No Escape

811 28 3
                                    

Nakita naming ang dahilan ng pagkamatay ni Alex. May sumaksak sa kanya gamit ang isang kutsilyo.

Nagsimula kaming mag-panic. Binuhat agad ni Robbi si Alex sa sofa.

"Alex! Alex!" sigaw ng sigaw kami kay Alex. Baka sakaling magising pa siya.

Pero hindi. Nakahiga lang siya doon, hindi gumagalaw.

Tahimik lang kaming lahat habang nakatingin lang sa kanya. Bumaba na ngayon si Sharlene para makita kung ano nangyari. Lumaki ang mga mata niya nung nakita niya si Alex na nakahiga sa sofa.

"Ano  nangyari?!" sabi ni Sharlene. Halatang takot siya nung sinabi niya iyon.

Pero walang sumagot. Lahat kami walang kaalam-alam kung ano ang nangyari sa kanya.

"J-Jake, diba ikaw yung huli niyang kausap sa kusina?" sabi ni Karen. Naramdaman ko silang lahat ay tumingin sa akin.

"Hindi ko alam....Nag-usap lang kami sandali. Tas tinawag niyo ko para manood ng movie. At sabi niya doon daw muna siya sa kusina...." sabi ko

"Eh paano naman namin masisigurado na hindi ikaw yung gumawa nito kay Alex?! Diba ikaw pa nga nag-invite samin na pumunta dito?" sabi ni Jason.

napatigil ako ng sandali, pero sumagot parin ako.

"Nung iniwan ko si Alex sa kusina, BUHAY pa siya! At bakit ko naman papatayin ang isang inosenteng tao?!" sabi ko.HIndi ako uurong. Lalo na dahil wala naman talaga akong kasalanan.

"Bakit pa ba kasi kailangang pumunta sa kusina? Ano ba ang impotante niyong pinag-usapan?" sabi ni Benedict.

Alam kong hindi ko dapat sabihin sa kanila ang pinag-usapan namin ni Alex kanina. Hindi pa siguro ito ang tamang oras.

"Hindi ko pwedeng sabihin...Pero maniwala ka sakin, HINDI AKO YUNG PUMATAY KAY ALEX!"sabi ko

"Eh paano kami maniniwala sayo?! Ni hindi mo nga masabi sa amin kung ano ginagawa niyo dun eh!" sabi ni Robbi

Pakiramdam ko na pinag-tutulungan nila ako. Ako lang ang makakapagtanggol sa sarili ko. 

"Tama na yan... Hindi naman tayo nakakasigurado na si Jake ang may kasalanan eh....sa ngayon, kailangan nating asikasuhin muna si Alex." sabi ni Max.

Haay buti na lang sinabi yun ni Max. Kundi, baka akalain nilang lahat na mamamatay tao ang nag-invite sa kanila dito. Tas makulong pa ako-__-

"Sige na nga. Karen, tawagan mo na lang yung magulang ni Alex." sabi ni Robbi sa kapatid niyang si Karen.

"Ha? Bakit ako? Ano sasabihin ko sa kanila?!" sabi ni Karen

Book of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon