Max

743 28 1
                                    

Hapon na akong nagising ngayong umaga. Hindi kasi ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari kagabi. 

Ibig sabihin simula pa lang 'to ng plano ng kung sino man ang nagbigay sakin ng libro? 

kaialngan ko na sigurong mag-ingat sa mga kilos ko ngayon.

bumaba na ako mula sa kwarto ko at pumunta sa sala. Kanina pa siguro umalis si Scarlett nung tulog pa ako.

Pumunta na ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Habang aabot na sana ako ng pagkain mula sa ref.....nag-ring yung cellphone ko.

*ring*

"Hello..?"

"Jake! Kanina pa kita tinatawagan! Ano ba ginawa mo?" sabi ni Tricia

"Uh...kakagising ko lang eh. Bakit?" sabi ko

"Tinawagan kami ni Karen...Asa ospital daw si Max!" sabi niya.

"Ha?! A-Ano nangyari?!" sigaw ko 

"Hindi pa namin alam...papunta pa lang kami doon." sabi niya.

"Ah..S-Sige. Pupunta na ako diyan... Saang Ospital?" sabi ko habang naglalakad na papunta sa kotse ko.

"Sa Terreo Hospital...Yung malapit sa bahay ni Max." sabi niya

"Sige.Bye" sabi ko. Tas sinara na yung cellphone ko.

Sinimulan ko na yung kotse at nadrive na papunta doon.

_ _ _ _ _ SKIP_ _ _ _ _

nakarating na ako doon. Isa lang siyang malaking building na pinalilibutan ng mga puno. At mukhang dati pa 'tong ospital na 'to.

pagka-park ko ng kotse sa harapan, dumiretso na ako doon sa parang front desk ng ospital.

"Si Max de Ocampo? Kaibigan niya po ako." sabi ko sa nurse. Tapos tumingin siya sa computer para hanapin yung room number niya.

"Asa room 364 po." sabi niya

Tapos pumunta na agad ako doon.

Pagkapasok ko, tumingin lahat sila sakin. Nakita ko na andoon sila Tricia, Benedict, Robbi, Sharlene, Kallum at si Karen.

Si Karen ay nakaupo lang sa tabi ng kama ni Max. Nakahiga lang doon si Max, parang tulog lang siya. At siguro kanina pa siya ganon.

Pero parang hindi naman naaksidente si Max eh. Wala nga akong makitang mga sugat sa kanya. 

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon