NOTE: SUPER tagal na po since nag-update :( sorry po talaga pero eto na talaga...tatapusin ko na po tonight yung buong kwento para di narin kayo mabitin.
Dahil po sa ikakaganda ng story, may mga pagbabago po akong ginawa sa ibang chapters. ("Unsent letters" tsaka "How it Began" suggest ko ireread niyo po muna para di kayo malito). Medyo iniba ko lang po yung original plan ko para sa story kasi binasa ko siya ulit at sa tingin ko po mas maganda po para sa story yung konting changes na ginawa ko :)
Pasensya na po sa confusion sa plot at sa tagal ng update. Sana ma-enjoy niyo yung last chapters ng story (kung may nagbabasa pa nito hehe). Yun lang and happy reading ^^
***
Pagbukas ko ng pinto, inaasahan kong nandoon sa loob si Tricia, nagmamakaawa at ginagawa ang lahat para manatiling buhay.
Inaasahan kong yung kwarto na papasukan ko ay puno ng dugo, baril, o kahit mga kutsilyo.
Hindi ko inasahan ang isang malinis at walang laman na kwarto pagpasok ko.
Wala na namang ibang lugar na pwede nilang itago si Tricia...kaya eto nalang ang huli kong mapaghahanapan sa kanya.
Asan na si Tricia?
"Times up." may narinig akong nagsalita. Ngunit hindi galing sa cellphone, kundi sa likod ko.
Hindi na ako nagkaron ng pagkakataon na lumingon dahil bigla ko nalang naramdaman ang isang matulis na karayom na tinusok sa leeg ko.
Onti-onti akong nawalan ng pakiramdam sa katawan ko, ngunit pinilit ko paring panatiliing dilat ang mga mata ko.
Pagkatapos ng ilang saglit, binuhat na ako ng kung sino man ang nagtusok sa akin ng karayom. Gustuhin ko mang magsisipa o tumakbo para makatakas, hindi ko magawa. Parang hindi ko magalaw ang katawan ko, ngunit nakikita at nararamdaman ko lahat ng nangyayari sa paligid ko.
Dinala niya ako sa baba ng warehouse, hanggang sa nakalabas na kami sa malapit sa gubat.
Saan niya ako dadalhin?
Maya maya ay nasagot ko rin ang sarili kong tanong noong may nakita akong isang malalim na butas sa lupa katabi ng isang panghukay.
Nung nakita ko ito, ginawa ko ang lahat para ikilos ang katawan ko, ginawa ko ang lahat para makatakas sa kanila, para iligtas ang sarili ko.
Pero hindi ko talaga magalaw ang sarili ko....ano ang ginawa nila sa akin?
Bigla nalang akong hinagis sa loob ng butas sa lupa. Naramdaman ko ang masakit kong pagbagsak, at nakikita ko rin ang konting dugo na lumabas sa braso ko dahil sa pagtama nito sa isang bato.
Sumilip mula sa taas yung nagbuhat sa akin papunta dito. Isa siyang lalaking nakamaskara, at nakasuot ng puro itim. Hindi ko alam kung bakit, pero kinilabutan ako pagtingin ko sa kanya.
Maya maya may tumabi sa kanya at sumilip mula sa taas. Isang babae. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.
Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang saglit. At doon sa saglit nayon ay nalaman ko na ang buong kwento.
Siya si J. Ang nagsimula ng lahat ng ito. Ang lahat ng mga nangyari sa akin at sa aking mga kaibigan.
At higit pa doon... siya din si Jaye, ang dati kong kaibigan. Ang iniwan ko para makasama si Tricia. Ang tinangka kong patayin noon pa.
Matagal narin bago nangyari yun, at sinubukan ko nalang siyang kalimutan, sinubukan ko nalang itanggi na nangyari talaga yung araw na iyon
......sinubukan ko nalang ibaon ang dating alala na iyon.
Pero ngayon binabalikan na ako ng lahat ng kasalanan na ginawa ko noon.
Pagkatapos ng ilang saglit may mga lupa na hinulog yung lalaki sa butas. At patuloy niya lang itong ginagawa habang ako'y walang magawa para pigilan siya.
Sinubukan kong tumayo
Sinubukan kong umupo
Sinubukan kong sumigaw
Lahat nalang ng pwede kong gawin sinubukan ko, ngunit wala na talaga akong magawa para iligtas ang sarili ko.
Maya maya ay may mabigat na hinagis sa akin si Jaye. Tinignan ko iyon agad
Yung libro. Ang nahanap ko sa labas ng bahay ko sa simula nitong lahat. Ang isa sa mga paalala sa pinakamalaking kasalanan ko sa buhay ko. Ang ginamit ni Jaye para mapasunod at maloko kami. Ang instrumento na ginamit niya sa kanyang paghihiganti.
Ang Book of Revenge.
Sa puntong ito halos ang mukha ko nalang ang hindi pa natatakluban ng lupa. At nakikita ko pa silang dalawa sa taas ng butas, masaya sa kanilang tagumpay na paghihiganti.
Tumigil muna sa paglalagay ng lupa sa butas yung lalaki at tumingin sa akin.
Pagkatapos ng ilang saglit ay tinanggal niya ang kanyang maskara.
Parang tumigil ang paghinga ko nung nakilala ko ang mukha niya.
Nginitian niya lang ako bago nagpatuloy sa kanyang ginagawa, hanggang sa tuluyan na akong nasa ilalim ng lupa.
Tiyak, eto na ang aking kamatayan.
Author's Note: May last chapter pa po :)
![](https://img.wattpad.com/cover/4895691-288-k706456.jpg)