Chapter : 15

48 9 3
                                    

Sky's Pov

Kahapon lang nalaman namin na namatay si Stephanie hindi ko na alam ang gagawin natatakot din naman ako.

"Hey, why are you still awake?" tanong ni Theo sa'kin

"I can't sleep," naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko.

"Ikaw bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya

"Hindi rin ako makatulog,"

"Ah inisip mo siguro yung jowa mo kakamatay lang kahapon,"

"Hindi ko siya girlfriend," pagtanggi nito

"Ano lang kalandian?" why do I sounds like a jealous girlfriend

"None of the above," sagot nito parang timang din to no wala naman akong choices na sinabi.

"Okay, sabi mo eh!" naging tahimik naman ang paligid ang maririnig nalang ay tunog ng kulisap.

"Matutulog na ako goodnight," sabi ko at tumayo

"Sige alis na rin ako," sabi niya at naglakad na palabas ng kwarto ko katulad ng dati ganyan mo din ako talikuran noon.

"I'm sorry Sky mas mahal ko siya," tuluyang nagsibagsakan ang mga luha ko

"A-ano? Paano ako iiwan mo nalang ako ng ganun ganun lang?"

"Im sorry!" sabi niya bago sya tumalikod at naglakad palayo nabalik naman ako sa huwisyo ko.

Bakit pa ba kasi bumabalik masamang alaala.

"I'm sorry," rinig kong sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Sorry for what?" may idea ako bakit siya nag s-sorry pero ayoko mag-assume.

"Sa lahat."

"Okay lang alam ko namang mahal mo siya," may halong pait kong sabi tatanggalin ko na sana ang pagkayakap niya sakin.

"Wag, let's stay like this for a while i miss doing this to you," hinayaan ko nalang siya kahit ako ay na miss ko siya.

"Tulog na tayo?" Inaantok na din ako umiling naman siya bilang pagtutol.

"Kailangan nating matulog bukas may byahe tayo diba?" umiiling pa rin ito.

"Ayaw mo matulog?" tanong ko ulit gaya kanina umiling lang din ito haysss gagamitin ko na bawal na tiknik.

"Kahit sabihin kong tabi tayo matulog?" bigla naman itong bumitaw sa pagkakayakap sakin at pumunta sa kama ko. Natatawa naman akong nakatingin sa kanya.

"Ang bagal mo halika na matulog na tayo," Sabi nito at tinapik ang kama naglakad na ako papunta sa kama at nilagyan ko ng unan yung pagitan namin tsaka humiga. Kaso ang loko-loko inalis yung mga unan at hinila ako palapit sa kanya inunan niya yung braso niya sa ulo habang yung kaliwang kamay niya nasa bewang hinila pa ako palapit. Napatingala naman ako sa kanya kahit nakahiga mas matangkad pa rin siya

"Ginagawa mo?"

"Mas okay na to matulog ka na," siniksik ko na lang sarili ko sa dibdib grabe ang bango niya. Bigla akong inantok naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko bago ako tuluyan nilamon ng antok.

Theo's Pov

Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Mahimbing itong natutulog habang nakayakap sa'kin tapos yung paa nakadantay sa akin kyut kinuha ko phone ko at pinicturan siya. Tinanggal ko muna yung flash bago ko siya picturan.

"I Love You," kahit alam kong hindi mo naman maririnig sinasabi napatingin ako sa babaeng nagpapatibok ng puso ko. Mula noon hanggang ngayon kaso ang tanga ko para saktan siya pinagsisihan ko ang bagay na yun. Niyakap ko pa siya ng mahigpit

"Hmmm," dinilat naman niya mga mata niya

"Bakit hindi ka pa natutulog?" inaantok nitong tanong.

"Matutulog pa lang," sagot ko dito hindi naman na ito nagsalita nilagay naman niya kamay niya sa ulo ko at nagsimula siyang himasin buhok ko. Dahil sa ginawa niya ay nararamdaman ko nalang ang antok. Bago ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa siyang nagsalita.

"Goodnight, sleepwell," mahinang sambit nito at hinalikan ang noo ko. Natulog akong may ngiti sa labi.

Nandito na kami sa school ngayon ang araw ng school trip namin.

"Excited na ako pero kinakabahan din," nakangiting sabi ni Callie makikita mo din sa mata niya ang excitement.

"Tumae ka muna baka matae ka mamaya sa kaba," pang-aasar ni Cass dito.

"Hmmp," inirapan lang nito si Cass natawa nalang ako sa kanila

"Sky tabi tayo ah," masayang turan nito at kinawit na sa braso ko kamay niya

"She will seat beside me," Napalingon naman kami sa pinanggalingan ng boses ang epal na si Theo Adhexio.

"Ay! Ang higpit ng Kuya Theo mo," pagpaparinig ni Callie napansin ko naman pagsimangot ni Cass.

"Ang cheesy niyo naman," sabi nito at iniwan kami.

"Hayaan niyo na yun," sabi naman ni Callie at hinila na kami papunta sa bus. Napatingin ako sa loob ng bus puro section A lang ang nandito walang ibang section na sumali baka daw madamay sila sa sumpa ng section namin.

Simula kasi ng mangyari yung pagpatay sa mga studyante ng section A wala ng nangahas na lumapit sa amin. Umupo naman ako sa malapit sa bintana mas gusto ko dito mukha malayo yung byahe baka masuka ako.
Umupo naman si Theo sa tabi ko kahit kailan talaga epal niya "Theo Epal Adhexio" dapat ganyan pangalan niya.

Ilang minuto pa lumipas ay naramdaman ko na ang pag-andar ng bus. Kinuha ko naman headset at pati na ang phone ko syempre saan ko isasaksak ang earphone sa ilong ni Theo pfffft

"What are you thinking?" napalingon naman ako sa kanya

"You," maikli kong sagot totoo naman na naisip ko siya, hahahha!

"Then that's good to know," nagkibit balikat nalang ako at hindi na siya pinansin

Ilang oras na din kaming nas byahe ng may maamoy ako'y kakaiba sa hangin. Parang gas Omg gas napansin ko naman yung usok kumakalat sa bus.

"Manong tigil!" sigaw ko tumigil naman si Manong napa-ubo kaming lahat dahil sa bilis kumalat ng usok at ayaw pa mabukasan ang mga binta at ang pinto.

Hinawakan naman ni Theo ang kamay ko  katulad ko ay umubo na din. Shit! Ang hirap huminga isa-isang nagsisibagsakan ang mga kaklase ko ganun din si Callie at Cass. Ako din kunti na lang mawawalan na ng malay bumagsak ako sa sahig ng bus ganun din si Theo. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may lalaking pumasok at binaril si Manong hindi ko alam kung sino at ano kailangan nila. Baka konektado pa rin to sa game and everything went black.

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now