*Scarlett's POV*
*Flashback*
Binilisan ko pa ang aking takbo, baka sakaling matakasan ko siya....
Tumakbo nalang ako ng tumakbo, hindi ko na gaanong pinansin kung saan na ako napupunta. Ang nasa isip ko na lamang ay makalayo doon sa humahabol sa akin.
"Huwag ka nang magpakahirap pa sa kakatakbo.....mahuhuli rin naman kita...." may narinig akong may nagsabi sa akin. Ngunit di na ako lumingon para alamin kung sino iyon.
"Layuan mo ako!" sigaw ko habang lalong binilisan ang pagtakbo.
Onti onti akong napunta sa isang eskinita...sinubukan kong makahanap ng matatakbuhan pero.....dead end. Nung nalaman kong wala na akong matatakbuhan, agad nalamang akong naghanap ng matataguan ko....
may nakita akong isang drum ng tubig...walang laman. Doon ko na lang naisipang magtago sa ngayon. Kung sakaling hindi niya na ako makita at umalis na lamang...tsaka nalang ako aalis.
sumampa na ako at nagtago doon. Nakakakita pa ako ng konti mula sa loob dahil sa isang butas sa may ilalim ng drum.
Napansin ko na palalim ng palalim ang gabi, halos magmamadaling araw na nga eh. Nako, hinahanap na siguro ako ni kuya ngayon. Sana naman mahanap niya ako. Pero pano naman ako mahahanap kung nakatago ako dito? Haayysssst.
Di bale, baka wala rin naman yun sa bahay eh. Naging ganon na siya simula pa nung isang araw eh. Sana na lang talaga.....makaalis ako dito ng buhay.
Umupo nalangako doon habang tahimik na nagiisip. Ano ba ang gusto niya sa amin?
Bakit kaya bigla niya nalang kaming nilapitan ng mga kaibigan ko?
Bakit niya sila pinatay?
Napaiyak ako ng mahina sa kakaalala sa nangyari kanina.
Naging makasarili ako sa mga ginawa ko. Noong nakita ko na alanganin ang sarili kong buhay....tumakas ako at lumayo. Hindi ko na inisip kung ano mangyayari sa mga kaibigan ko doon. Inisip ko na lamang ang kung ano makakabuti sa akin....naging makasarili ako. At ngayon, namatay na sila dahil doon.
At paniguradong kung sino man ang humahabol sa akin ngayon....ay gusto ring pumatay sa akin.
napahinto ako sa mga iniisip ko noong may narinig akong naglalakad malapit sa akin. Pansin ko na onti onting lumalakas ang mga hakbang nito....palapit sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tumitibok ng sobrang bilis ang puso ko sa takot.
Biglang tumahimik. Huminto ang naglalakad.
Sisilip sana ako doon sa parang butas pero....
bigla nalang may sumaksak na kutsilyo doon sa butas na dapat kong silipan. Napasigaw ako ng konti dahil doon.
nakita ko na may nagtanggal ng takip ng drum, ang nangtanggal ay isang lalaki na nakaitim na mascara....
"Parang awa niyo na....wag niyo po akong papatayin...." sabi ko habang naiyak na lamang.
napakiramdaman ko na ngumiti siya sa ilalim ng kanyang maskara.
"Hindi kita papatayin, wag kang mag-alala. May kailangan lamang ako sayo..." sabi niya. Napatingin ako agad sa kanya.
"Ano ang kailangan mo sakin?"
"May papagawa ako sayo...may kinalaman ito kay Jake" napalaki ang mga mata ko nung sinabiniya iyon.
"Kay Jake? S-Sa kapatid ko?" sabi ko
"OO...at kung hindi ka papayag....wala akong magagwa kundi patayin ka na lang." simple niyang sinabi sa akin.
Hindi ako nagsalita at nagisip muna...
"Ano ang gusto mong gawin sa kanya..?" sabi ko.
naramdaman ko ulit na ngumiti siya sa ilalim ng kanyang maskara.
"Halika...sumama ka sa akin....at ipapaliwanag ko ang kailangan mong gawin..." sabi niya at tinulungan akong lumabas sa drum.
"Kailangan kong sundin ang sinasabi niya. Kundi, papatayin niya ako."
paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko.
Naglakad lang kami ng naglakad...walang nagsasalita o kumikibo ng kung ano. Hanggang sa nakarating kami sa isang bahay. Sa totoo lang, parang nanggaling na ako sa bahay na ito eh...ngunit, hindi ko maalala....
Umupo ako sa isang sofa doon ng tahimik. Tinignan niya ako at umupo sa kabilang sofa.
"Kailangan mo lamang akong tulungan para makuha si Jake. Pagkatapos noon, hahayaan na kita...hindi na kita gagalawin. Naiintindihan mo ba?" sabi niya
Tumungo ako at nag-oo.
"At tandaan mo: wag mong subukan na tumakas o suwayin ako. Dahil sisiguraduhin kong mamamatay ka kaagad...pati na rin ang kuya mo." sabi niya. Natakot ako sa sinabi niya, ngunit sinubukan ko iyong itago.
"Ano ba gusto mo sa kuya ko?"
"Sabihin nalang natin na...may gagawin lang akong paniningil sa kanya..." sabi niya.
Hindi ako nagsalita ng sandali...at tinitignan niya lang ako...parang naghihintay na magsalita ako.
"Sino ka ba?" sabi ko. May narinig akong konting tawa mula sa kanya.
Onti onti niyang tinanggal ang maskara niya at.....nakita ko na ang mukha niya....
noong una hindi ko ma mukhaan ngunit pagkatapos ng sandali ay naalala ko na kung sino siya...
"I-Ikaw?"
Ngumiti siiya sakin
*End of flashback*
tinignan ko lang si Jake, ang kapatid ko, habang siya ay nakahiga sa lapag ng walang malay. Maya maya ay napansin ko na may naglalakad papalapit sa akin.
"Well done, Scarlett..." sabi niya sa akin habang nakangiti. Hindi ako sumagot.
_________________________________________________
Wag pong kalimutang magVOTE at magCOMMENT ^^
sorry po kung natagalan...ngayon lang po kasi ako nakaisip nang magandang chapter. ahehehe
Pakisabi nalang po kung medyo naguguluhan kayo. :) sa totoo lang, medyo nahirapan kasi akong magexplain sa chapter na 'to eh.
yun lang po. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/4895691-288-k706456.jpg)