Chapter : 17

47 9 3
                                    

Someone's Pov

"Ikaw ang kapatid ni Calypso diba?" tanong sa akin ng isang lalaki hindi ko siya kilala at wala akong alam tungkol sa kanya

"Opo bakit po anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya

"Alam mo ba kung ano nangyari sa kapatid mo?" napatigil naman ako sa tanong niya.

"Nakipagtanan daw sa jowa niya," nagiwan ng sulat ang kapatid ko sa amin na sasama na siya sa boyfriend niya.

"Hahaha! Paano kung sabihin ko sayo na hindi nakipagtanan ang kapatid mo?" nakangiti niyang sabi tapos binigay sa akin ang isang cellphone. Kinuha ko naman ang cellphone

"Panoorin mo yung video," sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Ano ba bitawan niyo ako!" rinig kong sabi ng kapatid ko mula sa video

"Anong akala mo Calypso makakatakas ka sa'min masyado kang pabida," sabi ni Sheena at tinulak ang kapatid ko.

"Wala akong ginagawa sayo!"

"Anong wala pabida ka kinukuha mo attention ng lahat sipsip ka!"

"Hindi ko kasalanan na bubu ka kaya wag mo isisi sa'kin kung bakit ka bumagsak, hindi ko kasalanan na habang abala kayo kakagimik ako nag-aaral ng mabuti. Habang busy kayo sa pakikipaglandian ako nag aaral para pumasa kaya wag mo isisi sakin katangahan mo!" sagot ng kapatid ko.

"Ah ganun so lumalaban ka na!"  hinila ni Sheena ang buhok ng kapatid ko pinalo naman ni Yna at sinugatan kumuha siya ng kunting balat sa kapatid ko.

"Aahhh tama na!" daing ng kapatid ko nakita ko naman si Shane na tinalian leeg ng kapatid ko.

"Bagay sayo Calypso mukha kang aso," nagtawanan sila hinila naman ni Yxie at Zem ang kapatid ko gamit ang lubid.

"Anong gagawin niyo?" tanong ni Suzy.

"Mga demonyo kayo susumbong ko kayong lahat," sigaw ng kapatid ko akmang tatakbo na siya ng pinalo siya ni Suzy.

"Talaga ba? Tignan natin kung makakapagsumbong ka pa kung patay ka na," tinulak niya ang kapatid ko sa hagdan nabali ang leeg ng kapatid ko dahil sa lubid na nakatali sa leeg nito.

"Hoy ano gagawin natin," baka makulong tayo luminga linga naman sila sa paligid at nakita ang isang malaking grilling machine.

"Tulungan niyo ko ilagay siya dun!" sabi ni Suzy at nagtulong tulong silang anim para mabuhat ang katawan ng kapatid ko. Papunta sa grinding machine at ng makarating sila doon ay hinulog na nila ang katawan ng kapatid ko.

"Sino ang nagvideo nito?" tanong ko sa kanya mga hayup sila akala ko nakipagtanan lang kapatid ko pero hindi pala kasi namatay siya sa isang karumaldumal na paraan.

"Ang kapatid ko," sagot naman niya.

"Nasaan na ang kapatid mo?"

"Katulad ng nangyari sa kapatid mo pinatay din siya dahil sa video na yan. Hindi ko rin malalaman ang tungkol diyan kung hindi dahil sa isang tao na nagbigay sakin niyan at sa sulat ng kapatid ko." Napatingin naman ako sa mukha niya para makita kung nagsisinungaling ba siya.

"Sino ang babaeng tinutukoy mo?"  Napatingin ito sa akin at nagbuntonghininga.

"Hindi niya sinabi ang pangalan niya. Pero kaklase siya ng mga kapatid natin at gusto niyang gumanti sa lahat ng studyante ng section A," turan nito at mababakas sa kanyang mukha ang galit.

"Kaya mo ba pinakita sa akin ang video para sumali sa paghihinganti niyo?" Deretsahan kong tanong. Dahil ‘yon lang din ang nakikita kong rason bakit niya ako kinakausap.

"Ganun na nga," hindi naman nito itinanggi ang kanyang pakay.

"Pwede naman natin silang isumbong sa pulis," pagmumungkahi ko.

"Ginawa na namin yan pero pinatay lang yung mga taong nagsumbong. Mga anak mayaman ang mga studyanteng involve sa krimen na ‘yan. Yung hustisyang gusto mong makuha sa legal na paraan hindi mo makukuha ‘yun maliban nalang kung ikaw gagawa at isa pa. Alam namin saan nakatago ang katawan ng kapatid mo pero gaya ng nakita mo sa video pinong pino na ito."

Hindi ako nakinig sa kanya. Sinabi ko sa magulang ko ang nangyari nag report sila mama at papa sa pulis ang sabi ay a-aksyon sila ngunit kinagabihan namatay ang mga magulang ko.

"Sinabi ko na sayo diba walang magagawa ang tulad natin sa makakapangyarihan tulad nila!" May punto siya kung nakinig lang sana ako hindi na sana mawawala magulang ko. Dahil sa nangyari tuluyan na akong sumali sa groupo nila at nagsimula kaming magplano ng dapat gawin. Pumasok ako sa Huxlein High para mas madali ganun din ginawa nang isa. Nagpanggap akong nerd at ako naman ang naging target nabully araw-araw.

Unang plano ay ang apps at si Khaleed ang nakita naming pwedeng mag introduce nito syempre dahil mukha siyang pera nilaro niya. Pinapanalo namin siya at nakakuha siya ng pera. Kaya lang hindi siya pwede maglaro ulit. Maliban nalang kung makakapag invite siya at doon na nagsimula ang unang plano. Wala silang kamalay malay na doon magsisimula ang kamatayan nila. Napatingin ako sa listahan ko.

Tatlo na nawala sa listahan ko pero may tatlo pa ring natitira.

Sheena ❌
Yna ❌
Shane❌
Yxie
Zem
Suzy

Ipaparanas ko sa inyo kung ano pinaranas niyo sa kapatid ko.

"You need to die Callisto." sabi sakin nito sa akin.

"What?" nagtataka kong tanong.

"Fake death para makagalaw ka ng maayos ikaw ang suspect ni Kazeo and he will vote for you so you need to fake your death," seryoso nitong saad.

"But how?" naguguluhan kong tanong.

"I'll handle that."

And thats why, I fake my death. I can't blame Kazeo to put his eye on me since ilang beses na niya akong nakasalubong sa hallway. Nagpanggap akong namatay para hindi ako mahirapan kumilos hinahanda ang engrandeng kamatayan para sa tatlong babae at ngayon nandito na kami sa harap nilang lahat.


Gulat namang napatingin sa'kin si Sky. I'm sorry Sky but, I need to do it for the justice that I want. But, I treat you as my real friend.

"Callisto, I thought your dead?" naguguluhan nitong tanong

"Why would I be dead when I'm one of the killers?" I said with no emotion. Napatingin ako sa tatlong babae ang huling nasa listahan ko.

"Bago ang lahat manood muna tayo ng palabas," nakangiti kong sabi ini-start ko yung video. Ang video kung paano nila pinatay ang kapatid ko.

Tahimik silang lahat habang nanonood habang yung tatlo ay namumutla na sa takot at kaba. Ganyan nga matakot kayo dahil mararanasan niyo din ang kamatayan na yan mamaya.

"Ready na yung machine," sabi ng tauhan namin. Tumango naman ako at tumingin sa tatlong babae .

"Kunin niyo na ang tatlo."  sabi ko at naglakad papunta sa kinalalagyan ng machine.

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now