Special Part:

48 8 0
                                    

Sky's Pov

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o saang lugar ako liliko. Patuloy ako sa pagtakbo ngunit wala akong nararating. Parang nagpaulit-ulit lang ako ng dinadaanan. Naririnig ko ang mga yapak ngunit wala akong nakikita. Nakita ko ang mga kaklase ko agad akong tumakbo papunta sa kanila.

"CASS! CALLIE!" tumigil sila sa paglalakad unti-unting lumingon.  Napaatras ako ng makita ang mga mukha nila. Sa ulo nila ay nakatarak ang isang punyal at umaagos ang sariwang dugo mula rito.

"KASALANAN MO ITO SKY! KUNG HINDI MO SINULAT ANG KWENTONG YUN HINDI MANGYAYARI SA AMIN ITO. PALAYAIN MO KAMI!" Dahil sa takot ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Lahat ng kaklase namin ay nakita kong papalapit sa akin at sinisisi ako sa nangyari.

"SKY!" Nagising ako dahil sa isang malakas na pagyugyug.

"Ma?" napalinga ako sa paligid nasa  kwarto lang pala ako. Binangongot na naman ako isang bangongot na totoong nangyari.

"Kasalanan ko ang lahat Ma!" Mahina kong sambit umiling ito at niyakap ako.

"Hindi totoo yan, magpahinga ka na," tumango ako at umalis naman si Mama.

Isang taon na nakalipas simula ng mangyari ang bagay na iyon. Nagbihis ako at kinuha susi ng kotse alam kong tulog na si Mommy. Sumakay ako sa kotse at nagsimula ng mag drive patungo sa Huxlein High. Naging abandonado ang paaralan simula ng mangayari ang bagay na iyon

=Flashback=

Pagkatapos kong isulat ang kwentong The Killer Game ay naging sikat ito. Tinangkilik ng marami, ngunit isang araw pag gising ko nagbago ang lahat.

Pagdating ko sa harap ng gate may nakita akong sasakyang ng pulis at ambulansya. Kunot noo akong naglakad papasok.

"Kawawa naman siya," rinig kong turan  ng isang studyante.

"Anong nangyari?" Napatingin sila sa akin na may bahid ng pagkagulat.

"Hindi mo ba alam? May pümåpàtāy sa mga kaklase mo." Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong tumakbo papunta sa classroom. Napadaan ako sa science lab nagulat ako ng may mga pulis din doon. Sinilip ko nakita ko si Yna. Wala na itong balat at pati laman loob. Napahawak ako sa bibig ko dahil gusto kong masuka. Yung nangyari sa kanya parang yung nasa libro ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa room nagulat, ako nang may biglang tumunog parang nahulog mula sa itaas. Sinilip ko ito at nakita ko si Sheena, natusok ang katawan niya sa kabilya. Pamilyar ang nangyari sa kanya.

Pagdating ko sa classroom ay naiyak ako sa aking nakita. Mga kaklase ko na wala ng buhay at naliligo sa sarili nilang dugo. Paano nangyari to? Bakit? Sino may gawa nito?

=End of Flashback=

Pinark ang kotse sa labas ng gate binuksan ko ito at pumasok. Luma na ang gate halata na wala ng nag-aalaga. Madilim ang paligid tanging nagbibigay ilaw lang ay ang aking dalang flashlight. Simula ng mangyari ang massacre isang taon na nakakalipas ay nagsara ang paaralang ito. Dahil wala na ring nagtitiwala pa sa kredibilidad ng school. Ang pasimuno sa pagpatay ay ang adviser namin. Lahat ng nangyari sa kwento ko ay tinotoo niya. Kung paano sila måmåtåy sa kwento ay ganun din ang nangyayari. Mabigat ang bawat hakbang ko habang naglalakad papunta sa dati naming classroom.

=Flashback=

Hindi ko kinaya nag nakikita ko, gusto kong sumuka. May gumulong papunta sa akin ganun nalang panghihilakbot makita kung ano ito. Mata  ito at nakatingin sa akin. Mabilis akong tumakbo ngunit hindi ko alam kung saan ako patungo. May narinig akong ingay sa loob ng library kahit natatakot ay dahan dahan akong pumasok. Napatakip ako sa akin bibig ng makita ko si Khaleed naliligo sa sarili niyang dügö. Dilat ang mga matang nakatingin sa akin. Napansin ko ang isang kakaibang anino. Sinundan ko ito papunta sa rooftop. Nagulat ako ng makita ang iba pang studyante na nakahandusay. Ang iba ay nakabitaw sa mga veranda. Hindi ko maintindihan kung bakit ano ang nangyayari. 

=End of Flashback=

Napatingin ako sa classroom namin isang alaala ang nabuo sa aking isipan mga kaklase ko na masayang nagtatawanan, asaran at kulitan. Ngunit bigla itong nagbago, naging madugo ang eksenang nabubuo sa aking isipan. Alam kong hindi lang iyon imahinasyon dahil totoong nangyari ang bagay na iyon.

=Flashback=

"Hindi sila tuluyang naging payapa, Iha. Ang mga kaluluwa ng kaibigan mo ay nakakulong pa rin. Kailangan mo silang palayain, ngunit hindi ikaw ang makakagawa nun." Nagtataka ako at naguluhan sa sinabi niya. Kailangan ko silang palayain pero hindi ako ang makakagawa non?

" A-ano po ang ibig niyong sabihin?" Napatingin siya sa akin na may halong lungkot sa mata.

"Hindi ikaw ang nakatadhanang tumapos sa sumpa, Sky. Hindi ikaw ang nakatakdang tumalo sa diablo na naninirahan sa loob ng libro. Pero ikaw ang makakatulong sa kanila para matupad ang dapat gawin. Ngunit kailangan mong mamatay sa paraang iyon mo lamang matutulungan ang kaluluwa ng mga kaibigan mo na makalaya mula sa diablo."  Magtatanong pa sana ako ngunit paglingon ko ay nawala na ang matanda.

=End of Flashback=

Naglakad ako papunta sa rooftop ng school. Tama ba itong gagawin ko? Natatakot ako, hindi ko alam ano ang gagawin. Ako, ako ang may kasalanan bakit nangyari ang bagay na yun. Kung bakit nawala sila. Pero tama ba ito?

Napatingin ako sa langit ang lamig ng hangin na tumatama sa aking katawan.

"Nandito ka pala?" Napalingon ako sa nagsalita.

"S-sino ka?" Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot ito ng hood.

"Hindi mo talaga ako kilala?" Nakakakilabot ang boses nito na para bang galing sa ilalim ng lupa.

"Ako ay ikaw, Sky. Ang librong sinulat mo diba ay tungkol sa mga kaklase mo? Sinulat mo ang librong ito ayun sa kagustuhan mo. Kagustuhan mong påtåyïn ang mga kaklase mo." Napailing ako dahil sa sinabi niya

"H-HINDI T-TOTOO YAN!"

Tumawa ito ng malakas nakakakilabot ang tawa nito. Hindi ko maiwasang manginig.

"ISA KANG DIABLO!" mas lalo pa itong natawa.

"Ako ay ikaw, Sky. Ako ang diablo na nilikha mo. Dahil sa galit mo ay sinulat mo kung paano mo gustong mâmâtáy ang mga kaklase mo. Hindi lang ang kaklase mo ang nadamay kundi pati lahat ng studyanteng nag-aaral sa paaralang ito. Ikaw ay ako, ako demonyong naninirahan sa loob mo. Binuo mo ako gamit ang galit, pagkamuhi, inggit at higit sa lahat ang kasamaan na nasa utak mo.  Hindi mo makakaila ang bagay na iyon. Kailan ma'y hindi mo ako maalis." Tumawa ito ng malakas hanggang sa bigla itong naglaho sa aking paningin.

Hindi! Ako ang lumikha sa kanya. Ako? Ako ang may kasalanan ng lahat patawarin niyo ako. Tumayo ako at umalis sa lugar na iyon hindi alam kong ano ang gagawin.

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now