*Kallum's POV*
Nagising ako bigla. Napatingin ako bigla sa paligid ko.
Isa siyang simpleng kwarto na pinalilibutan ng kalat....alam ko na agad kung kaninong kwarto ito. Kay Jake.
Tumayo ako mula sa kinahihigaan kong kama at lumabas ng kwarto.
Wala.
"Asan na sila?" tanong ko sa sarili ko.
"Umalis sila." may narinig akong nagsabi mula sa likod. Napalingon ako bigla.
May nakita akong isang lalaki na nakasuot ng isang puting maskara.....at nakasuot ng puro itim.
Naalala ko bigla...
"I-Ikaw yung kumausap sakin k-kanina sa funeral ni Alex.." sabi ko.
natatandaan ko pa yung ginawa niya. Bigla na lang niya akong nilapitan at....nawalan na lang ako ng kakayahang i-control ang sarili ko. At nagblack-out na rin ako pagkatapos noon.
"Natatandaan mo pa pala ako, Kallum." sabi niya
"P-Paano mo alam yung p-pangalan ko? S-Sino ka?" sabi ko
naramdaman kong ngumiti siya ng konti sa ilalim ng kanyang maskara.
"Hindi na importante iyon. Pumunta ako dito para tulungan kayo." sabi niya.
"Tulungan?"
"Oo, tulungan.Tutulungan ko kayo para mabuhay. Para hindi na kayo guluhin ng libro na nahanap ng kaibigan mong si Jake." sabi niya
Napalaki bigla ang mga mata ko. Paano niya alam lahat ng ito?
"P-Paano....." sabi ko.
"Simple lang. Ako mismo ang tatalo sa kinakatakutan niyong si Ms"J"...." sabi niya
Ms. J? Babae siya?
"Kilala mo kung sino ang gumagawa nito samin?" sabi ko
"Oo." simple niyang sinagot.
"Bakit m-mo kami gustong tulungan? Ano tulong nito sa'yo?" tanong ko bigla.
Ngumiti ulit siya.
"Isa lamang ang hinihiling ko bilang kapalit." sabi niya
"A-Ano yon?" sabi ko.
"Simula ngayon, kailangan mo nang sundin ang lahat ng pagagawa ko sa iyo. Labag man ito sa kalooban mo..." sabi niya.
Tinitigan ko muna siya at nag-isip.
Bakit? Ano ang pagagawa niya sakin? Bakit AKO ang sinabihan niya tungkol dito? Ano ba ang kanyang tunay na hanggad?
"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong niya sa akin.
hindi muna ako sumagod at nag-isip muna.
Paano kung niloloko niya lang ako? Baka lalo pa kaming mapahamak dahil sa gagawin kong desisyon...
"Kung ang kinakatakot mo ay ang kapakanan ng mga kaibigan mo...wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong hindi na sila lalong mapapahamak." sabi niya
Napalaki ulit ang mata ko. Paano niya nababasa ang asa utak ko?
"Oh...payag ka na ba?' sabi niya.
inabot niya sakin ang kamay niya na parang humihingi ng hand-shake.
"Oo..payag na ako." sabi ko at tinanggap ko ang kamay niya.
"Mabuti. Ngayon, magsisimula ka na sa unang ipagagawa ko sa iyo." sabi niya
".......Ano yon?"
"Kunin mo yung libro mula kay Jake, at sunugin mo ito." sabi niya.
".....B-Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Eto lang ang nag-iisang paraan para pigilan ang libro...." sabi niya
"Pero hindi ata maaaring masunog ang libro. Ikinwento sakin ni Jake na ilang beses niya nang sinubukang itapon at takasan ang libro...pero...."
"Kailangang makinig ka sakin. Hindi mo lang kasi ito dapat basta bastang sunugin. Dapat ay pumunta ka sa kalagitnaan ng gubat, kung saan malinaw at kitang-kita ang bilog na buwan. Iyon lang ang makakasira sa libro..at iyon lang din ang nag-iisang paraan para tuluyan niyo nang matakasan ang kamatayan ninyo..." sabi niya.
"Sigurado ba kayo dito? Paano ninyo 'to alam?' tanong ko.
"Hindi na importante kung saan ko nakuha ang impormasyong ito. Basta kailangan mo na itong magawa....bago pa lalong lumala ang sitwasyon ninyo." sabi niya. May binaba siyang papel sa lamesa malapit sa aming dalawa.
"Dito mo mahahanap ang mga kaibigan mo. Pag nakita mo na sila, simulan mo na ang iniuutos ko sayo. Tandaan mo lang, bawal mong sabihin sa ibang tao ang ating pinagusapan." sabi niya.
"S-Sige.." sabi ko.
Nagsimula na siyang maglakad papalabas ng pinto
"......sino ka ba?" sabi ko sa kanya.
"Ako si Chaos."
____________________________________________________
HI :D
SORRY ANG TAGAL KO PONG MAGUPDATE! SORRY :(
tambak tambak na kasi pinapagawa sa skul eh >~< sana maintindihan niyo po
Pero pasalamat kayo na inuulan samen. haha wla tuloy pasok :3 eto, natapos ko na atlast. hehe HAPPY READING
MagVOTE
MagCOMMENT
at MagFAN
Pero mostly mag-comment. Source of inspiration po yung mga comments niyo eh :)