Psst

1K 23 1
                                    

Jake's POV

Parang normal na araw lang ngayon, nasa bahay lang ako mag-isa habang nanonood ng TV sa sala namin.

Oo, alam kung medyo boring ang buhay ko. Pero aaminin ko, na kontento na rin ako sa ganitong klaseng buhay. Tahimik lang...at walang masyadong gulo

palipat lipat lang ako ng channels habang naghahanap ng magandang papanoorin. Hangang sa nakahanap na ako ng isang maayos na palabas.

Eto, naka-concentrate lang ako sa sinusubaybayan kong teleserye. Nakakainis nga lang na ang dami laging commercial na pinuputol yung iksena pag mganda na.

..wala namang mali sa isang lalaking mahilig sa mga teleserye diba? okay.

habang commercial, pumunta muna ako kitchen para kumuha ng pagkain. Pero may bigla akong narinig na nag-"ring". Nakita ko na nakapatong sa lamesa yung cellphone ko.

"Hello?" sabi ko

"Uy Jake! Miss na kita!" sabi ni Tricia. Ang girlfriend ko.

"Miss na rin kita. Kailan pa ba kasi matatapos yang family trip niyo?" sabi ko habang nakangiti. Medyo matagal na rin mula nung huli ko siyang nakita. 2 weeks na. 

"Kaya nga ako tumawag eh! Sabi daw uuwi na kami bukas!" nararamdaman ko na excited siya nung sinabi niya iyon.

"Talaga? Uh-gusto mo i-pick up kita sa airport?" sabi ko. Excited na akong makita siya ulit.

"Ay, wag na Jake. Pupunta na lang ako sa bahay niyo pag-uwi ko." sabi niya. Medyo nawala na yung excitement sa boses niya.

"Sige. Ingat ka palagi ah? I Love You." sabi ko sakanya. Nakangiti ako ng todo nung sinabi ko iyon sa kanya.

"Okay. byee" sabi niya. Tas natapos na ang call.

tinuloy ko na lang ang pagkuha ng pagkain sa ref namin.As usual, walang pagkain.

Nakalimutan nanaman siguro ng kapatid kong si Scarlett na bumili ng pagkain. Usapan namin na siya yung magiging tagabili ng pagkain. Kaso parang ako nalang lagi napipilitang bumili eh. Nakakainis!!

Napalakas ang sara ko ng pinto ng ref dahil doon. Ako nanaman mapipilitang bumili ng pagkain. Hindi naman ako masyadong nagagalit dahil doon. Kaso nagagalit lang ako dahil palagi nalang yung umiiwas ng bahay!

Saan ba kasi nagpupupunta yung babaeng iyon? Minsan talaga nagsisisi ako na hindi ako naging gaanong mabuting kuya sa kanya. 

"Haaayy....." sabi ko. tinanggal ko muna iyon sa isip ko.

pumunta ako dun sa pinaka malapit na grocery na malapit samin. At least di gaano kalayo ang lalakarin ko.

tahimik lang akong kumuha ng mga kailangan naming pagkain at nagbayad. Lumabas na ako sa grocery.

Dumaan ako dun sa may parking lot sa bandang likuran. Doon mas malapit yung daanan papunta sa bahay namin. shortcut.

Habang nadaan ako, napansin ko nabutas yung isang paper bag at natapon yung ibang pagkain sa parking lot.  

Binaba ko muna yung mga hawak ko at pinulot yung mga gamit sa gitna ng driveway. Tumitingin tingin din  kung baka sakaling may dumaan na kotse.

"Psssst.' may narinig akong nagsabi.

lumingon ako. Wala namang tao. Medyo nagmadali na lang ako sa pagkuha ng gamit. Lalo akong kinilabutan sa lakas ng tunog na iyon dahil nga walang masyadong tao dito sa parking lot.

 "Psst" narinig ko nanaman. Pagtingin ko sa kanan napansin ko may nagmamadaling kotse papunta sa akin.

Tumakbo ako agad papunta sa gilid. Buti di ako nasagasaan.

Pagkatapos kong kuhanin yung mga binili ko, dumiretso na agad ako sa bahay. Ngayon ko lang napansin na gabi na pala.

Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Sino kaya iyon? Baka naman nagkataon lang lahat. Malay mo may ibang tinatawag yung narinig kong kanina?

Naputol yung pagiisip ko nung mayy biglang pumasok sa bahay. Ang kapatid kong si Scarlett.

"Uy Scar! Saan ka ba nanggaling?! Gabi na!" Yun yung tawag ko sakanya.

Di ko naman sinasadya, nagagalit lang talaga ako pag umuuwi siya ng ganito ka gabi na.

13 years old pa lang siya at kung saan saan na siya pumupunta! Paano pa kaya kung lumaki siya?! Baka kung ano mangyari sa kanya kung pinagatuloy niya pa iyan.

"May ginawa lang ako......" sabi niya ng mahina.

Magsasalita pa sana ako pero dumiretso na agad siya sa kwarto niya pagkatapos niyang magsalita.

Ganito na lang lagi kaming mag-usap. Parang may sari-sarili na kaming buhay simula noong kami nalang dalawa ang nakatira sa bahay.

Kaya binali wala ko na lang yung ginawa niya. Wala din namang mangyayari kahit ilang beses ko siyang sabihan eh.

Iniligpit ko na lang ang mga binili kong pagkain. At natulog na rin maya maya. Masyadong maikli ang buhay para mag-alala ka pa sa mga bagay-bagay

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon