Chapter : 7

70 9 3
                                    

Calliope's Pov

Nakaupo ako sa likod katabi ko si Cass nasa unahan si Theo kasi siya magd-drive nasa tabi naman niya si stephanie. Si Sky naman katabi si kambal nasa likod sila. Nagtataka ba kayo kung nasaan kami nasa loob kami ng van sampo kaming nandito si Kazeo at ang jowa nitong si Selene ,si Azure at Hansel. Papunta kami ngayon sa resort nila Sky.

Napansin ko naman na kanina pa nakatingin si Theo sa rearview mirror specifically sa pwesto ni Sky at ni kambal. I think may nag-jejelly fish hahahaha. Callisto is not my brother or twin tinatawag ko lang siyang kambal kasi magkatunog mga pangalan namin.

Napatingin naman ako kay Sky at Calli nakasandal yung ulo ni Sky sa balikat ni Calli tapos si Calli nakapatong ang ulo sa ulo ni Sky tulog sila pareho naol sweet. Bumalik naman ang tingin ko sa aming poging driver na ang sama ng mukha ngayon hahaha. Huwag kasi tumingin sa likod para hindi ka mabadtrip. Kinakausap naman siya ni Stephanie kaso ang ikli ng sagot haha. I'm enjoying this scene parang movie lang. Theo Adhexio ang campus hottie pogi siya mabait at friendly kaya madaming nagkakagusto sa kanya except me, Cass and Sky. Si Sky ang laki ng galit kay Theo ewan ko nalang kung bakit.

"Waaaaaaah!" sigaw ko nang biglang mag preno si Theo.

"Ouchh/Aray!" narinig kong daing ni Sky mula sa likod nagising pala siya. Tangek sino ba namang hindi magigising sa ganun.

"Hoy Malanding unggoy may balak ka bang patayin kami ha!" oh boy galit na si langit.

"Sorry may dumaan na aso." Pffffft pinigilan ko nalang tawa ko kanina pa ako gising at wala naman akong aso na nakita. Palusot pa ba't di nalang sabihin na nag-jejelly fish siya.

"Wala naman akong nakita na aso." sabat naman ni Stephanie

"Paano mo makikita sa'kin ka naman nakatingin." masungit nitong sabi.

"Hahahahahh!" tuluyan na nga po akong natawa

"Okay ka lang ba Sky?" rinig kong tanong ni kambal

"Okay lang ako, hayop na unggoy yan kapag ako nag ka bukol r-regaluhan ko yan ng sampung bukol." inis na turan nito ramdam ko naman ang masamang tingin niya kay Theo.

"He already said naman na may aso na dumaan why so galit?"ma-arteng sabi ni Stephanie.

"Why so maarte your not even part of the conversation so better shut your mouth or tatahiin ko yan epal ka masyado." magbiro ka na sa lasing wag lang sa nabagok bago na gising.

"Duh, I'm just saying lang naman wag mo blame si Theo it's not his mali!" imbis na matakot ako sa atmosphere natatawa lang ako pag nagsasalita si Stephanie.

"Unggoy patahimikin mo yang tuko mo baka masipa ko palabas ng van yan." pfffft ganda talaga mag-bigay ng palayaw ni Sky hahahha

"Pffffttt!" Pigil naming tawa

"O-okay!" natatawang sabi ni theo.

"Hahahahah!" si Azure po yan hindi na ata niya nakayanan.

"Sorry guys kapag hindi ko pa itinawa baka mautot ako." Natatawa pa rin nitong sabi.

"Itawa niyo ba baka mautot pa kayo." sabi naman ni Kazeo

"Hahahahah!" tuluyan na po kaming natawa habang si Stephanie naman ay naiinis.

"Malayo pa ba tayo?"tanong ni Hansel

"Kunti na lang makakarating na tayo," sabi naman ni Theo

"Theo paano mo nalaman ang daan papunta sa resort wala naman kaming sinabi sayo?" naramdaman ko namang nagulat siya sa tanong ko.

"Gps, I give him the address and he use gps." sabi naman ni Sky.

"Ah hehe kaya pala," naka-gps naman pala. By that natahimik na naman ang van kinuha ko nalang phone ko. Magselfie sana ako ng makita ko ang app ng killer game. Naalala ko na naman mga kaklase namin na namatay simula ng sumali kami sa larong toh.

Maraming tanong sa isip ko ang pagkamatay ng lima ay masyadong brutal prang hindi tao ang gumawa. Natatakot ako sa possibleng mangyari ganun din ba mangyayari sa akin? Mamatay ba ako sa ganun paraan? Matutulad din ba ako kila Yna, Lance, Sheena, Khaleed at Shane?

"Huwag kang masyadong mag isip baka malunod ka," napatingin naman ako kay Cass tama siya pero hindi ko maiwasan

"Hindi ka mamatay Callie wala sating tatlo ang mawawala sisiguraduhin kong tayo ang mananalo at hindi ang killer," sabi nito sa'kin. Sa aming tatlo si Cass ang pinakapalaban. Marunong din siyang makipaglaban kaming tatlo to be exact sadyang mas matapang lang si Cass.

"Salamat!" yun nalang nasabi ko tama siya dapat manalo kami at mahuli namin ang killer if totoong nakakonekta sa game ang mga nangyayari ibig sabihin need lang naming hulihin ang killer. Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Theo.

"Nandito na tayo," sabi nito napatingin naman ako sa labas nakarating na pala kami hindi ko man lang namalayan.

Bumaba na kami sa van nag-unat naman ako sheeesh nakakapagod din pala ang nakaupo. Nakita ko naman ang iba naming kaklase na tuwang tuwa.

Someone's Pov

Hahayaan ko muna mag saya kayo classmate. Pagbalik ng school papatikim ko ulit sa inyo ang impyerno. Hindi pa ako nagsisimula warning palang yung limang yun hahaha. Napatingin ako sa kaklase ko na masayang nag lalaro sa pool. Parang gusto kong gawing kulay pula ang pool na toh. Wag na pala restday muna ngayon. Hahayaan ko munang sulitin niyo mga natitirang araw niyo sa mundo hahahhaha.

"Mukhang masaya ka ah!" napatingin naman ako sa kanya

"Bakit ikaw ba hindi?" tanong ko sa kanya

"Masaya naman!" kibit balikat nitong sabi.

"Bakit mo pala sinabay yung dalawa dapat isa-isa lang?" tanong ko dito nasa plano namin na isang tao lang sa isang araw pinatay ko na yung Yna tapos siya pinatay yung dalawa sa parehong araw

"They deserve it kakamatay lang ng jowa niya and him having sex with her girlfriends bestfriend,  Cheaters deserve to die." seryoso nitong sabi.

"Baka yun yung way nila ng pagluluksa." Natatawa kong sabi.

"Tsk. I dont care," sabi nito at tumingin sa baba sinundan ko naman yung tinitignan niya ohhhh.

"You like her?" tanong ko sa kanya

"Shut up!" inis nitong sabi

"Should I kill her?" tinignan naman ako nito ng masama.

"Okay fine! I won't kill her but, I can't promise that I wont hurt her hahaha!" sabi ko tinapik ko naman ang balikat niya bago umalis. Napailing nalang ako huwag lang siyang maging hadlang sa plano ko. Kapag ako trinaydor niya hindi ako mag dadalawang isip na patayin siya.

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now