the set-up

830 31 6
                                        

Edi nilagay ko na yung dvd sa player habang tinago na niya yung cellphone niya. Kailangan ko sigurong masilip yung cp niya pag may napansin akong may tinatago siya sakin.

Edi yun nga, nanood na kami. Parang wala namang masyadong reaction si Tricia sa pinapanood namin. Kaya naisipan kong i-enjoy na lang muna yung movie.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

 

pinagsisisihan ko na ngayon na pinanood ko pa yung movie na 'to. -__-

kung alam ko lang sana na sa ending mapupunta sa bestfriend yung babae, edi sana nanood na lang kami ng horror. Ewan ko kung napansin niya, pero nabadtrip lang ako dahil nga baka mangyari din yun samin. Wag naman sana...

"Uy...Jake?!" sigaw niya saken.

"Hah? Bakit?" sabi ko

"Kanina ka pa nakatulala diyan...okay ka lang?" sabi niya

"Ah. Oo, may naisip lang ako..." sabi ko. 

"Ano yun..?" tanung niya sakin

"Uh..pagkain! Nagugutom na kasi ako eh.." sabi ko. Wala akong planong magtanong sa kanya tungkol kay benedict. Tsaka totoo naman eh......kanina pa ako hindi nakakakain.

Nung sinabi ko iyon, tumawa siya at pumunta sa kusina para paghanda ako ng pagkain. Oo, siya minsan naghahanda sakin ng pagkain. Swerte ko diba? Isa sa mga rason kung bakit mahal ko siya.

maya maya lumabas na siya may dalang mga sandwiches.

"Oh yan.....baka kasi mamatay ka na sa gutom eh."  biro niya sakin

tas sabay naming kinain ang mga sandwiches.

"Hmm....ano tingin mo dun sa movie..?" tanong niya sakin. Medyo nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko na lang pinahalata.

"Maganda siya...maliban lang dun sa ending.." sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?" sabi niya

"Eh kasi kawawa naman yung boyfriend diba? Ang sakit kaya pag iniwan ka ng girlfriend mo. Lalo na para lang i-date yung bestfriend niya. Di ba nila alam kung ano nararamdaman nung boyfriend?!"

medyo napasigaw ko yung mandang huli dahil nga iniisip ko na lang kung paano kaya kung asa sitwasyon ako nung lalaki doon diba?

tahimik lang siya sandali..

"Ah..oo nga noh. Sige Jake, kailangan ko nang umuwi.....gabi na eh.." sabi niya tapos tumayo na siya.

tumayo din ako at sinamahan siya palabas ng bahay. 

"Hatid na kita." sabi ko habang asa labas na kami. Tahimik lang ang lakad naming dalawa sa bahay niya at parang na-awkward tuloy ako. Yung feeling na gusto mong magsalita pero wala ka namang maisip na sasabihin? Ganon.

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon