The Third Door

499 18 9
                                    

 

*back to present time*

*Jake's POV*

 

nakalipas ang ilang minuto. Hanggang ngayon ay nakakatitig lamang ako sa dalawang sulat na nabasa ko. Bakit ba wala akong maalala na ganoong pangyayari?

 

November, 2009. Wala.

 

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang...may dapat akong maalala..pero hindi ko ito magawa.

 

Ano nga ba talaga ang nangyari? Totoo kaya ang nilalaman ng sulat na ito?

 

Lalo lang sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Pakiramdam ko na halos imposible nang mabuhay ako pagkatapos nitong lahat. At parang malapit na ang pagkapanalo ng kung sino man ang gumawa nito sa amin.

 

Pero kahit na sobrang liit na lamang ng pagasa namin, kailangan ko pang subukan. Hindi lang para sa akin, pero para din kay Tricia. Ako ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon, at kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para lang masubukang iligtas siya.

 

Hindi lang din para sa kanya. Pero para na rin sa lahat ng namatay naming kaibigan dahil dito. Lahat ng sumama sa 'party' na hinanda ko, kung saan doon nagsimula ang lahat.

 

Para kay Alex, kay Max, kay Karen, kay Robbi, kay Kallum, kay Sharlene, kay Benedict, kay Jason......teka......si Jason....

 

 

Nung huli ko siyang nakita, kasama namin siya sa pagpunta sa cabin kahapon....pero pagkatapos noon, parang hindi ko na siya ulit nakita......ano kaya nangyari sa kanya?

 

Nakatakas kaya siya mula sa gubat? Nandito din kaya siya sa loob ng warehouse? O di kaya...nabiktima na siya kay Jaye?

 

 

 

Hiling ko na lang ngayon ay wag na sanang madagdagan pa ang nadamay dito. Kung pwede nga lang sana balikan ko na lang yung oras kung saan una kong nakita ang librong ito. Wala pa sanang napahamak sa mga kaibigan ko.

 

Pagkatapos kong magisip ng mabuti, lumabas na ako sa unang kwarto. Doon naman ako dumiretso sa katabi nitong pinto.

 

 

Maingat ko itong binuksan, habang sumisilip sa loob. May nakita akong isang babae na nakahiga sa gitna ng sahig. Mukhang wala siyang malay.

 

Dahan dahan akong lumapit sa kanya, hinahanda ko na ang sarili ko kung sakaling subukan niya akong saktan.

 

Habang palapit ako ng palapit, mas nakikita ko na ang mukha niya dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. At nung nakalapit na ako ng mabuti, agad ko siyang nakilala.

 

 

 

 

"Scarlett...?" sabi ko ng mahina.

 

Inupo ko agad siya at sinubukang gisingin.

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon