Funeral

600 21 0
                                    

"Jake....Uy! Jake!" may naririnig ako mula sa malayo. Madilim ang paligid ko at ang nakikita ko lang ay ilang mga puno na malapit sa akin. 

Lumapit ako kung saan nang-galing ang boses.

Napansin ko na tahimik lang ang paligid ko. Walang ibang tao maliban sakin...at kung sino man yung tumatawag sakin.

habang naglalakad ako...narinig ko nanaman ang boses..

"Jake! Tulong! Gusta niya kaming patayin!!" sabi nung boses. Narinig ko ang mahina niyang sigaw mula sa malayo.

Nagsimula akong tumakbo papunta doon. Hindi ko na lang pinansin ang dilim. Dumiretso nalang ako  ng takbo papunta doon sa pinanggalingan ng tunog.

Maya maya tumigil na akong tumakbo....wala na ulit akong marinig na tunog. Tumingin tingin ako sa paligid ko. Puro dilim paren.

Pero may nakita akong parang maliwanag sa isang gilid...flashlight ata.

Pinulot ko iyon at tinignan ang paligid ko. may nakita akong tatlong katawan na wala ng buhay. Sinubukan kong lapitan ito para malaman kung sino ito pero.....

"HUY!! JAKE!!!" bigla akong ginising ni Benedict. Nagulat ako sa ginawa niya. Grabe yung feeling na na-stroke? Ganun.

"Ano ba yan pre! Nakaka-gulat ka naman! Ano ba ginagawa mo dito?!" sigaw ko. Tinignan ako ng kakaiba ni Benedict.

"Di mo ba natatandaan? Ngayon na yung libing ni Alex....ikaw pa nga nagsabi sakin na sabay  sabay na tayong pumunta eh. Andun nga pala si Tricia sa baba..." sabi niya.

"Ah...sige. Intayin niyo na lang ako sa baba....Teka, andyan pa si Scarlett?" sabi ko.

"Wala na siya nung dumating kami eh." sabi niya habang naglakad na palabas ng kwarto at isinara ang pinto.

Nagbihis nako at natapos na pagkatapos ng ilang minuto. 

Naglakad ako pababa sa hagdan pero tumigil ako nung may narinig ako.

"Hindi natin pwedeng sabihin 'to kay Jake....alam mo namang magagalit siya eh..." sabi ni Benedict. Nakatayo lang ako malapit sa hagdan kung saan hindi nila ako kita.

"Pero kaibigan mo arin siya.....ayoko namang gawin 'to sa kanya...sabihin nalang natin kasi..." sabi naman ni Tricia. Ano pinaguusapan nila?!

"Wag nalang muna nating sabihin sa kanya...antayin na lang natin yung tamang oras..." sabi niya. Naispan ko na bumaba na at magkunwari nalang na walang narinig.

"Halika na." sabi ko.

Tumingin sila sa isa't isa at sumunod na sakin papunta sa kotse. Tahimik lang ang drive papunta sa Funeral.

Pagdating namin nakita namin ang lahat ng mga tao doon. Tahimik at malungkot ang lahat. At karamihan sa kanila ay naiyak....

Nanahimik na lang ako sa isang gilid kasama ang ilan sa mga kaibigan ko.

"Hanggang ngayon hindi niyo parin siya nahahanap?" sabi ni Jason. Ang kapatid ni Kallum. Sinabi siguro ni Kallum kay Jason kung ano nangyari.

"Hindi pa eh..."  sabi ko

"Akala ko ba pumunta kayo ni Robbi dun sa bahay kahapon....Ano nangyari?" tanung sakin ni Kallum. Nag-isip muna ako kung ano sasabihin. Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanila.

"Uh...hindi namin nahanap eh. Wala pala siya doon." nagsinungaling nalang ako. Kinabahan kasi ako eh...mag-iisip muna ako ng paraan para i-explain sa kanila.

"Eh asan na si Robbi? Di ba siya pupunta dito?" tanong sakin ni Kallum. Parang may nahahalata ata siya.

"Uy, halika na..ililipat na daw si Alex." sabi ni Sharlene habang papalapit sa amin.

Tinignan muna ako ni Kallum bago tumayo. Napalunok ako ng sariling laway.

Maya maya may mga nagbuhat na ng kabao ni Alex at isinakay na sa isang kotse. Lahat kami ay naglakad na ng mabagal kasunod ng kotse kung saan nakalagay si Alex.

Tahimik lang kaming lahat at di rin nagsasalita. May nakita akong isang babae na nakataklob sa itim na mga damit malapit sa akin na kanina pa umiiyak...

"Um...okay ka lang? Alam ko namang malungkot ka na nangyari 'to kay Alex pero-"  sabi ko pero naputol ako nung bigla siyang lumingon at nakita ko ang mukha niya.

Kamukha niya si Karen...at napansin ko na puno rin nang dugo ang kanyang katawan..

Napatulala ako at napansin ko na nakatingin lang siya sakin.

"Bakit?" sabi niya.

"Uhh....wala" sabi ko.

Napansin ko na nagkaroon siya ng malaking ngiti sa mukha niya. Nagsimula siyang magmadali ng lakad at lumapit sa kotse na nakalagay si Alex.

Tumabi lang siya doon hanggang sa nakarating na kami sa kung saan ililibing siya.

Binaba na ang kabao mula sa kotse at maya maya sinimulan na rin itong ibaba sa ilalim ng lupa.

nakita ko nanaman ang babae na kamukha ni Alex na nakatingin lang sa kabaong....nakangiti. Pinanood niya lang ito habang bumaba sa ilalim ng lupa.

Nagsimula siyang maglakad papunta kay Kallum na nakatayo lang malapit sa butas kung saan inilagay ang kabaong ni Alex.

Onti onti siyang lumapit sa likod niya. Kita ko na itutulak niya doon si Kallum.

___________________________________________________

Hello!! Haha pabitin eh :P sorry

unedited chapter po kaya sorry sa mistakes...try kong i-edit as soon as possible :)

tsaka po wag niyong kalimutang MagCOMMENT at MagVOTE. Yun po ang nag-iisang pinaghuhugutan ko ng inspirasyon na magsulat XD

yun lang po :)

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon