3. The Other ME

320 15 0
                                    

3. The Other ME


Napagpasyahan ko na pumunta ng library tutal hindi pa ako uuwi at maaga pa masyado, kailangan ko din mag-aral, at dahil nga walang gustong kumausap sa akin sa mga kaklase ko sa bawat subject ay nagkusa na ako. Bwiset talaga! Kaya eto, ilang libro ang bitbit ko at hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magbasa! Ah bahala na!


Pumpwesto ako sa kasuluksulukan ng room, ayoko ng masyadong maingay. Takte kasi yung mga babae dito sa loob ginawang tsismisan area ang room at yung bantay ay nakiki-chika din.


Mga ilang libro pa lang ang nababasa ko, pero hindi ko na kinakaya ang ingay dito sa loob ng library! ano 'to? parang palengke lang ah?! Padabog kong isinara ang libro at nagmadaling lumabas. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta, unang araw ko dito at hindi ko pa kabisado ang buong lugar.


Naglakad ako at dinala ako sa malapit sa field, may mga naglalaro sa field at may mga nagpapractice naman ng 'cheering' sa kabilang dulo, umupo ako sa may isang malaking puno, wala naman sigurong mang gugulo sa akin dito?


Nagbasa na lang ulit ako, pero hindi pa man ako nakaka ilang page ay naramdaman ko na ang pagtama ng bola sa ulo ko.


PUSANGGALA! SINONG SUMIPA NUN?!


Nag-angat ako ng tingin sa mga hinayupak na lalaki na naglalaro sa field, pati pala yung mga nagpapractice sa kabilang side nakatingin sa akin at tinatawanan na ako. Sige pagtawanan nyo ako.! Kung isa siguro akong lalampa lampang 'nerd' dito ay naglupasay na ako at umiyak, yun ba ang inaantay nilang gawin ko? Well sorry sila! mamumuti na lang ang mga mata nila pero walang pwedeng magpaiyak sa akin!


"Oopss, sorry napalakas !."


Ngumisi na lang ako, takte napalakas? so malakas na sa kanya yun? nagulat lang ako pero hindi naman ganun ka lakas ang weak nga nya sumipa, baka kapag sinapa ko ang bola na to pabalik sa kanya mahimatay pa sya. okay ang yabang ko n pero totoo naman! mas malakas pa sipa ni Tay Warren.


Tumayo ako at kinuha ang bola ng soccer. Pinatalbog talbog ko muna sya sa mga kamay ko. Gusto nya bang malaman ang tunay na malakas na sipa? Sige ipapakita ko sa kanila ang meaning ng malakas na sipa.

Inagis ko sa ere ang bola at bumwelo ako sipa, mga 50% siguro pwede na magpatulog? . Dahil mahaba ng palda ko ay iniangat ko ito, may doble yan! wag kang ano! Inantay ko talaga ang perfect timing para masipa ang bola at asintahin ang mga tao sa fiel, 'mga' dahil hindi lang isang tao ang siguradong tatamaan nyan, nilagyan ko ng pektus ang pagsipa ko sa bola para madaming tamaan.


Ang bilis ng pag-ikot nito at hindi siguro nila inaasahan na malakas iyon, mukha lang kasing parang walang kwento ang sipa ko, kaya nung tumama ito sa isa sa kanila, biglang bumanda sa dalawa pang player nila, ang ending tatlo ang bumagsak at may ilang pang natamaan.


Literal na natigil sila sa tawa nila, at may ilan pa akong nakitang napanganga sa ginawa ko. Mabilis namang nilapitan ng mga kasama nila yung tatlo na nakatulog ata, kawawa yung unang tinamaan sa kanya yung unang lakas ng impact ng bola!


"Medic! medic!"

"Ced! Kurt! Alen!"

"Owmy! how? how?"

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon