20. From death to life
Nagising ako nang biglang masilaw ang mata ko sa sobrang liwanag. Tinakpan ko agad ng unan ang mukha ko mabilis naman na may humablot dito.
"Ugh! Natutulog pa ako."
"Babangon.ka.ngayon.din."
May diin sa bawat salita na binitawan nya, narinig ko pa ang pagtunog ng nag-uuntugang pamatpat.
"Crap! Oo eto na.
Tumayo agad ako sa higaan kahit na sobrang antok pa ako. Kailangan talaga may panakot sya sa akin para lang mapatayo nya ako sa higaan.
Anong oras na ako natulog, may araw na nga nang natulog ako e. Tapos gigisingin agad ako?
Inayos ko ang sarili ko at naligo na. Sinuot ko lang ang uniform ko kapag may practice kami ni Tay Warren.
Bumaba agad ako sa basement at nakita ko sya duon na nag-aantay may hawak naman sya ngayong latigo.
Ano ba yan! may bago na naman syang panakot sa akin.
"Nakalimutan mo bang may laban ka mamaya?"
Oh shit!
Lumaki ang mata ko ng bigla nya itong hinampas sa direksyon ko. Hindi ko agad yun nakita kaya ang lakas ng pagkahampas sa braso ko. Bumakat agad yun sa lakas.
"Mabagal. Bumabagal ka nang kumilos."
"Hindi pa ako handa e!."
Nagpapaliwanag pa ako pero bigla na naman nya akong hinampas!
"Kailangang lagi kang handa!"
Sa pangatlong beses ay nasalag ko na iyon at nahawakan ang dulo. Mahapdi sa balat kapag nahampas.
Pinilit ko hilain iyon at kunin kaso binitawan nya mismo yun kaya tumalsik ako sa lakas ng impact ng pagkakahila ko.
"Humihina ka na Ana. Mag-ensayo ka pa. Alam mong dapat palagi kang handa sa laban."
Tumayo ako kahit na masakit ang balakang ko dahil sa pagtalsik ko.
"Hindi ko hahayaan na matalo nila ako."
Sigurado ako sa sinabi ko. Siguro nga humihina ako pero sa oras ng laban kahit buong lakas ko ibibigay ko, hindi ko hahayaan na matalo nila ako.
"Patunayan mo!"
Kinuha nya ang espada na naka sabit sa wall at agad na winasiwas sa akin. Nakailag ako at mabilis din kinuha ang isa pang espada na nakasabit.
Totoong espada ang gamit namin at natural na masugatan kami. Nakakaasar lang dahil palagi na lang akong nahahampas!
"Sino ang lalaki na naghatid sayo?"
tanong nya habang seryoso kaming naglalaban.Itinulak ko sya at naka ambang kunin ang hawak nya pero nasipa nya agad ang kamay ko.
"Kaibigan ko!" pasigaw na sagot ko.
"Nakita ko kayo. Sa labas."
Naalalako na naman yung nangyari kanina.
Pinagbukas pa nya ako ng pinto, gentle dog effect!
Tinalikuran ko na nga sya pero bigla nya akong hinila at niyakap, hindi nga ako naka-react. Mas kinagulat ko ang paghalik nya sa pisngi ko. Crap!
"Aah!" napasigaw ako dahil sa maliit na hiwa sa hita ko.
"Focus Thiana! Focus!"
Naiinis naman ako dito, baka hindi na ako umabot sa laban ko mamaya e! mukhang siniseryoso ni tay Warren.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...