*Back to Jake's POV*
nakita kong nagmamadaling maglakad papunta dito si Jason."Andito na ba tayong lahat?" tanong niya pagkadating sa amin.
"Oo." sabi ko
"Ano ba yung emergency na sinasabi mo? Kakauwi pa nga lang namin, papupuntahin mo naman kami dito sa gubat maya maya...." Sabi ni Sharlene
"Kasi, sinabi sakin ng libro na pumunta tayo dito......baka may pagagawa sa atin..." sabi ko. Nagsimula akong maglakad papunta sa kalagitnaan ng gubat at sumunod sila. Doon kasi ang sinabi ng libro na puntahan natin.
"Sigurado ka bang okay lang dun mag-isa sa bahay si Kallum?" tanong ni Sharlene"Di ko rin sigurado eh. Pero ano magagawa natin? Sabi kasi ng libro na dito tayo pumunta eh.." sabi ko.
"Ano kaya papagawa satin dito sa gubat?" tanong ni Jason.
"Di ko alam...kaya nga kailangan nating mag-ingat..." sabi ko.
"Mag-ingat? Jake, asa kala-gitnaan tayo ng gubat! Baka nga dito na tayo patayin eh, at paniguradong makakatakas talaga ang kung sino man ang bumabalak na gumawa satin ng ganito. Hindi dapat tayo nagpunta dito!" sabi ni Sharlene.
"Sharlene, alam mo namang wala na tayong takas dito...kailangan nalang nating sundin kundi-"
"Kaya nga eh. Alam na nating mamamatay tayo! Ano, aabangan nalang natin? Lalapit tayo at susundin na lang ang lahat ng utos niya?"
"Teka!" nanahimik ang lahat at napatingin kami kay Jason.
"Bakit Jason?" tanong ni Benedict.
"Narinig niyo ba yon?" tanong niya. huh?
"Wala naman akong narinig eh" sabi ni Sharlene.
"Ako ren" dagdag ko.
"May narinig kasi ako eh......." sabi ni Jason habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Ano narinig mo?" sabi ni Tricia
"May tumatawag sakin........naririnig kong sinasabi niya ang pangalan ko." sabi ni Jason.
Tumahimik kami ng sandali at nakinig. Wala.
"Jason, wala naman eh........" Sabi ko. Baka naman ito nga yung sinasabing sakin ni Kallum na 'problema' ni Jason. Nangyari na daw sa kanya 'to noon pa eh.....
"Meron nga! Hindi niyo ba naririnig?!" sabi niya.
