Yna's Pov
Nagising na lang ako na nakatali napatingin ako sa paligid nasa science room ako. Napatingin ako sa harap at nakita ko ang iba't-ibang uri ng kutsilyo.
"Hi Yna, magandang umaga," napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.
"S-sino ka? A-anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Buhay mo," walang emosyon nitong sabi habang nilalaro ang kutsilyong hawak nito.
"A-anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon.
"I'll skin you alive." deretso nitong turan kasunod ng pagngiti nito ng matamis. Kung titignan mo siya ay para bang wala siyang masamang gagawin. Parang anghel pero may sa demonyo pala.
Bakit nga ba ako napunta sa sitwasyong ito naalala ko lang ay papasok na ako kanina ng matanggap ko ang mensahe mula sa app na'yon sinasabing "You're Dead." Bigla nalang may nagtakip sa ilong ko kaya ako nahimatay at nagising sa impiyernong to.
"Ahhhhhhhh! Tama naaaa!" daing ko ng simulan niyang hiwain ang balat ko. Ang sakit!
"Ang sarap naman pakinggan ng boses mo." Sabi nito at tinuloy ang ginagawa niyang pag-balat sakin.
"Ahhh tama na p-please ano bang k-kasalanan ko sayo?" pagmamakaawa ko ang sakit ramdam na ramdam ko bawat paghīwa niya sa balat ko.
"Malaki kasalanan mo sa'kin, Yna. Ang laki." mababatid sa boses nito ang galit at gigil.
"Ahhhh tulonggg!" sigaw ko nagbaba-sakaling may makarinig.
"Kahit magsisigaw ka walang makakarinig sayo! Nakalimutan mo bang sound proof ang science room?" tanong nito, "Hahahaha!" nakakakilabot ang tawa niya hindi ko alam kung ilang oras ako sumisigaw. Dahil sa sakit tuluyan na nga niyang natanggal ang balat ko.
"H-hayop ka isa k-kang d-demonyo," nahihirapan kong sabi. Nginitian lang ako nito na parang nagugustuhan pa nito ang sinabi ko.
"My pleasure," nakita ko naman na isinabit niya ang balat ko sa board.
"P-patayin mo n-nalang ako," mas gugustuhin ko nalang namamatay agad kay sa maranasan ang ganito.
"Too boring! Now, I'll take your internal organs out," gustohin ko man manglaban wala na akong lakas. Nararamdaman ko rin ang hapdi at kirot ng katawa ko. Dahil dumidikit ito sa hinihigaan.
"Aghhh!" daing ko ng hiwain niya ang tiyan ko naubo naman ako ng dugo. Nakita ko naman paano niya nilabas lamang loob ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdukot niya sa puso ko. Tuluyang nilamon na ako ng kadiliman.
Sky's POV
"Sheena is dead." yan yung nakalagay sa mensahe mula sa app. What may killing time na nangyari kagabi after ng kay Theo? Mabilis akong nagbihis at pumunta ng school kailangan naming mapag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.
Nang makarating ako sa school nakita ko si Demi at Yxie mugto ang mga mata. Kahit naman siguro ako pagnawalan ng kaibigan. Napaka-brutal ng nangyari kay Sheena. Mukhang kailangan na naming mag-ingat umupo na ako sa upuan ko mamaya nalang siguro namin pag-usapan ang tungkol sa mga nangyari.
"Goodmorning class." bati ng math teacher namin.
"Goodmorning Sir," bati naman namin.
"Alam kong nalulungkot kayo sa mga nangyayari pero wala tayong magagawa kundi magpatuloy sa buhay," turan nito habang nakatingin sa amin. Tahimik lang kaming nakikinig walang gustong magsalita. Ano nga ba ang sasabihin namin?
YOU ARE READING
Killer Game (Complete)
Mystery / ThrillerA game that supposed to be fun turn's into bloody one Date Started : March 13 2023 Date Ended : June 13 2023