What Happend

494 18 7
                                    

*Kallum's POV*

Isa isa na silang natulog. Pinanood ko lang silang lahat.

Haaay, buti pa sila nakakatulog ng maayos. Kasi sa totoo lang, kabadong kabado nga ako ngayon eh. Sa tingin ko di rin naman ako makakatulog kahit gustohin ko man, kaya nga sinabi ko sa kanila na ako na lang ang magbabantay sa kanila.

Iniisip ko kasi ang lahat ng nangyayari samin. Alam kong dapat sa puntong eto ay medyo nasanay na ako dito kahit papaano...pero.....hindi ko talaga kaya eh. Sa tingin mo, kaya mo bang tanggapin na may bumabalak ng pagkamatay niyo? Habang ikaw walang kaalam alam kung sino man ito? Kung paano niya gagawin ito?

Tsk...Tsk....Tsk.....

Kaya nga medyo natuwa ako nung nagpakita sa akin si "Chaos". Alam ko kasing di namin 'to matatakasan mag-isa. Buti na lang tutulungan niya kami.

Pero kahit ganoon, malaki parin ang duda ko sa kanya. Bakit niya ba kami gustong tulungan? Alam kong sinabi niya sakin na bilang kapalit ng kaligtasan naming lahat ay susundin ko ang mga utos niya....pero....bakit? Ano ba ang kailangan niya SA AKIN? 

Haaaay. Siguro, ngayon ko na dapat gawin ang unang utos niya sakin.

Nilapitan ko kung saan natutulog si Jake. At hinanap ko ang libro......wala?! Ha? Asaan siya? Naghalungkat ako ng konti sa mga tinutulugan nila, pero sa matagal kong paghahanap, wala parin.

Medyo nainis ako. Paano na yan?! Eto na nga lang yung pagkakataon kong gawin ang utos ni Chaos eh. Lumabas ako ng cabin para magpahangin muna, at maglabas din ng onting sama ng loob. 

Paglabas ko ay nakita kong nakaupo sa labas si Sharlene, nakatingin lang sa malayo. Mayroon na din siyang naset-up na bonfire sa tabi niya. Naisipan ko siyang lapitan at kausapin kaya umupo ako sa tabi niya.

"Uy...Bakit ka nandito? Lilikado kapag diyan ka lang nakaupo sa labas..." sabi ko. 

Medyo nagulat siya sa bigla kong pagsasalita dahil nga sa ibang direksyon siya nakatingin. Huminga siya ng malalim at nagsalita..

"Eto...nagiisip...." sabi niya.

"Ano naman iniisip mo?" tanong ko. Medyo natagalan siya sa pagsagot.

"..kasi..........parang.....ayoko na eh......" sabi niya.

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon