Last

448 19 14
                                    

Nakatitig lang ako sa hukay kung saan ibinaon namin si Jake.


Tapos na ang lahat.


Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin ni Jaye. Pagkatapos ng lahat ng tulong na binigay ko sa kanya para makuha niya ang pinaka-ninanais niya- ang paghihiganti kay Jake.


Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko itong lahat. Hindi ko inakala na kaya konng maging ganitong klaseng tao.


Pero dahil sa kagustuhan kong makatulong kay Jaye, para makuha niya ang hustisya na nararapat para sa kanya, kinaya ko ang lahat.


Wala nang natira sa kanila. At nabaon na sa lupa ang lahat ng mga nagawa naming kasalanan.


Patay na si Jake, patay na silang lahat.


"Walang pwedeng matira"Kagaya ng sinasabi ni Jaye.


Katulad ng pinlano namin. Katulad ng ginusto naming dalawa.


Wala na akong ibang magawa sa saglit na iyon kundi ngumiti.


Tumingin ako kay Jaye, tagumpay din siguro siya sa kanyang plano para kay Tricia.


"Ano nga pala ang ginawa mo para mapatay si Tricia?" Bigla akong napatanong.


Tumawa lang siya ng mahina.


"Malalaman mo rin yan mamaya." sabi niya habang natawa ng mahina.


Nginitian ko nalang siya at hindi na kinulit para sa sagot.




"Halika na nga, Jason."



Tinawag niya ako habang naglalakas papunta sa kagubatan. Sinundan ko ang siya.


Habang naglalakad, binabalik balikan ko ang lahat ng mga nangyari sa mga nakalipas na araw. Noong una, akala ko hindi ko kakayaning gawin ang lahat ng ito, katulad nalang nung panahon na pinatay ko si Alex.


Pero habang tumatagal, natuto narin akong masanay. Hanggang sa wala na akong nararamdaman na pag-aalangan, kahit sa pagpatay ko pa sa sarili kong kapatid.


Nakahanap din ako ng kasiyahan sa pagbabawi ng mga buhay ng mga taong alam kong may ginawang mali.


Napahinto ako sa kakaisip noong biglang tumigil si Jaye sa paglalakad. Nagtaka ako.


"Bakit tayo tumigil?" tanong ko.


Tumingin siya sakin at lumapit. Lumapit siya hanggang sa halos magkadikit na ang mga mukha naming dalawa.


Tinignan niya lang ako ng sandali bago siya lalong lumapit at hinalikan ako. Meyo nagulat ako kaya hindi ako nakakilos. Nabigla ako sa ginawa niya.


Pagkatapos ng ilang saglit, umurong na siya ng konti, nakatingin parin sa akin.


Hindi ako nagsalita habang nakatingin sa kanya.


Bigla na lang siyang ngumiti.


"Walang pwedeng matira."


Wala na akong oras para pagisipan yung sinabi niya, dahil bigla nalang niya akong sinaksak sa tiyan at tinulak pabalik, at nahulog ako sa isang malalim na bangin.


Masakit ang pagkabagsak ko, at nararamdaman ko na ang onti-onti kong pagkakamatay. Naguguluhan ang utak ko sa lahat ng pangyayari. Bakit niya ginawa ito sa akin? Kasama din ba ito sa kanyang plano?


Naririnig ko ang malakas niyang halakhak mula sa ibabaw. At doon ko naisip ang sinabi niya kanina lamang:



"Walang pwedeng matira."





Sa puntong iyon, onti-onti na akong nawawalan ng malay.


Habang lalong lumalabo ang aking paningin, wala na akong ibang magawa kundi panoorin nalang dumaloy ang aking dugo pababa sa bangin.



Pero may bigla akong napansin.


Hindi sa akin nanggagaling ang daloy ng dugo, kundi sa katabi kong patay na.



~END~

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon