Chapter : 21

30 6 0
                                    

Third Person's Pov

"I think, oras na para makilala nila ako." Napatingin ito kay Suzy.

"Humanda ka Suzy dahil nakahanda na ang kamatayan mo syempre sa'yo ko ipaparanas ang pinakamalupit na kamatayan," mahina nitong turan  habang nakatingin kay Suzy na may galit sa mga mata. Wala kang ibang makikita sa mukha niya kung hindi galit.

"Lalo kana Sky inagaw mo sa akin si Theo," inggit at galit ang makikita mo sa mukha ng babae habang nakatingin sa dalawang tao.

"Ilagay na sila sa mga kwarto nila," utos niya sa mga tauhan niya. Pinatulog muna nila ang mg ito bago dalhin sa mga silid kung saan sila nakatakdang mamat*y. Ilang oras din bago nagising ang mga players nasa loob sila ng kwarto.

"Buti naman at gising na sila," nakangisi nitong turan.

"Sorry Dear classmate but, I won the game. Ang bubo niyo lang at hindi niyo yun napansin now shall I start the real fun?" Tinanggal niya ang maskara at tuluyang na reveal sa lahat kung sino siya. Laking gulat naman nila Sky at Calliope dahil sa nalaman

"C-cassiana?" mahinang sambit ng dalawa at hindi makapaniwala sa nalaman nila.

"Oh hi dear bestfriend ayus ba ng kwarto niyo?" Nakangiti nitong tanong naglakad ito papunta sa kwarto kung saan naroon si Sky.

"C-cass b-bakit?" Inikutan lang siya ng mata ni Cass.

"Oh, dont be so dramatic Sky! Simula palang binalaan na kita. I told you to stay away from Theo. Pero ano ginawa mo jinowa mo pa mang aagaw ka." Sinabunutan naman nito si Sky na walang kalaban laban dahil sa nakatali ang mga kamay nito.

"Hindi ko siya inagaw sayo! Hindi ka lang niya gusto at ikaw naman baliw na baliw sa kanya kahit ayaw niya sayo!" Dahil sa sinabi ni Sky ay lalong nagalit si Cass. Kumuha ito ng isang kutsilyo.

"Tapang mo ah!" nakangiti nitong turan, "tignan natin kung hanggang saan yang katapangan mo," dagdag pa nito.

Lumapit ito sa babae at hinawakan ang buhok at tinutok ang kutsilyo sa mata ni Sky.

"Hi Theo tignan mo ang gagawin ko sa babaeng mahal mo," nakangiti nitong sabi habng nakatingin naman sa camera. Napatingin naman si Theo sa screen na nasa harap niya. Nakita niya kung paano hiwain ni Cass ang braso ni Sky na nag pa sigaw sa dalaga dahil sa sakit

"Ahhhhhhhh t-tama na!"  tinawanan lang siya ni Cass at hiniwaan ulit ang braso niya "ahhhhhh!" maririnig mo daing ng isang tao sa loob ng building na iyon napatingin naman si Callisto sa monitor kung saan nakikita niya ginagawa ni Cass sa kaibigan niya. Napaisip siya kung tama ba ginagawa niyang pagtulong kay Cass.

Si Theo naman ay sinusubukang makalas ang nakatali sa kanya wala pa ring tigil ang pagpapahirap ni Cass kay Sky. Isang oras na pagpapahirap ginawa ni Cass tuluyang nawalan ng malay si Sky dahil na din sa pagod. Nakahiga ito sa sahig at maraming sugat sa braso.

"Ang weak mo naman!" walang emosyon nitong turan sinipa niga ang katawan ni Sky bago ito lumabas ng silid. Nakangiti naman si Cass habang papunta sa kwarto kung saan nandoon si Calliope.

"Hi Calliope," ngumiti ito ng napakatamis.

"C-cass?!"

"Alam mo bang naiinis ako sayo dahil sinusupport mo si Theo at Sky, sabagay favorite mo siya," kumuha ito ng base ball bat biglang pinalo sa binti ni Calliope na pa daing naman ang babae.

"T-tama na Cass," pagmamakaawa ni Calliope namimilipit ito sa sakit.

"Noong ko ba nag makaawa may nakinig ba paulit ulit kong sinabing tama na pero pra silang bingi walang naririnig," patuloy ito sa pag palo sa kaibigan na wala ng malay.

"Humihinga ka pa haha tibay mo din," nakangiting turan nito bago sinipa si Callie at lumabas na ito sa kwarto.

"Start the fire," utos nito at my pinindot naman ang tauhan niya na button at biglang nagbukas ang kwarto ng dalawang tao pareho silang nakalagay sa iisang hawla.

"Kaz!" tawag ni Serene sa nobyo nito

"Huwag kang matakot nandito lang ako," naparoll eyes naman si Cass sa nakita niya

"Aww sweet niyo naman may naisip ako baka kasi sabihin niyo na ang sama ko sabay ko nalang kayong papatayin hhahahahahaha," malademonyo nitong tawa gumalaw bigla ang hawla biglang may bumuhos na likido kay Kaz isa itong gasolina patuloy pa rin sa pag andar ang hawla. Tumigil ito sa tapat ng isang apoy malakas ang apoy na nagmumula sa baba. Habang ang nobya naman nitong si Serene ay nakatapat sa tubig at hindi lang ito basta tubig dahil sa tubig na ito ay may maliliit na isda kung tawagin ay piranha.

"Handa na ba kayo?"

"I love you Serene," nakangiting sabi ni Kaz habang nakatingin sa nobya na umiiyak kung pwede lang sanang mailigtas ang nobya ay gagawin niya ngunit pareho silang nakakulong at ngayon nasa taas siya ng nagbabagang apoy.

"I love you too Kaz let's meet on our next life," umiiyak na turan ni Serene. Dahil alam niyang ito na ang katapusan nilang dalawa

"Ang drama niyo naman oh siya bye," pagkatapos sabihin yun ay sabay na nahulog ang hawla maririnig mo ang daing ng taong natutupok ng apoy mabilis kumalat ang apoy sa katawan ni Kaz dahil na rin sa gasolina na binuhos sa kanya

"Ahhhhhhhh!" patuloy nitong sigaw dulot ng sakit at hapdi dulot ng apoy hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng buhay.

"Hmmmm!" si Serene naman ay pinagtulungan ng piranha hindi siya makagalaw dahil sa nahihirapan din siyang huminga at dulot din ng pagkagat sa kanya ng mga piranha ilang minuto din ang lumipas bago ito tuluyang nawalan ng buhay. Dahil sa kakulangan ng hangin at dahil sa kagat ng mga isda sa kanya tuluyan na siyang naging buto naubos ang kanyang laman loob at balat dahil pinag pyestahan ng mga piranha naiwan na lamang ay ang kanyang buto.

Napangiti naman si Cass sa nakita hindi makikitaan ng pagsisi  sa kanyang mukha. Ang mga natitirang buhay naman ay hindi maiwasan ang takot dahil sa mga nakita nila. Sina
Hansell, Azure, Theo, Suzy, Zem, Ian, Moon, hindi nila maiwasan ang makaramdam ng kilabot sa mga nakita nila. Samantalang si Sky at Calliope ay wala pa ring malay.

Nasisiyahan naman si Cassiana sa kanyang nakikita mula sa expression ng mga kaklase niya.

"Ganyan nga matakot kayo hindi pa ako tapos," nakangiting demonyo nitong turan.

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now