Hapon na nanaman ako nagising. Gabi na kasi akong nakauwi kahapon.
Nakita ko na may text pala ako sa cellphone ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jake, kailangan nating mag-isip kung
paano natin pipigilan yung libro bago pa
may mapahamak na iba.....
Punta ka na lang sa bahay ko mamaya para mag-usap.
~Karen
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakita ko na kaninang umaga niya pa pala sinend yun sakin...baka nag-iintay na siya doon para sakin.
Bumangon na ako at nag-ayos ng sandali. Bumaba na ako mula sa kwarto ko.
Sabi ko na nga ba, wala nanaman si Scarlett.
Kaya dumiretso nalang ako palabas ng bahay. Wala kasi akong ganang mag-almusal.
Nagdrive na rin ako papunta sa bahay ni Karen.
_ _ _SKIP_ _ _
kumatok na ako sa pinto nila Karen.
"O, Jake...ano ginagawa mo dito?" sabi nung nanay ni Karen. Madalas kasi kaming pupupunta dito sa bahay nila.
"Uh...sabi daw po kasi ni Karen pumunta ako dito." sabi ko
"Ah, asa kwarto lang siya. Di pa nga lumalabas eh....puntahan mo na lang doon." sabi niya
"Sige po. Salamat." sabi ko. At dumiretso na ako sa kwarto niya.
*knock* *knock*
tapos binuksan ko na yung pinto niya. Nag-iisip siya siguro ng paraan para makatakas sa libro, kaya siguro di pa lumalabas.
Pero mali pala ang inakala ko.
"Karen?!!"
Nagulat na lang ako sa nakita ko.
nakasabit ang leeg niya sa isang lubid.....nagpakamatay siya?!
Narinig siguro ako nung mga magulang ni Karen dahil sumugod agad sila papunta dito. Pareho din ang reaction nila sa nakita nila.
Ako naman ay sinubukan kong buhatin si Karen para tanggalin siya doon.
"P-Paano 'to nangyari?!" sabi nung nanay ni Karen
"Hindi ko po alam...G-Ganito na po siya nung nakita ko.." sabi ko.