"Yung nurse! Hanapin niyo yung nurse!" sigaw ko sa kanila
Lumabas kami sa kwarto ni Max. Natira na lang doon si Karen para intayin yung doktor.
Nagsimula kaming hanapin yung nurse. Bakit niya 'to ginawa kay Max?!
Nakita kong nagmamadali yung doktor papunta sa kwarto ni Max. Hindi ko na lang muna iyon pinansin habang hinanap ko yung nakita namin kaninang nurse.
bumaba ako ng ibang floor para doon ako maghahanap.
nakita ko na walang masyadong tao sa floor na 'to. At wala ring masyadong ilaw sa paligid.
pupunta na sana ako sa iba pang floor pero..
may narinig akong naiyak mula sa dulo ng daanan. Hindi ko na lang sana papansinin...
"Jake!" Tawag niya sakin. Bigla akong napalingon para makita ang mukha niya.
Nakita ko si Karen na nakaupo sa kabilang dulo.
Si Karen? Pero akala ko asa kwarto siya ni Max?! baka nagkamali lang ako...
Tumakbo ako doon papunta sa kanya.
"Karen! Okay ka lang? Ano ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya pagkalapit ko.
"Natatatakot ako Jake....P-Paano si Max?" sabi niya. Hindi ako maka-isip ng maayos na sasabihin. Umupo muna ako sa tabi niya bago nagsalita.
"Wag kang mag-alala...ginagawa ng mga doktor ang lahat ng kaya nila.." iyon na lang ang sabi ko.
Umiyak lang siya sa tabi ko habang tahimik lang ako sa tabi niya.
maya maya may narinig ako na bumaba mula sa hagdan sa kabilang dulo ng daanan.
"Uy Jake! Ano ginagawa mo diyan?! Sabi ni Karen bumalik na lang daw tayo kay Max." sabi ni Kallum sakin.
bigla akong nagtaka. Eh, kasama ko si Karen eh. Katabi ko nga siya habang umiiyak siya kanina lang.
Tumingin ako sa tabi ko, wala na siya. Saan siya napunta?!
"UY Jake! Halika na!" sabi sakin ni Kallum. Lumapit siya sakin at hinila ako para makatayo.
"Ano ginagawa mo diyan?" sabi ni Kallum.