Chapter: 25

45 9 0
                                    

Sky's Pov

Inalalayan nila ako habang lumalabas kami ng building. Madami akong sugat meron sa braso ko hiwa naalala hiniwa to ni Cass kanina. Patuloy din pag-agos ng dugo
Pag ganito mahahabol kami nila Cass. Tumigil naman ako sa pag lalakad kaya napatigil din sila

"Bakit may problema ba?" nagtatakang tanong ni Ian.

"Ewan niyo nalang ako magiging pabigat lang ako sa inyo hindi ko na kaya maglakad masyado----" nagulat nalang ako ng bigla akong binuhat ni Theo.

"Ibaba mo ng ako!" sinulyapan niya lang ako at bumalik na sa harap ang tingin

"Akala ko ba masakit na mga paa mo. Sa susunod wag mo nang sasabihin na iwan ka namin dahil hinding hindi ko gagawin yun," seryoso nitong turan.

"Hindi raw! Iniwan mo nga ako noon," bulong ko na narinig naman nila kaya napatawa si Ian

"Bakit mo naman kasi iniwan pre?" natatawa nitong turan.

"Anyway nasaan na si Callie?" Tanong ni Ian napapansin ko na to ilang araw na din nitong hinahanap si Callie.

"Sinabihan ko na maghanap ng mahihingian ng tulong," nasa labas na kami ng biglang may pumutok na baril napaluhod naman si Ian. May tama ito sa balikat.

"Akala niyo ba makakatakas kayo ng buhay dito?"  Napatingin ako kay Cass naka-tutok samin ang baril niya at sa likod naman niya ay tauhan niya. Binaril naman niya si Theo sa paa kaya na out balance ito at nabitawan ako. Sakit mas lalo kumirot sugat ko.

Kinuha naman nung is niyong tauhan ang baril kay ian at hinawakan yun dalawa habang ako nakasalampak sa lupa.

"Alam mo ikaw nanggigil na ako sayo gustong gusto na kitang patayin pero naiisip ko mas okay ng pahirapan muna kita," hinawakan niya buhok tapos hinila ako. Tangina ang sakit binitawan niya lang ako ng medjo makalayo ng kunti kila Theo. Sakit na nga ng katawan ko pati pa anit ko sumasakit. 

"Now Theo, manood ka paano ko pahirapan babaeng mahal mo hahahahhah," nagiging demonyo na siya sa paningin ko. Binigyan siya tauhan niya ng baseball bat. Napalunok naman ako bigla sakit kaya niyan.

"Ahhhh!" daing ko ng paluin nito binti ko shit mababali ata buto ko.

"Masakit ba?" parang abnormal lang ‘no?

"Bubo ka ba kung ikaw kaya hampasin ko niyan tas tatanungin kita kong masakit ba para malaman niyo, napaka bubo ampūta," huli na ng marealize ko sinabi ko.

"Ahhh, shīt!" daing ko ng paulit ulit ako nitong paluin kadaldalan mo kasi Sky pero ang sakit.

"TAMA NA YAN CASS!" sigaw ni Theo or should i say pagpapatigil bakit ngayon pa kung kelan b*gbug na ako.

"Wow gusto mo ikaw naman?" malanding tànong nito kay Theo at naglakad ito palapit. "Gusto mo ba ikaw nalang parusahan ko?" Tumango naman si Theo "okay!" Iba kutob ko ah Hinawakan niya sa pisngi si theo tapos walang pasabi hinalikan niya ito. What the nakakainit ng dugo tas gustong gusto naman ni theo. Pinikit ko nalang mata ko sakit eh

"Hmmm" mahinang halinghing ni cass tsk.

"Damn Theo dito talaga?" Malandi hmp ako na binugbōg tas magtutukaan lang kayo diyan. Hindi ko alam anong sunod na nangyari basta bigla nalang tumumba si Cass tapos hinila ako ni Ian. Okay ano nangyari ayan pikit pikit pa kasi hindi tuloy updated sa showbiz happenings.

"Dalian niyo," sigaw ni Ian tangna sakit kaya ng katawan ko hiniwahiwa tas may pinalo pa bagal ko tumakbo pero pinilit ko parin ayoko maging pabigat sa kanilang dalawa. 

"AKALA NIYO BA MAKAKATAKAS KAYO!" rinig kong sigaw ni Cass kasunod nun ay isang putok ng baril.

Calliope's Pov

Palapit na kami sa lugar ng marinig namin ang sigaw ni Cass

" AKALA NIYO BA MAKAKATAKAS KAYO!" kasunod ng sigaw niya ay ang malakas na tunog ng baril. Bigla akong kinabahan kaya mabilis akong naglakad.

"Sir bilisan po natin baka ano na nangyayari sa kanila," mabilis naman naging galaw nila.

"Wait," tumigil naman kami sumenyas siya na nasa malapit na kami at dahan dahan daw maglakad. Nakarinig ulit kami ng putok ng baril this time tumakbo na ako papunta sa pinanggalingan nun. Nakita ko si Theo may tama ng baril sa likod nakadapa siya at sa ilalim niya ay si Sky na duguan din. Mukhang prinotektahan ni Theo si Sky. Gumalaw siya at dahan dahan tumayo habang inalalayan si Sky na tumayo may tama ito sa paa. Tapos sa gilid naman si Ian na duguan din at may tama sa tiyan. Agad ko siyang pinuntahan. Inalalayan tumayo

"Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

"Hi Callie, kanina pa kita hinahanap," nakangiti nitong turan tinutok naman niya sa akin ang baril.

"Taas ang kamay," buti naman dumating na ang mga pulis buti naman dumating na sila kainis ang bagal nila

"Sumuko ka na Cass!" mahina kong sambit

"Okay fine!" Sabi nito at tinaas ang kamay

"Itapon mo baril mo," utos ng pulis sa kanya.

"Okay! Okay! Chill kalma lang," kalmado nitong sabi at hindi makikita sa mukha ang pagkatakot sa batas. Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit feeling ko hindi pa tapos?

May lumapit namang pulis sa amin at inalalayan kami si Theo naman ayaw ibigay si Sky at siya na mismo nagbuhat dito. Nauna kaming mag-lakad nahuli naman sila.

"Mas pipiliin ko pang mamatay kesa makulong," kay bilis ng pangyayari at bigla nalang kami nakarinig ng putok ng baril. Agad namang pinaputukan ng mga pulis si Cass.

"Pero isasama ko siya sa kamatayan," nakangiti nitong turan habang nakatingin kila Sky at Theo.

"Shit Sky!" Napamura nalang si Theo ako naman ay naiiyak may tama si Sky sa bandang puso. Napaubo naman ito ng dugo

"Bakit mo ginawa yung dapat di mo nalang sinangga yung bala para sakin," frustrated nitong sabi nginitian lang siya ni Sky.

"T-theo d-dalhin natin siya sa ospital," hindi ko na mapigilan luha ko sa pag agos.

Tumayo naman siya at binuhat si Sky

"Dont you dare close your eyes," pagbabanta ni Theo

"D-dapat b-ba n-naka (umubo ng dugo) d-dilat a-akong m-mamatay," pag j-joke nito 

"Stop saying that it's not funny," sabi ni Theo at patuloy na siya sa paglalakad  buti nalang at may ambulansya na.

Mabilis kaming nakarating sa ospital agad dinala sa emergency room si Sky. Habang binigyan naman kami ng paunang lunas since ayaw namin magpagamot pa nag aalala kami sa kaibigan namin.

Ilang oras din bago lumabas ang doctor. Kita sa mukha nito ang hindi maipaliwanag na expression. Don't tell me w-wala na siya.

"I'm sorry!" yun lang huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.





Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now