Nagintay ako habang binabasa nila ang bawat pahina ng libro. Tahimik lang muna sila.
"A-Ano to? Ano yung ibig sabihin ng mga nakasulat dito?" sabi ni Sharlene. Nakatingin silang lahat sa akin. Nagiintay ng sagot.
_ _ _SKIP _ _ _
Sinubukan kong i-explain sa kanila ang lahat ng maayos. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil nanahimik lang sila habang ipinapaliwanag ko ang lahat.
Ngayon, kami na lang ang natitirang mga tao sa bahay ni Karen. Umalis rin ang mga magulang ni Karen para nga maayos na ang libing niya.
".......tapos iyon na nga.....nalaman ko na siya din pala ang may dahilan kung bakit ito nangyari kay Karen....." sabi ko ng onti onting patahimik. Hangang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarilli ko sa nangyari. Maliban kay "J" ako rin ang may dahilan ng pagkamatay ng mga kaibigan ko.
tinignan ko silang lahat. Lahat sila hindi nagsalita...nagiisip. Maya Maya may nagsalita na rin.
"....yung bahay na pinuntahan natin nung nakaraang araw.....s-si 'J' yung nagbigay sayo ng address..?" sabi ni Robbi.
"Oo.." sabi ko. Alam ko na bigla ang iniisip ni Robbi...
Tumayo siya bigla at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.
"San ka pupunta?!" sabi ni Tricia. Lumingon si Robbi, nakita namin ang galit sa mga mata niya.
"Hahanapin ko yung kung sino man pumatay kila Karen....hindi natin pwedeng hayaan na makatakas lang siya dito basta basta....kailangan may gawin tayo para pigilan ito." sabi niya
"Pero kailangan mo munang mag-isip, Robbi. Sa tingin mo mahuhuli natin siya ng basta basta lang?! Kung nagawa niya ngang mapatay ang ilan sa mga kaibigan natin nang hindi nahuhuli.....sa tingin mo hindi niya kayang magtago mula sa atin?!" sigaw ko.
"Habang nandito lang tayo..nananahimik...binibigyan natin siya ng pagkakataong makapag-isip ng paraan para isa-isahin tayong lahat..." sabi niya. Wala nalang sumagot.
Dumiretso na siya sa labas ng bahay at nagsimula ng kotse niya. Tumakbo kaming lahat papunta sa kanya para subukang pigilan siya. Pero dumiretso lang siya.
"Kailangan nating pigilan si Robbi." sabi ni Kallum habang pumupunta sa kotse niya at sinisimulan ito.
Sumakay si Sharlene kasama ni Kallum at sumakay si Benedict at Tricia sa kotse ko. Nagmadali kami para mahabol si Robbi.
Malapit na sa bahay si Robbi, pero naharangan siya agad ni Kallum bago pa siya makarating doon. Lumabas ng kotse si Robbi at si Kallum.
"Sa tingin mo dito siya magtatago?! Pagkatapos niyang papuntahin tayo dito? pagkatapos niyang patayin ang isa sa mga kaibigan natin dito? Hindi mo nga alam kung sino yung hinahanap mo susugod ka na agad agad?!" sigaw ni Kallum kay Robbi. Pero mukhang may iba siyang iniisip..