Chapter : 6

79 12 3
                                    

Sky's Pov

"Citizen Sheena and Khaleed is dead." Yan ang nakalagay sa mensahe mula sa app.

Nabitawan ko naman ang cellphone ko sa gulat. B-bakit kanina lang nakita ko silang nag-aanuhan ngayon wala na sila pareho. Nandito ako ngayon sa garden after ng incident kanina. Gagong Theo na yun after akong halikan nakipag harutan naman kay Stephanie ang landi talaga unggoy na yun.

"Sky," napatingin ako sa tumawag sa'kin si Theo lang pala bakit nandito to?

"Okay ka lang ba?" nag-alalang tanong nito, "nakita yung katawan ni Shane sa baba tinapon mula sa rooftop. Nakatali sa lubid dahil sa lakas ng impact, naputol ang ulo," paliwanag nito hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Impossible!

"P-pero k-kanina lang nakita natin sila sa library kung saan sila nag-intimate moment bakit wala tayo narinig?" tanong ko sa kanya kasi wala talaga akong narinig.

"Baka sa oras na yun nandoon ang kille, kung hindi tayo umalis baka pati tayo ay wala na," seryoso nitong turan hindi ko maiwasang kilabotan sa sinabi niya.

"Pero bakit hindi tumunog phone ko sa mga notification about sa killing time?"

Pero may killing na naganap ibig sabihin hindi lahat binabase sa game?

"Kahit sakin wala rin." Napatingin naman ako sa kanya. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.

"Wait, hanapin muna natin yung iba masyado ng delikado. Kapag mag-isa lang dapat sama-sama tayo bawas casualties, I guess." sumang-ayon naman siya. Kaya naglakad na kami papunta sa room ng may mapansin ako.

"Why are you holding my hand?" nakasiklop mga kamay namin like what the heck! Holding hands while walking amputchiee.

"Sabi mo sama-sama ayan para di ka na mawala." kunti nalang masasapak ko na to! Binawi ko naman kamay ko kaso mahigpit pagkahawak niya.

"Bitaw sabi." naiinis kong turan habang sinusubukang hilahin kamay ko.

"Hindi kita bibitawan." hindi ko alam pero biglang lumakas tibok ng puso ko. Whooah! Nagiging abnormal ang tibok. Magsasalita pa sana ako ng may tumawag sa kanya.

"Theo!" nakangiting tawag ni Kofi sa kanya and with that he let go of my hand hah! Lalaki nga naman magaling lang sa salita.

"Bakit kofi?" Nakangiti nitong sabi ng mumukha siyang asong ulol sa paningin ko.

"Pupunta ka ba ng classroom?" tanong nito at na kay Theo lang ang tingin. Yoohoo may tao dito?

"Yes why?" nakangiting tanong ng malanding lalaki itago nating sa pangalang Theo.

"Sabay na tayo natatakot din kasi ako alam mo na sa mga nangyari ngayon."

"Sure!" sagot naman ng malanding unggoy na akala mo model ng pekeng brand ng toothpaste kung maka-ngiti.
Nakita ko naman si Calli na nalalakad palapit sa'min mukhang hindi niya yata kami napansin.

"Calli, sabay na tayo papunta kang room diba?" tumango naman ito bilang pagsagot napaka-mahiyain talaga ng lalaking to! Kaya laging nabubully pero magkaibigan kami.

"Bye mauna na kami sa inyo!" sabi ko at iniwan na yung dalawa napansin ko naman ang sama ng tingin sa'kin ng malanding unggoy na pangalan ay Theo. Tinaasan ko naman siya ng kilay problema ng unggoy nato. Bahala sila at tuluyan na akong tumalikod sa kanila.

"Calli kumusta ka na pala after kasi nung pagkamatay ni Lance mas lalo ka pang natahimik," i started a conversation.

"I still can't get over it Sky it was traumatizing," mahina nitong turan mahalata din sa boses nito ang takot na pilit niyang tinatago.

"I know it was traumatizing at sa mga nangyayari hindi ko alam kung sino ang gumagawa. What is his motive by doing this?"

"I'm afraid, I can't answer that Ms. Sky because even me, dont know the answer," napabuntong hininga nalang ako. Lahat naman kami hindi alam ang sagot.

"Basta wag ka gagala mag-isa, okay? Masyadong delikado, dapat hindi ka na lang sumali sa game na ‘yun pati tuloy ikaw nanganganib buhay," Naiisip ko kung siguro hindi ako sumali baka hindi rin sumali mga kaibigan ko. Ngayon pareho kaming nanganganib ang buhay.

"It's not your fault Ms.Sky, hindi naman ikaw ang nag-register sakin ako mismo ang may gusto na sumali sa larong iyon. So don't blame yourself." seryoso nitong saad napabuntong hininga naman ako. Pansin ko lang kanina pa ako napapa-buntong hininga nakagawian ko na ata.

"Ayieeee!! ano yarn nagd-date kayo?" mapang-asar na tanong ni Calliope.

"Hi twin!" bati nito kay Cal hindi sila magkapatid gusto niya lang na tawaging kambal tuwing nakikita niya. Kasi her name is "Calliope" and the other one is "Callisto".

"Hi Ms. Calliope," bati naman nito pabalik.

"Saan ka galing ?" tanong naman ni Cass sa akin.

"Sa canteen then I saw Callisto walking alone so sumabay na ako," paliwanag ko naman sa kanya.

"Tsk!" Oh nandito na pala ang unggoy baka nga nag stop over pa yang dalawa sa gilid tapos nag-harutan. Tsk paki ko sa kanila.

"Btw, tuloy pa ba yung weekend trip natin?" bulong ni Cass sa'kin

"Yes," i almost forgot about it we plan this outing before this shit happens. Napatingin ako kay Callisto isasama ko siya.

"Sumama ka bukas Cal," sabi ko tumango lang siya he's my friend after all.

"Guys, sino sasama sa outing bukas libre na ni Sky!" napalingon naman ako sa bruhang nagsabi nun. Ang kapal ng mukhang mag-aya tapos ako pa manglilibre. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sa mga gustong sumama 6 am bukas sa mini plaza malapit dito sa school." dagdag naman ni Callie

"Sure/ Sige!" sabay na sagot ng kaklase naman. Damn can someone give me a new friend.

"Beach yun ah! Baka may magdala ng gown," natatawang sabi ni Cass at napatingin kami kay Callie. Ang tanga niya kasi last year pumunta kami sa beach tapos nakasuot ng gown. amputcha!

"Grabe kayo sakin." nakasimangot nitong turan. Naalala ko na naman yung pangyayaring ‘yon.

"Why are you wearing a gown Calliope?" Tanong ko kay Callie ng makita ko ito sa labas ng bahay nila.

"Maganda naman ah!" Napatingin ako sa suot niya. Maganda naman yung gown. Kaso beach kasi puountahan namin.

"Hayaan muna siya, Sky! Sumakay na kayo ako na magmamaneho,"

Pagdati

"Btw, pwede na tayong umuwi wala naman tayong klase ngayon," maybe we need this outing para maka-get over sa mga nangyari sa linggong to. Sa loob ng isang linggo limang kaklase rin namin ang namatay.

Ewan ko sumasakit ulo ko sa mga nangyayari. All I know is that when i fucking download that effin game everything became messy. Coincidence lang ba ang lahat o sinadya?

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now