22. Dream.
Nakatayo ako sa malaking salamin sa kwarto ko. I was smiling from ear to ear, sobrang saya ko.
Last night was my last fight.
Tapos na. Ang sabi sakin ni tay Warren ay iyon na daw ang huling laban ko. Kaya siguro sobrang saya ko. At last! I can be normal. I don't need to wear that mask anymore. I don't need to fight anymore.
Nakita ko ang repleksyo ko sa salamin, nakangiti.
Nabigla akong nagkaroon ng lamat ang salamin. Sinubukan kong hawakan ang salamin pero biglang lumaki ito.
Holy.Shit!
Biglang nag-appear ang babaeng may maskara. Napatingin ako sa sarili, I'm not even wearing my mask! paaanong...?
Kinilabutan ako sa nakita ko, lalo nang biglang magdilim.
Total darkness. Wala akong makita at para na akong napako sa kinatatayuan ko.
"Ana!"
Hinanap ko ang pamilyar na boses.
"Tay! Tay Warren asan ka? hindi kiya makita!"
Hindi ako makaalis sa pwesto ko pero palinga-linga parin ako at hinahanap si tatay Warren.
"Tay ano ba! asan ka ba!"
"Ana?"
Crap! bakit ba walang ilaw? black out? naputulan? at bakit hindi ako makaalis sa pwesto ko.
Nagkaroon ng kaunting liwanag at nakita ko ang pigura ng isang lalaki. Likod pa lang alam na alam ko na!
Dun lang ako nakahinga ng maluwag.
Sinimulan kong maglakad papunta sa kanya pero parang kahit anong lakad ko ay hindi ako makarating sa kanya.
"Tay! Ano ba yan bakit lumalayo ka?"
Tiningnan nya lang ako na parang may mali sa sinabi ko.
"Dyan ka lang Ana. Wag kang lalapit."
Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya. Nagkakalokohan na ata kami dito a!
"Tay naman parang adik.Ano bang pinagsasabi mo?"
Nakaka-frustrate dahil ang lalaki na ng hakbang ko ay hindi ko parin sya maabutan.
"Tandaan mo mahal kita na parang tunay na anak...itatama ko ang lahat."
"Hah? hindi kita maintindihan!"
Maabutan ko na sana sya ng bigla akong marinig na mga putok ng baril. Madilim kaya hindi ko alam saan galing ang putok, napayuko at para makaiwas pero lahat ata ng dugo ko nawala nang makita ko ang duguang katawan ni tatay.
Tumigil ang paghinga ko. Tumigil bigla ang mundo ko.
Hindi...hindi pwede...hindi ito totoo!
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
AksiCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...