24. Half Mask
Anong akala nya na maniniwala ako sa mga pinagsasabi nya? He can't be so serious with that, alam na alam nya kung paano maglaro a, anong plano nya? ano! Ugh!
He was determined to see the other side of me. Tama. Yun lang yun. Kaya hindi dapat ako mabother sa mga sinabi nya.
I also want to know them better pero hindi naman ako katulad nya! May mga hinala na ako pero wala na akong balak pa na halungkatin ang buong pagkatao niya.
There is no use. If they're really one of those mafia, then fine! As soon as tuluyan na akong makalaya sa kanila, wala na akong balak pa na bumalik pa!
Gaya ng sinabi ko, I want to get back to being normal, I want to get my life back.
I can't believe he can make me this frustrated!
"Hey--ouch!"
Nagulat ako sa biglang kumapit sa balikat ko, dahil masyado akong aburido ay bigla ko tuloy napilipit ang braso nya.
Warning: wag nyo akong hahawakan sa kahit anong parte ng katawan lalo na kapag aburido at badtrip ako!
"What the? Aah!"
Hindi ko pa nakikita ang mukha nya dahil nga nakapilipit ang braso nya sa likod.
"Araaay! Thiana naman alam ko na bayolente ka talaga hindi mo na kailangan patunayan araw araw na magkikita tayo...ouch."
"Crap! Eron?" agad kong binitawan ang braso nya at nakita ko kung paano nya inistrech iyon.
Na-guilty ako bigla. Ang shunga ko din minsan e, nadadamay ang iba sa init ng ulo ko.
"Grabe ka talaga. Ganito ka ba makamiss? damang dama ko talaga! masakit a."
"Eer…sorry. Bakit ba kasi bigla bigla mo na lang akong hinahawakan sa balikat?" ako pa tuloy ang naiinis sa kanya ngayon.
"I was just trying to get your attention--crap nabali ata buto ko--kanina pa kita tinatawag."
"Ang o.a ah! nabali agad?"
Umirap ako sa kawalan dahil sa pagka-o.a. ng reaksyon niya at nagsimulang maglakad. Dumale na naman ang pagsunod sunod nya.
"Totoo kaya. The first time we meet you also broke my hand!"
"That's because your a big asshole back then."
"Dati lang yun a." pinagmalaki pa talaga?
Magkasabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa gym, nawindang naman ako dahil sa dami ng tao? yung totoo? practice lang ito o real game na? grabe maka hakot ng fans club?
"Tara!"
Hindi na ako naka-angal ng bigla nya akong hilain papunta sa upuan malapit sa bench ng mga players.
As if naman Thiana aangal ka baka nga tuwang tuwa ka pa.
May mga narinig pa nga akong reklamo at angal sa ibang mga fanatic nila na kesyo daw bakit ko kasama nila, anong relasyon ko sa kanila and so on and so forth! nakakairita sa tenga! siryisly with 360 degrees eye rotation!
Sinalubong din ako ni Lauren na sitting pretty na pala sa pwesto niya, hindi naman sya masyadong excited manuod ng practice ng magaling nyang kapatid ah.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...