Chapter 2 : Start

170 17 3
                                    

"The more silent, I am , the more dangerous, I can be "

Lance Pov

Dahil wala ng gagawin Lumabas ako ng room para mag-banyo. Napalingon ako sa paligid ng may mapansin akong kakaiba. Parang may sumusunod sa akin. Nagsimula lang naman ito. Nung Lunes pagkatapos namin i-download ang game na yun. Pag uwi ko ay nararamdaman ko na may sumusunod at nakamasid sa akin. Pumasok ako sa isang cubicle at ginawa ang dapat kung gawin.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Nang biglang tumunog ang phone ko kaya napatingin ako dito.

"IT'S KILLING TIME!" pagbasa ko sa nakasulat nagsisimula na pala ulit ang game. Nilagay ko sa sink ang phone ko at nagpatuloy sa paghugas.

"Doctor's guess who's the victim."

"The doctor failed to save the victim," kinuha ko na ng phone ko mula sa sink. Tumunog naman ang phone ko nakita ko ang notification mula sa game.

"You're the victim and You're dead!" yan ang nakalagay sa notification. Grabe, kakasimula pa lang na out na agad ako. Ano ba yan? Wala na agad ako ano ba kasing pinag-gagawa ng mga doctor?

"Tsk!" binalik ko sa bulsa ko ang cellphone at naglakad papunta sa pinto.

Naramdaman kong parang may nagmamasid sa akin. Paglingon ko wala naman akong nakita. Weird, nagkibit balikat nalang ako. Pinihit ko ang doorknob ngunit naka-lock ang pinto mula sa labas. Bigla namang nagpatay sindi ang ilaw hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot.

"Hello Lance," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses pero wala akong nakita.

"Hahahha! Natatakot ka na ba Lance?" yung boses niya nakakakilabot.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong ko dito tinapangan ko boses ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako.

"Simple lang naman ng kailangan ko."

Nakaramdam ako na parang may naglalakad palapit sa akin. Dahil madilim hindi ko makita kong sino.

"Ano?" Luminga linga ako sa paligid nagbabakasakaling makita ko siya.

"Buhay mo," walang emosyon nito turan.

"Nababaliw ka na ba?" kinakabahan kong tanong.

"You could say that! Any last word Mr. Montefalco?" mas lalong naging kakilabot ang boses niya.

"Fuck You," sabi ko at tumalikod at sinubukan ulit na buksan ang pinto. Napatigil ako ng may tumama sa balikat ko.

"Na ah! Not so fast," hindi ko malaman kong lalaki ba o babae dahil sa mask na nakasuot sa kanyang mukha. Yung boses niya iba parang nakavoice changer. Hindi ko rin maaninag mukha niya dahil n rin sa mask niyan suot at ang kulay itim niyang hoodie. Hinugot niya ang kutsilyong nakatarak sa balikat ko. Napaubo naman ako ng dugo. Ito na ba katapusan ko.

"Ang saya namang panoorin ka sa ganyang kalagayan," nakangisi nitong sabi.

"Hayop ka! Bakit mo ba ginagawa to?" nahihirapan man ay sinubukan kong maglakad ulit sa pinto.

"Ahhh!" daing ko habang nakasalampak sa sahig ng banyo nakita ko na lang yung binti ko nakahiwalay sa katawan ko at walang tigil ang pag-agos ng dugo.

"B-bakit mo ba ginagawa toh?" ngayon nararamdaman ko na ang takot dahil alam kong ang nasa harapan ko ay isang demonyo.

"Simple lang, ayoko sa mga tulad mo," lumapit siya sa akin at hinawakan mukha ko.

"Ngayon naman alisin natin yang matabil mong dila," pinilit niyang ibuka ang bibig ko pero pinanatili ko itong nakatikom. Dahil hindi niya mabuksan ang bibig ko. Pinagtuunan nito ang braso ko. Napa-daing ako at yun ang kinuha niyang pagkakataon para hilahin ang dila ko. Kahit mag pumiglas ako wala akong magagawa nanghihina na ako dahil sa maraming dugo na umaagos palabas ng katawan ko.

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now