Sound

516 18 2
                                    

Authors Note: ini-edit ko po yung last 2 chapters a few days ago. Kaya paki balikan nalang po ksi baka medyo maguluhan kayo :)

tsaka may multimedia po yung chapter na 'to. Wag atat ha, wait for my signal bago iplay. XD

yun lang po :) enjoy

________________________________________

Naka ilang oras na rin kami sa paglalakbay ng gubat na ito. At onti onti nang dumidilim ang mga ulap. 

"Paano na tayo niyan? Hindi pa rin ba tayo titigil sa paglalakad?" sabi ni Benedict.

"Oo nga....para kasing umaga pa siguro tayo palalabasin dito eh." sabi ni Kallum

"Masyado kasing lilikadong manatili tayo dito." sabi ni Sharlene

"Edi ano? Buong gabi tayong maglalakad lakad?" tanong ni Tricia

Sasagot sana si Sharlene pero may narinig kaming pag-galaw ng mga dahon medyo malapit samin.

"Ano yun?!" Takot na tanong ni Sharlene.

Tumingin tingin kami sa palibot namin. Hinahanap kung saan ang pinanggalinggan ng tunog. Tahimik lang kaming nagmasdan ng sandali. Pero....wala.

Hihinga na sana kami ng malalim pero may bigla kaming narinig....

(A/N: Play music now :)) 

Narinig naming may nagsasalita na isang batang babae....pero wala naman kaming nakikitang tao.

"Sino ka?!" sigaw ni Kallum.

Nagmadaling maglakad si Tricia papaalis sa pinanggagalingan ng boses. Nagsimula siyang tumakbo ng mabilis palayo. Sinundan namin siya sa malayong lugar.

Matagal pa bago siya tumigil dahil nga siguro sa takot niya. At napansin ko na pahina ng pahina na yung boses na narinig namin kanina.

Onti onti na kaming tumigil sa pagtatakbo. Hingal na hingal kami sa kakatakbo.

Tahimik lang muna kaming lahat habang ibinabalik sa normal ang paghinga namin......

"Uy.....nakikita niyo ba iyon?" sabi ni Tricia habang nakaturo sa kaliwa. Tumingin kaming lahat at nakita namin ang isang cabin na medyo sira sira.

Lumapit agad kami doon sa cabin.

"Pasok tayo?" tanong ni Jason. Nagtinginan lang kaming lahat sa isat isa.

Binuksan lang ni Jason ang pinto at onti onting pumasok. Sumunod kaming lahat sa kanya.

Tumingin tingin kami sa loob. Malinis at para lang siyang normal na bahay. Sa totoo lang, hindi mo nga mahahalata na loob pala ito ng isang cabin sa gitna ng gubat eh.

"Dito na lang kaya tayo....kahit ngayong gabi lang..." sabi ni Jason.

"Jason, kailangan na nating umalis dito..." sabi ni Sharlene.

"Eh wala na rin naman tayong magagawa eh.....kanina pa tayo naghahanap ng paraan para makalabas, Sharlene. Magpahinga na lang tayo dito" sabi ni Jason, na halatang pagod na sa kakalakad.

"Eh pano yung babae na narinig natin kanina?" sabi ni Sharlene. Napaisip sandali si Jason.

"5 naman tayo eh.....sa tingin mo may laban ang isang bata sa atin?" tanong ni Jason.

"Hindi naman kasi ganun yon Jason eh! Ano sa tingin mo ginagawa ng bata dito sa kalagitnaan ng gubat...sa gabi? Baka kung ano pa makita natin dito. Baka may iba pang pahamak na nandito.......baka....." sabi ni Sharlene pero hindi niya tinuloy.

"Baka ano? Baka may multo? Naniniwala ka talaga sa mga ganyan?" tanong ni Jason. Tahimik lang si Sharlene.

"Tama na yan Jason, natatakot lang kasi si Sharlene. Kita mo ngang ilan nang kaibigan natin ang namatay eh.....ayaw niya lang na masunod pa tayo sa kanila..." sabi ni Kallum.

"Pero may punto rin naman si Jason. Kung buong araw nga tayong naghahanap ng lalabasan sa gubat na 'to...bakit wala pa rin? Edi kung gabi pa tayo maghahanap, mas maliit pa ang pagasa nating makalabas. Mas ligtas pa siguro tayo dito kesa maglakbay lakbay sa gubat buong gabi." sabi ni Benedict. Tumingin kaming lahat kay Sharlene.

"Sige na nga...." sabi niya.

Pumasok na kami ng tuluyan sa loob at naghanap ng lugar para magpahinga. Umupo na lang kaming lahat sa sahig.

"Ano, dito na ba tayo matutulog? Antok nako eh" sabi ni Benedict.

"Oo siguro...pero kailangan hindi tayo sabay sabay matulog....dapat may magbabantay muna. Hindi kasi natin alam kung ano ang mga pwedeng mangyari dito....lalo na sa gabi. Siguro gawa tayo ng parang shifts..." sabi ko.

"Ako na lang unang magbabantay. Di pa naman ako gaanong inaantok eh...." sabi ni Sharlene.

"Sige, ako rin. Sasamahan na lang kitang magbantay." sabi ni Kallum.

"Sigurado kayo?" sabi ni Jason.

"Oo, sige. Tulog na lang kayo." sabi ni Kallum.

"Sige....gisingin mo na lang ako ng ilang oras....ako na lang sa susunod na shift" sabi ko.

"Sige" sabi nila.

Tinignan muna namin ng sandali silang dalawa at natulog na rin maya maya....

Buong gabi akong nakatulog ng maayos.

_______________________________________________

Authors Note:

MagVOTE at MagCOMMENT :)

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon