Jake's POV
Onti onti na ako muling nagkaroon ng malay. Naramdaman ko agad bigla ang sakit ng ulo ko. Grabe, feeling ko sasabog na ang utak ko. Ano ba ginawa sakin ni Scarlett? At bakit?
Onti onti ko nang dinilat ang mata ko. At napalaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi na kasi ako nasa gubat na puno ng mga puno....asa isang warehouse na ako. Isang warehouse kung saan nakikita ko ang palilim na sikat ng araw mula sa isang bintana sa bubong.
"Hello...?" sabi ko.
"Jake? Ikaw ba yan?!" nagulat ako. Hindi ko kasi inasahang may sasagot.
"Tricia?" tanong ko.
"Oo, Jake. Tulungan mo ko!" sigaw niya mula sa malayo. Ngunit di ko siya makita.
"Asaan ka ba?!" sabi ko habang nagsimula nang maglakad at hanapin siya.
"...H-Hindi ko alam...madalim kasi dito....nakatali pa ako. Di ako makaalis! Natatakot ako, Jake" sabi niya. Naririnig ko rin ang konting pagiyak niya na umaalingawngaw sa buong warehouse.
"Maghintay ka lang Tricia, hahanapin kita." sabi ko.
Naglakad lang ako ng naglakad hangang sa nakarating nako sa kabilang gilid noong warehouse. Medyo madilim na doon dahil nga hindi na ito gaanong abot ng sikat ng araw, ngunit nakakakita parin ako kahit papaano.
Nakakita ako ng hagdanan doon sa gillid. At naisipan ko itong akyatin. Doon, ay may nakita akong tatlong pinto. Baka nandito si Tricia...
Sinubukan ko munang buksan ang pinto na pinakamalapit sa hagdanan. Puno ito ng alikabok, at mukhang kinakalawang narin ang mga bakal na parte noon. Dahan dahan kong binuksan ang pinto....sa takot na baka kung ano ang makita ko sa loob.
Nung binuksan ko, biglang sumalubong sakin ang ilang malalaking mga daga na gumapang sa paanan ko. Napaurong ako ng konti dahil nga sa gulat ko. Pero, pinagpatuloy ko parin ang pagpasok sa loob noong kwarto.
Pagsilip ko, madalim.
"Tricia?" nagintay ako ng sandali. walang sagot.
Baka wala siya dito. Pero naisipan kong tignan na rin kung ano ang nilalaman ng kwartong ito. Baka sakaling malaman ko kung nasaan kami, o di kaya, malaman kung paano makaalis dito.
kumapa ako sa gilid ng pader para sa pitikan ng ilaw, at binuksan ito.
Kumukurap man ang ilaw, ay nakakakita parin naman ako ng nilalaman ng kwarto.