"Uy...bitawan mo na kasi ako..." may narinig akong nagsasalita.
"Ayoko nga." Narinig kong sagot ng isa. Sino yon?
Onti onti kong binukas ang mga mata ko at bumangon mula sa tulog ko. Tumayo ako at hinahanap ang pinanggagalingan ng mga boses. Tumabi ako sa malapit na pinto. Mukhang nandoon sila...
"Dali na....baka mahuli pa tayo eh." sabi nung isa. Si Tricia?
"Sabihin mo muna na mahal mo ko..." sino yon?
Binuksan ko ng bahagya ang pinto at sumilip. Nakita ko si Tricia at si Benedict na sobrang lapit ang mga mukha sa isat isa. Pinigilan ko lang ang sarili ko at pinanood na lang muna sila.
"Oo na, mahal na kita." sabi ni Tricia ng nakangiti. Sabay lumapit lalo siya kay benedict at...hinalikan siya?!
Sobrang laking galit ang naramdaman ko...hindi lang kay Benedict, pero kay Tricia rin. Bakit nila gagawin 'to sakin?!
Nanggigil ako ngunit pinigilan ko na lang ang sarili ko. Tama ang mga hinala ko....ang best friend ko, at ang girlfriend....I mean, EX girlfriend ko....
BWISET!!
Naglakad ako papunta sa hinigaan ko kanina at umupo nalang doon, para mag-isip. Ang sakit na ng utak ko kakaproblema sa mga kung ano ano, konti nalang talaga sasabog na ako! Bigla na lang akong napasuntok sa kung ano man yung asa tabi ko.
"Aray!" mahina kong nasabi dahil sa pagsuntok ko sa iang matigas na bagay. Tinignan ko kung ano ito...
yung libro. Huh?
Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat.
Ngayon ay nalaman mo na ang totoo.
Ang pagloloko nila sa iyo
Ang pag-traydor nila sa iyo
Ang lahat ng mga nililihim nila sayo...alam mo na.
Ang mga gumagawa ng ganitong mga sala ay dapat lang maparusahan...diba?
Jake, THIS is your chance of Revenge
~J
"Paano?" tanong ko ng mahina.
binaba ko ang libro at napatingin ako bigla sa lamesa sa harapan ko. Mayroon akong nakitang baril at mga bala sa tabi nito.
Pinulot ko ang baril at tinignan lamang ito. Napansin ko na wala pa pala itong laman na mga bala, nakapatong lang ang mga ito sa lamesa.
Gagawin ko ba talaga ito?
Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan naming lahat....kaya ko ba itong gawin?
Pagkatapos ng ginawa nila sakin....maaari ko pa ba silang patawarin?
Kung ginawa ko 'to...paano na yung iba? Sila Kallum, sila.....
teka......asan si Kallum?
Nalala ko bigla ang kagabi. Ang usapan pala namin ay gigisingin niya ako ng ilang oras, para ako na ang magbabantay.
Ngunit...hindi niya ako ginising.
Tumayo ako bigla at naglakad papunta sa labas ng bahay dala ang baril...kaso nga lang...nakalimutan kong lagyan ng bala -__-
Nakalabas ako agad ng bahay. At biglang napalaki ang mga mata ko sa nakita ko....
Si Sharlene at si Kallum....patay. Pareho silang may tig-isang malaking saksak ng kutsilyo sa katawan nila.
"Kallum!! Sharlene!!" Napasigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanila.
Ang kinahihigaan nila ay para lamang isang dagat ng dugo...
Sa puntong iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bigla ko na lang nakitang tumatakbo palabas ng bahay si Benedict at si Tricia. Bigla silang napatingin sakin.
"Jake, Ano nangyari?!" sabi ni Benedict.
"Hindi ko alam! Bigla ko na lang silang nakitang ganito paglabas ko." sabi ko. Tinignan lang nila ako ng kakaiba.
"Edi bakit ka may dalang baril?" Tanong niya habang nakatingin sa hawak ko.
"H-Hindi ito kagaya ng iniisip niyo! Binigay lang 'to sakin ng libro!!" Sabi ko habang ipinagtatanggol ang sarili ko.
"Sabihin mo na ang totoo, Jake! Huling huli ka na namin. Simula pa lang nung sa pagkamatay ni Alex...alam ko nang ikaw yung gumagawa sa amin nito." Sinabi niya.
"Hindi ka ba naniniwala sakin, Benedict? Kaibigan mo ako! Bakit ko naman gagawin ito sa inyo?! Itinuring kitang kaibigan ngunit IKAW ang gumawa ng masama sa akin." sabi ko.
"Ano naman ang pinagsasabi mo?"
"Narinig ko ang usapan niyo ni Tricia kanina.." sabi ko. Biglang napalaki ang mga mata ni Tricia.
"J-Jake..." sabi ni Tricia...hindi alam kung ano ang sasabihin
Tumingin si Benedict kay Tricia at ibinalik ang tingin sa akin.
"Eh ano naman kung narinig mo? Atleast ngayon alam mo na na AKO ang mahal niya..." sabi ni Benedict ng medyo galit.
Nainis ako sa sinabi niya at tinapat ang baril ko sa kanya para takutin siya.
Napataas bigla ang kanyang kamay dahil nga sa pagkabigla niya.
"Jake, ibaba mo yan." sabi niya ng kalmado
"Bakit Benedict? Takot ka na sasaktan kita? Takot ka na baka itatraydor kita...halos kagaya lang ng pagtraydor niyo sakin?" sabi ko.
"Jake, please...wag mo siyang barilin..." sabi ni Tricia.
Ang dami ng tumatkbo sa isip ko. Ang isang desicion na ito nakasalalay ng buhay ng isang tao...ang desicion na ito ay magdedecision din ng daan na kukunin ko. Kapatwaran........o paghihiganti.
nagtitingan lang kami hangang sa nakapagdesicion na ako.
Ang sunod na narinig ko ay isang malakas na putok ng baril. At nakita kong agad na napatumba si Benedict.
______________________________________________
MagCOMMENT at MagVOTE po :D
Yun po ang source of inspiration ko <3