30. The Big day
Hindi na talaga ako tinantanan ng mga tao sa loob ng room. Paano ba naman gumawa pa ng eksena ang kumag na lalaki!
Akala ko naman ihahatid nya lang talaga ako sa room kaya nung patalikod na ako ay tinawag nya ako at mabilis na dinampian ng halik sa labi. I froze, kaya hindi agad ako nakarecover! kaya pagsigaw ko sa kanya ayun at tumatakbong malakas ang tawa! bwisit na kumag yun!
"Boyfriend na ba nya?"
"I thought chismis lang? Totoo na pala? Hindi sila bagay!"
"Ewwie naman! for sure he's just toying her! Duh!"
"We will see! huh!"
Oh whatever people! 360 degrees eye rotation for you bitches!
Hindi ako ganun ka babaw para magpaapekto sa mga sinasabi nila. Wala naman silang alam.
Tumahimik na lang ako at hindi pinansin ang mga usapan tungkol sa amin. Dumating na si prof, nagparesearch lang tapos ayun dinismiss din kami agad.
Kalat agad sa buong university ang tungkol sa amin ni Eros, ewan ko ba at bakit big deal sa kanila yun. Bakit ba kasi sikat ang kumag?
I was walking papunta sa next class ko nang masalubong ko ang grupo nila Mart. Wala naman akong balak na huminto, para saan pa? Naalala ko lang ang binunyag sa akin ni Clark! Pinagtripan lang nila ako! mga talipandas!
Huminto si Mart sa harap ko, buti na lang at wala masyadong tao at ang iba naman ay busy kaya walang nakapansin.
"I heard about the news." he said with his evil smirk.
Badtrip!
"Oh? Ano naman sa'yo?" humalukipkip ako sa harap nya.
I saw Clark's smirk, sarap talaga suntukin ng mga ito!
Nag-igting ang bangan ni Mart, at naging seryoso ang tingin nya sa akin, tamad ko lang binalik ang tingin nya.
Akala ko ay may sasabihin pa sya pero hindi na sya umimik pa at madilim ang tingin nya nang lampasan nya ako. Para bang galit na galit sya at nakita ko iyon sa mata nya. For the first time, naramdaman ko ang takot sa bawat titig na yun.
Darn it! Anong meron sa titig na yun? At bakit naman ako nagpapaapekto?
Pumasok na ako sa huling klase ko, kahit pa pilitin ko'ng ituon ang atensyon ko sa tinuturo ng propesor sa harap ay hindi talaga mawala sa isip ko ang galit at bigat ng titig nya. Damn! I shouldn't be affected by that!
Biglang nag-vibrate ang cellphone na nakalagay sa bulsa ko.
*1 Message Received
Tay Warren
Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbukas ko sa mensahe! Once in a blue moon mo lang ang ganitong pagkakataon! Himala at nagtext ang aking magaling na tatay!
Dalhin mo sila sa bahay, lalo na SIYA. Wag kang uuwi na hindi sila kasama.
Naiintindihan mo?!
I mentally face palm. Crap! Ano bang binabalak ng tatay? gusto nya atang magkasakit ako sa puso ng tuluyan! Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa balak nya! Hindi sya kailan man nagpapasok ng ibang tao sa bahay! as in wala! never! at ngayon iniimbitahan nya ang mga kaibigan ko at ang …err boyfriend ko?!
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...