylish? "
"You really from the modern era huh?"
Pinakinggan ko isa isa ang mga violent reaction nila sa style ng pananamit ko. So what? Gusto ko lang makitawa sa kanila.
"Stop it! Miss Lopez, go and find a vacant chair." sinunod ko yung utos ng professor. Nakita ko naman yung bakanteng upuan sa malapit sa bintana kaya dun na ako umupo, kaso may mga asungot.
A group of boys, err-well good looking to be exact.
Nakita ko na mga nakangisi sila sa akin, at biglang humaba ang leeg nung isa at inilapit ang mukha nya sa akin.
"Hi Miss you look very fantastic sa style mo." alam ko yung tonong ganyan eh, tsk iniinsulto nya ako.
Nagtawanan naman at nag-apir pa silang mga kagrupo nya.
"Thank you." binigyan ko sya ng pinaka-pinaka-pekeng ngiti na pwedeng kong mapakita. Bwiset!
Nagdiscuss na yung professor, and since late ako sa discussion nila para lang hangging na dumaan ang lesson sa tenga ko, di bale na lang at magreresearch nalang ako mamaya para mas maintindihan ko.
Ok na sana yung buong period kung hindi ako ginugulo ng mga bastos na nilalang sa tabi ko, binabato ako ng papel at maya maya ay tatawa. Hah! mga isip bata, kung gusto nila bumalik sila ng elementary o kaya highschool! Nakakairita, kung sa normal kung ugali baka nagkabalibali na ang mga buto nila sa mga oras na 'to, pero dahil sabi ko nga magtitino ako dito sa university na 'to kailangan kong magtimpi.
Natapos ang unang period ng puno ng pagtitimpi. Lalabas na sana ako ng room ng may humarang sa akin, yung mga bastos, mga gwapo sana mga wala namang modo! Pinalibutan ako ng limang mga lalaki. Kung sa ibang senaryo pa 'to feeling ko ang ganda ko dahilbsa mga nakapalibot sa akin, kaso bwiset e!
"Hey new kid in the block! " sabi nung lalaki na katabi ko kanina.
"Cute ng porma natin ah." tapos biglang hinawakan yung laylayan ng palda ko.
Peste kapag ako hindi naging mabait sa kanila ewan ko na lang! Oh badass spirit wag ka muna sasapi sa akin please!
"Pwede ba, tantanan nyo ako." medyo iritado na ako, may hinahabol pa akong next class at ayokong malate na naman! Ugh!
"Woah palaban si miss new kid in the block."
Yung ibang istudyante nakaalis na meron din namang natira at pinanunuod kung paano ako pagtripan ng mga bastos na 'to, yung iba nakikitawa pa.
"Ayos !hindi pala magiging boring ang first class natin, may clown na tayo! haha." nag-apir ulit silang lima, may isa pa na hinawakan ang buhok ko.
Nahipan ko ulit ang bangs ko, nakakadalawa na akong ihip, isa na lang.
Iniwas ko lang yung ulo ko, bwiset wag nilang antaying makapangatlong ihip ako sa bangs ko dahil baka makalimutan ko na bago lang ako dito at magka-record agad ako.
Hahawakan sana nung isa yung mukha ko pero natampal ko iyon kaya naman nagulat sila.
"Woah, woah, ang lakas nun ah. Palaban ang clown natin." malakas? halos papitik ko nga lang yun, wag mong sabihin nasaktan sya dun?
"Guys, guys, be gentleman naman, babae parin yan, di pa nga tayo nagpapakilala sa kanya eh." inilahad nung katabi ko sa upuan ang kamay nya. "Hi miss Thiana---k? pfft, I'm Eron."
At sa ikatlong pagkakataon, napaihip ako sa bangs ko. Sabi ko wag nila akong pangangatluhan. Tinanggap ko ang kamay nya at piniga. Nakita ko sa mukha nya ang pagkabigla pero hindi sya nagsalita, ngumisi lang ako sa kanya at mas lalo pang piniga ito, pinipilit nyang tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero hindi sya ganun ka lakas.
"Wowoah! "
Nagreact ang lahat ng inilapit ko ang mukha ko sa kanya, isang ngiting nakakaloko ang binigay sako idinako ang bibig ko sa may tenga nya saka bumulong.
"I'm THIANA Lopez," may diin sa pangalan ko, at mas diniinan pa ang pagpiga ko sa kamay nya, " Don't mess with me, sabihin mo din yan sa mga kasama mo, kung mahal nyo pa ang buhay nyo." saka ako tumingin ulit sa kanya at madilim syang tiningnan sa mga mata. I saw fear in his eyes. Dapat lang dahil tatandaan ko ang mukha nilang lima, baka isama ko sila sa listahan ko, pasalamat sila at mabait ako dahil unang araw ng pagpasok ko at may kasunduan kami na wala akong gagawing gulo sa unang araw na 'to kaso mapilit sila .
Natahimik ang lahat sa ginawa ko, alam 'kong walang nakarinig sa sanabi ko liban sa kanya. Iniwan ko silang lahat sa loob ng room, pero nasa labas palang ako ng pinto ng makarinig ako ng sigaw.
"AAHHHH F*CKSH*T !!!! "
"Dude what happen?!"
"F*ck! D*mn !.. she.. she Ugghh!!!!"
Nakangisi akong tuluyang lumabas ng room. Tagumpay! Haha, Hindi naman siguro ako lumabag sa kanya sa simpleng pagbali lang ng mga daliri sa unang araw sa klase?
Tingin ko hindi magiging ordinaryo ang magiging buhay ko dito.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...