Scarlett...?

461 17 8
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Tricia habang nakatingin sakin. Ako naman ay puno ng gulat sa nangyari.

Napatingin muli ako kay Benedict. Na ngayon ay isang bangkay na lamang. Napansin ko na nangnginig na si Tricia sa takot kaya sinubukan ko siyang lapitan.

"Wag mo akong lapitan!" sabi niya sakin. Biglang umatras ng konti.

Binitiwan ko agad ang baril at sinubukan ko ulit lumapit sa kanya ng dahan dahan.

"Tricia...wag kang magalala....di kita sasaktan...." sabi ko. Onti onti akong lumapit sa kanya. Nung malapit na ako sa kanya ay sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Mahahawakan ko na sana pero...bigla na lang niya akong sinampal. Ouch. Nakikita ko ang mga mata niya.....puno na ng mga luha. Tinignan niya ako sandali bago nagsimulang tumakbo papalayo sa akin.

"Hindi ako ang bumaril kay Benedict!! Tricia!" sinubukan ko siyang tawagin muli ngunit masyado na siyang malayo. 

Nagisip ako ng sandali.

"Siguro....hayaan ko na lang muna siyang magisa....babalik naman siya diba? Tsk Tsk....pano kung mapahamak siya?" hahabulin ko na sana siya pero may bigla akong narinig na parang may mabigat na bumagsak. Mukhang nanggaling sa loob ng cabin ang tunog.

Naisipan kong tignan muna kung ano iyon. Pumasok ako sa cabin at nakita ko.....si Scarlett?! Malapit siya sa isang natumbang upuan mula sa sala. Napalingon siya bigla sa akin.

"Uy kuya! Kagabi pa kita hinahanap!!" sabi niya at bigla akong niyakap.

"S-Scarlett?! Ano ginagawa mo dito?! Pano ka nakarating dito?" Agad agad kong tinanong sa kanya.

"....Ah....dinala ako nung isa mong kaibigan dito. Ang bait niya pala kuya!" Sabi niya ng masigla.

"Ha?! Sinong kaibigan?" sabi ko sa kanya, gulong-gulo.

"Si ano...uh......nakalimutan ko kuya eh. Basta siya yung parang mukhang masungit mong kaibigan! Bigla na lang siyang pumunta sa bahay natin eh. Tas sabi niya sundan ko daw siya, para sabay na kaming pupunta sayo." sabi niya ng nakangiti.

"At bakit ka sumama sa kanya ng basta basta? Lilikado dito sa gubat Scarlett, at lalo na-" sinasabi ko pero bigla akong pinutol sa pagsasalita ni Scarlett.

"Gusto lang naman kitang makita kuya eh..ako rin naman nagaalala para sayo..." sabi niya ng medyo malungkot na mukha.

"Scar, kasi...lilikado dito sa gubat. Hindi ka na dapat pumunta dito.." sabi ko habang hinawakan ang balikat niya.

"Kung lilikado dito, bakit nandito ka kuya? Ano ba ginagawa mo dito?" bigla na lang niyang tinanong.

"Uh...eh kasi.....may importante lang talaga kasi akong gagawin dito..."

"Ano gagawin mo?" tanong niya.

".....Mahirap kasing I-explain Scar. Basta, dapat umalis ka na dito. Ayokong mapahamak ka pa..." sabi ko sa kanya.

Hindi muna siya nagsalita at nag-isip sandali.

"Sige na nga kuya....aalis na ako..." sabi niya habang maglalakad na paalis.

"Teka Teka....hindi ka pwedeng maglakad lakad sa gubat mag-isa. Asaan ba yung kaibigan ko na naghatid sayo dito?" tanong ko.

"Uh....umalis na kasi siya kuya eh......pwede bang ikaw na lang maghatid sakin..?" sabi niya

"Eh kasi, hahanapin ko pa si Tricia....Baka kung ano ang mangyari sa kanya kung mag-isa lang siya sa gubat...." sabi ko noong bigla kong naalala si Tricia.

"Kuya, kahit samahan mo na lang ako pauwi sandali......pwede ka namang bumalik kuya....." sabi niya ng mahina.

"Sige. Pero hindi ko kasi sigurado kung paano makalabas dito eh" sabi ko habang kinakamot ang batok ko.

"Ah, wag kang mag-alala kuya. Natatandaan ko pa yung pinanggalingan namin kanina, kaya alam ko pa kung paano lumabas" sabi niya ng nakangiti.

Hinila niya ako at sabay kaming naglakad lakad sa gubatan.

Habang naglalakad kami bigla akong napatingin sa braso ni Scarlett. Nung tinitigan ko ito ng mabuti ay puno ito ng sugat at hiwa. Tumigil ako bigla at tumingin siya sakin.

"Scarlett.......san galing yung mga sugat mo?" sabi ko habang tinaas ng konti ang braso niya para makita ko ito ng maayos. Bigla niya lang itong binaba.

"Wala lang 'to kuya...." sabi niya habang tumingin na lang sa baba.

Tinignan kong mabuti si Scarlett at napansin ko na hindi lang pala sa braso ang sugat niya...kundi sa buong katawan niya rin. Meron ding ilang gasgas mula sa mukha niya kung titignan mo ng mabuti.

lumuhod ako para magkapantay ang mukha namin. 

"Ano nangyari sayo? Bakit ka puno ng sugat....?" sabi ko.

Tinignan niya ako ng mabuti sa mata. At nakikita kong medyo paluha na ang mga mata niya.

"W-Wala kuya.....nasugatan lang kasi ako habang naglalaro kami ng mga kaibigan ko." sabi niya habang biglang inilayo ang mukha niya. Tumayo na lang ulit ako.

"Halika na kuya.....Baka gabihin pa tayo dito sa gubat." sabi niya at hinawakan ulit ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

ilang oras din ang lumipas sa paglalakad namin. At onti onti akong nawawalan ng pagasa na mahahanap namin ang daan palabas dito. Baka naman naliligaw na tayo.

Maya maya ay nakarating kami sa isang lugar na pinalilibutan ng napakalaking mga puno. Halos di ko na makita ang sikat ng araw sa dami ng mga dahon na tumatakip nito.

"Uh...Scar, sigurado ka bang dito dadaan para makalabas ng gubat?" tanong ko bigla sa kanya.

Hindi siya sumagot. At pansin kong parang malungkot ang mukha niya.

"Scarlett? Okay ka lang?" sabi ko.

"....sorry kuya..." sabi niya ng mahina.

Bago pa ako makapag-isip kung ano ang ibig-sabihin noon....bigla na lang akong may naramdaman na umuntog sa likod ng ulo ko. At bigla na lang akong nag-blackout.

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon