18. Yes

139 4 0
                                    

18. Yes

Nabibingi na ako. Yes, nabingiblang ako diba? Hindi ko naman narinig yung emcee na tinawag ang pangalan ko diba?

"Miss Thiana Lopez? can you please come on stage." oh god hindi yun totoo? diba?

Nagtingin tinginan ang mga tao sa paligid, hinahanap din kung sino ang Thiana Lopez!

Hindi ko talaga magalaw ang mga paa ko. Nanlalambot ang tuhod ko. Ano ba dapat ang gawin ko? tumakbo palabas? No!

Slowly nagawa kong ihakbang ang paa ko. Nagulat na lang ako nang biglang may liwanag na naka-focus sa akin.

Oh my god! Ang daming tao!

"There you are! " tinuro ako ng emcee.

Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito at any minute ay matutumba ako sa panlalambot ng tuhod ko, nanlalamig na din ang palad ko.

Then there's this guy, walking towards me. Nakakalusaw yung ngiti nya.

"You're...undeniably beautiful."

Lost in words. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko.

Tinanggap ko ang kamay nya at inalalayan nya akong maglakad. All eyes on us. Parang inagaw pa naman yung main event.

"Aw, that's so sweet Eron. " Makahulugang ngiti ang binigay ng emcee sa amin.

Tiningnan ko muna si Lauren na ang lapad ng ngiti. Saka ako umakyat ng stage.

Nagkabuhol buhol na ata ang dila ko.

"Uh...Hi! good evening. " tumingin ako sa gilid kung asan si Eron, he mouthed 'be yourself' something like that. Humugot ako ang mahabang buntong hininga.

Be yourself. Be normal. Be who you are.

"Actually wala akong alam na may ganito." tiningnan ko si Lauren, nakaiwas lang sya ng tingin at pinaglalaruan ang dulo ng buhok nya.

"Lauren naman sana naman pinasabihan mo ako three days before para naman nakapag handa ako ng malanobelang mensahe." narinig ko na may tumawa. "Kita mo tuloy kinakabahan ako, na nginginig ang tuhod ko. Paano kung mahulog ako dito dahil nga kinakabaha ako?"

Biglang sumigaw si kumag

"Then I will catch you!"

That earned a laugh from the people. Natawa na din ako. Kumag talaga.

"Seryosong usapan." nagseryoso na din ako. "Happy birthday." tumawa na naman sila. "De joke. Ito na po talaga...Lauren, you are the first ever friend I have, you are the first person na kumausap sa akin kahit out of the world pa yung mga trip ko. Happy Birthday! I know you're already blessed with so many things, but I wish you more. Happy birthday! "

Nagulat ako dahil bigla nya akong niyakap. I hug her back.

"Thank you Thiana!"

"Shss! wag ka nga ngumawa dyan ang daming tao oh. Yung make up mo pa."

"Okay lang waterproof yan."

Nagstart ang party after ng kantahang 'happy birthday to you' . Medyo nawala pa ako dahil tinawag si Lauren ng mga bisita nya kaya ayun nagkahiwalay kami.

Ginala ko lang yung paningin ko sa paligid. Baka may makita akong kilala, as if naman close kami.

"There you are! crap I've been looking for you."

"Uh? Uy. " mukha na siguro akong tanga. Ano ba yan Thiana! napaka epic fail mo talaga.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako kung saan, madami kaming mga nadaanan pero lahat yun ay nilampasan lang namin. Itong lalaki naman kasi na makahila kala mo hinahabol ng kabayo!

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon