-
Gumising ako ng maaga ngayon. May plano kasi akong sunduin si Tricia mula sa airport, para i-surprise siya.
pagbangon ko, pumunta muna ako sa kwarto ni Scarlett para siguraduhin na okay lang siya. Medyo na-guilty kasi ako sa pagsigaw sa kanya kagabi.
kumatok ako at dahan dahang binuksan yung pinto niya. Sumilip ako ng konti kung tulog pa siya.
Pero nung pagtingin ko sa kwarto niya. Wala NANAMAN siya. Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan siya. Ano nanaman kaya ang palusot noon?
inintay kong sagutin niya yung tawag ko. Pero wala atang pag-asang makausap ko siya ngayon.
Dahil habang iniintay kong sagutin niya yung tawag, may narinig akong nag-ring sa kwarto niya. Iniwan niya yung cellphone niya.
Medyo nainis ako pero di ko na lang pinahirapan pa sarili ko. Siguro kailangan ko nang masanay sa pag-aalis niya ng basta basta. Ilang beses niya na kasi 'tong nagawa ngayong linggo eh. At pag sinubukan ko naman siyang kausapin tungkol dito, parang iniiwasan niya lang ako.
kumain na lang ako ng almusal, naligo, at nagbihis. Tapos nagdrive papunta sa airport gamit ang dating kotse ng tatay ko.
_ _ _ _ _ _ _ _ _
Pagdating ko sa airport, naghintay lang ako ng medyo malapit sa exit ng airport, sa loob ng kotse ko.
Naghintay lang ako hangang may mga naglabasan na na mga tao. Pagkalipas ng ilang tao, nakita ko na si Tricia. Pero hindi niya pa ako siguro nakikita. Lalapitan ko na sana siya pero may biglang sumalubong at yumakap sa kanya.
Teka, parang kilala ko ata yun.......si benedict?
Si benedict, yung best friend ko. Ano ginagawa niya dito? Bakit niya sinundo si Tricia? Alam ko kasi di sila gaanong magkalapit. Minsan ko lang naman kasi sinasama si Tricia pag lumalabas ako kasama sina benedict.
Inisipan ko munang manatili sa kotse at tignan muna kung ano ginagawa nila.
Magkayakap sila sa isat-isa. At parang may pinag-uusapan sila. Ewan ko kung ako lang ba ito, o di kaya meron atang itinatago sa akin silang dalawa.
Gusto ko sanang sumugod na lang doon at itanong sa kanila ang lahat. Pero baka naman wala lang iyon. Baka magkaibigan lang sila diba?
Yun na lang ang inisip ko.
Hindi na lang ako umalis ng kotse at sinubukan ko na lang na hindi nila ako mapansin.
Maya maya, umalis na sila Tricia at ang pamilya niya. Sana hindi ko pagsisihan 'tong desisyon kong pagtiwalaan sila.
habang sisimulan ko na yung kotse, narinig kong nag-ring ang phone ko.
"Uy Jake! Miss na kita :3
kaka-alis ko lang galing sa airport.
Punta na lang ako sa bahay niyo mamayang 2pm. k?"