2. Center of Attraction

321 14 0
                                    

2. Center of Attraction


Nagmamadali akong lumabas sa huli kong klase, di tulad sa first subject ko mas matiwasay ang sumunod na dalawa, syempre hindi parin nawala ang mga mapang-insulto nilang tingin at mga mapang-matang bibig (if you know what i mean) , sobrang taas na ng pagtitimpi ko sa araw pa lang na 'to. Dapat patayuan na nila ako ng rebulto sa taas ng pagtitimpi ko. Hah!

Halos patakbo na ako papunta sa cafeteria nila, dahil sa tinding gutom, kailangan ko ng mapagbabalingan ng galit ko.


"OUCH!!"


Halos tumilapon naman ang babae na nakabangga ko, katulad ko may salamin din syang makapal pero hindi kami parehas ng style ng damit mas matino naman ang sa kanya.


"Sorry miss, nagmamadali kasi ako." Inabot ko sa kanya ang kamay ko para tulungan syang makatayo, kinuha naman nya ito.


Pinagpag nya ang pants nya dahil na dumihan dahil sa pagbagsak nya, naku alam ko masakit yun.


"Sorry din, pero masakit yun ah feeling magkakapasa ako sa pwet nito. "


"Sorry talaga. Gutom eh."


"Ok na hindi mo naman sinasadya. Ah dun din ako papunta, sabay na tayo."

Ang bait naman ng babae na 'to, sya pa lang ang kauna unahang kumausap sa akin ng matino sa university na 'to! Mabibigyan ko sya ng tatlong mabibilis na palakpak!


Nakipagkwentuha pa sya habang naglalakad papunta sa cafeteria, alam na alam na nya agad na bago ako dito, at narinig na din nya galing sa iba nyang kaklase ang tungkol nga daw sa akin. Ang galing sikat ako!.

Pagpasok pa lang namin sa loob ilang mga pares agad ng mata ang nakatingin sa aming dalawa, pero ang kasama ko walang paki alam at tuloy tuloy lang na pumasok sa loob, edi ako din dapat walang pakialam.


"Look! si Miss Nerdy, di na nag-iisa may kasama na sya at yung new student pa."


"Birds of the same feather eat together haha."


"Don't mind them." sabi lang ni- Kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan nya.


Pumila kami sa may food counter para pumili ng pagkain, ako ay dalawang rice lang naman at dalawang putahe din ng ulam, plus sweets at pizza. Hindi ako gutom, galit ako kaya ganito ako.


Umupo kami sa pinaka sulok na parang nakalaan para talaga sa mga katulad namin.


"Hindi ka gutom ah? haha, mauubos mo lahat yan?" natatawang tanong nya pagkaupo na pagka upo palang namin sa table namin.


"Hay, nakaka-stress kaya ang first day ko kaya ganito ako, don't worry hindi ako sanay magsayang ng grasya, ubos to sakin." saka ko sya pabirong kinindatan. Nagkatawanan lang kaming dalawa, siguro magkakasundo kami nito.


"Ah, kania pa tayo magkasama pero hindi pa kita kilala." simula nya.


Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon