25. Information saved
I didn't attend my class for like two days? ewan three ata. I don't feel like going to school either.
After nang parking area incident nagwalk-out ako. Walang sumunod walang umawat wala!
Ano nga bang ini-expect ko?
"Walang mangyayari kung magmumukmok ka lang dito sa bahay."
Umayos ako ng upo at tiningnan ang madramang entrance ni tatay sa kwarto ko.
"Hindi ka naman dating ganyan Ana."
"Oo nga po e."
Sinabi ko kasi sa kanya ang nangyari, ngayon parang hindi ko alam paano sila haharapin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nasa mga isip nila. Paano kapag magtanong sila tungkol sa akin? sa buhay ko? Magsisinungaling ba ako dapat?
"Pumasok ka. Harapin mo sila. Kung ano ka sa kanila, iyon ka talaga. Kung totoong kaibigan ka nila. It will not matter. Ikaw si Thiana, ang kaibigan nila."
Humugot ako ng malalim na hinga. Tama si tatay.
Bigla naman syang may inabot na folder.
Akala ko tapos na? Hindi pa ba?
"A-Ano…meron ulit? akala ko--" napatigil ako dahil ginulo nya ang buhok ko. Tsk naman e! not my hair please!
"Silly. Nang sinabi ko na last na, tapos na. Sabi ko gagawa ako ng paraan. Para sayo."
Binuksan ko ang sobra at nakita ang death contract na pinirmahan ko noon, nakasaad sa papel na, si Black Angel Seraphim ay hindi na nila hawak. Free as a bird. Malaya na.
"P-paano? I mean--hindi madaling makaalis sa kanila--Tay." gusto kong umiyak kaso siguro nasanay na ang mga mata ko na tuyo. Walang luha.
Niyakap nya ako na nakatunaw sa damdamin ko.
"Wag mo ng itanong. Ang mahalaga tapos na. Malaya na si Black Angel Seraphim. Babalik na si Thiana. Mahabang panahon ka naghirap ng dahil sa akin, hindi pa to sapat. Pero sana…mapatawad mo ako…sa lahat…lahat."
"Tay! wala kang kasalanan! ginusto ko to. Gusto kitang protektahan kaya ginawa ko yun."
Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at…not again! Ugh! my hair!
"Tama na ang drama! pumasok ka na nga!"
Iniwan na naman nya ako, ayaw nya talagang malaman ko? Paano nya nagawa na matanggal ang isang black angel seraphim sa underground fight, samantalang malaki ang pakinabang nila sa akin.
Winala ko muna ang mga tanong ko sa isip ko, may problema pa si Thiana, crap! makikita ko na sila. Naduduwag talaga ako.
Yeah right! I'm scared. No I'm terrified.
I did not touch my phone for 3 days, I turn it off. Kaya di ko alam anong bubulaga sa akin kapag binuksan ko iyon. Baka may message si Eron na galit sya or something!
Nakakawindang! Like seriously!
I did not attend my first class, yung classmate ko ang limang k-kumag.
Okay naman, parang nanibago lang ako na ang tahimik, walang makulit at wala akong nababatukan, walang tinatakot na Brix, walang Lauren na madaldal as ever. Haaay!
Umupo ako sa damuhan, naalalako dito, same place, first day may mga pinatulog akong soccer players, at dito ko din unang nakita si Clark.
Those three, I know kakaiba sila from others, alam mo yun they are not ordinary college students, but they can show who they are. Kahit kumukulo ang dugo ko sa kanilang tatlo.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
AcciónCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...