May nakita akong isang babae, kaso di ko makita ang mukha niya sa dilim. Nakatayo lang siya sa harapan ko, hindi ko alam kung bakit. At kung ano nga ba ang ginagawa niya dito….
“S-sino ka?” tinanong ko sa kanya.
Narinig kong tumawa siya ng mahina. Hindi yung normal na tawa, pero yung tawa na parang may balak na masama…
Nakita ko na may nilabas siya na baril mula sa likod niya. Itinutok niya sakin ‘to.
“Hindi mo ba ako natatandaan, Jake?” sabi niya sakin
“B-bakit?” sabi ko.
Hindi siya sumagot…nakatayo lang siya doon, habang nakatutok parin sakin yung baril..
“H-hello..?”
Tapos narinig ko ang putok ng baril niya.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Napaupo ako mula sa kama ko nung nagising ako.
Panaginip lang pala yon….kailangan ko na talagang magbawas sa horror movies..
Pag-gising ko tumingin ako sa orasan.
8:32
Oras na para bumangon. Tumayo na ako at naligo, tas nagbihis. Bumaba ako sa kusina para magluto nang almusal para samin ni Scarlett.
Sakto. Nung tapos na ako, bumuba na ng hagdan si Scarlett. Malakas amoy niyan pagdating sa pagkain eh.
Nilagay ko na yung pagkain namin sa table. Tapos kumain na kaming dalawa. Naisip ko bigla yung “party” mamaya.
“Uh…Scarlett, di muna ako uuwi mamayang gabi. May gagwin lang kami ng mga kaibigan ko. Basta, pag-uwi mo i-lock mo na lang yung mga pinto.” Sabi ko.
“Ah, okay lang yun kuya. Di rin naman sana ako uuwi mamaya eh…” sabi niya.
“Huh? Bakit?! San ka pupunta?” sabi ko. Ano nanaman kaya gagawin nitong batang ‘to?!
“Kila Evan….” Sabi niya. Si Evan nga pala yung isa sa marami niyang kaibigan.
“Hindi ka pupunta doon.” Sabi ko ng seryoso
“Bakit naman?!” sinigaw niya sakin.
“Bata ka palang Scar! Tas makikitulog ka na sa bahay ng lalaki?!” sigaw ko sa kanya
“Hindi naman ganon eh! Marami ding ibang sasama sakin! Tsaka bat ikaw diba?! Pagkatapos mong magpaalam sakin na di ka makakauwi kasi may gagawin kayo ng mga kaibigan mo, papagalitan mo ko kahit halos ganon din naman gagawin namin?!” sigaw niya sakin.