Chapter : 12

48 9 3
                                    

Sky's Pov

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang puting liwanag nakakasilaw ito naba ang daan papunta sa kabilang buhay. Joke lang buhay pa ako ilaw pala yan dito sa kwarto nakakaloka.

"Sky?" nanlalaking mata nitong sabi mukha siyang tarsier. Kung sabagay malaki naman talaga mata niya

"Tita gising na po si Sky," masaya nitong sabi at nag-silapitan naman sila sa akin. Tangna teh  sakit nila sa tenga

"Anak ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-a-alalang tanong ni mama

"O-okay lang ma," sumasakit ulo ko kaso magtatanong lang yan kaya wag nalang masama ba akong anak well can't blame me di naman nila ako trinato ng maayos. hahahaha!

Pumasok naman yung doctor at kung anu-ano sinabi hindi naman ako interesado. Isa pa kanina pa ako nauuhaw.

"Naalala mo ba nangyari sayo?" tanong nito bat ang pogi mo Doc confined mo na ako dito forever hehe.

"Ahem!" nabalik naman ako sa huwisyo ko. Ayan landi pa Sky

"Umakyat ako ng bato hanggang doon lang naalala ko pag-gising ko nandito na ako."  yun lang talaga naalala ko pero parang may kulang ayoko mag isip naka-kastress. Tumango naman si Doc omg pati pag tango ampogi sky niyo lumalandi hehe. Lumabas naman siya kasunod magulang ko.

Manghihingi na sana ako ng tubig kay Cass ng bumukas ang pinto iniluwa si Callie kasunod nito ay si Theo.

"Skyyy na aalala mo pa ako?" napataas naman ako ng kilay dahil sa tanong niya.

"Sky ako toh si Callie remember me?" Pinagsasabi nito naka-hithit bato ng baygon napatingin naman ako kay Cass.  Hayss! Mukhang alam ko na masabayan nga.

"Pasensiya na miss pero hindi kita kilala!" tinignan ko siya na para bang sinusuri buong lamang loob niya.

"Oh my gosh tita this is emergency  hindi niya kilala ang napakaganda niyang kaibigan!" tangina pinagsasabi nito. Pffftt!

"Talaga maganda saang banda?" pang-aasar naman ni Cass.

"Omg! Shut up! Palibhasa panget ka eh, Sky ako to si calliope," pagpapakilala niya

"Kapote?"

"Pfffft!" pagpipigil ni Cass ng tawa niya mautot ka sana.

"Bakit kaba tumatawa Cass wala na nga maalala kaibigan natin?" inis nitong turan paano ba niya naiisip na wala akong alaala.

"Tubig!" nauuhaw na ako eh kanina pa umalis naman si Callie at pumunta ng banyo naiihi ata binigyan naman ako ni Cass ng tubig

—Splasssssssh—

"Tangna Calliope!" Inis kong sigaw gago ba siya

"Sabi mo kasi tubig!" minsan tanga din to eh minsan nakakabwisit din katangahan nito.

"Sky siya si Theo jowa mo siya dati." napatingin naman ako kay mama paktay

"Kapatid ko si Theo," walang emosyon kong turan.

"Huh malala ba pagkabagok ng ulo mo?"

"Kapatid ko siya anak siya ng step dad ko." natigilan naman silang dalawa

"Ah eh totoo ba yun tita?" nahihiyang tanong nito kay mama

"Oo iha magkapatid sila papa ni Theo ang asawa ko ngayon na step dad ni Sky." pagpapaliwanag naman ni mama

"Tsk!!" yan nalang na sabi ng so called brother ko.

"Tsaka hindi ako nagka-amnesia di ko lang maalala ang nangyari kaya yung sinabi mong magandang kaibigan ko wala ako nun!" seryoso kong sabi.

"Ouch ha! Nakakasakit ka ng damdamin baby girl." sabi nito at napahawak pa sa dibdib

"Ba't ka nakahawak sa dibdib mo wala ka naman nun!" pang-aasar ko sa kanya

"Grabe ka na ah! naaksidente ka lang gumaganyan ka na!" sabi nito at inirapan ako

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at naisip mong may amnesia ako?" napatingin naman siya kay Cass sabi na eh

"Sabi ni Cass sa text she can't remember!" maarte nitong sabi.

"She can't remember what happen tumungtong ng bato yun ibig kong sabihin,"  paliwanag naman ni cass

"Hindi yun yung nasa text!" inis nitong turan madalas talaga hindi magkasundo ang dalawa.

"Nga pala Sky wala na si Callisto."

"What?" did i hear it right Cal is dead?

"Callisto is dead may nakakita sa kanya na hinahabol ng isang tao tapos tumalon daw si Calli sa tulay." malungkot nitong turan habang wala pala akong malay isa sa kaibigan ko na ang nawala.

"Pero bago yun kwento niyo nga muna bakit naging kayo ni Theo half-half pala kayo?" natahimik naman ang paligid buti nalang umalis si mama pa remind ako mamaya na tahiin bibig ni Callie.

"Antok ako matutulog muna ako." Ani ko at nagkunwaring humihikab

"Ah talaga matutulog kang basa?" damn! Sinabuyan nga pala akong nabaliw na babae ng tubig.

"Tumayo ka muna diyan at papalitan beddings mo!" hala andito pa pala toh gagi di ko napansin ang aking so-called-step-brother tatayo na sana ako ng lumapit ito at inalalayan ako ambango niya. Huhuuhuhu!  Maghunos dili ka Sky kapatid mo yan. Kapatid mo yan huminga ng malalim wag humarot. Bigla namang pumasok ko yung eksena namin sa beach. Tangina nag make out lang naman kami ng kapatid the fuck tanginang alak yan. Infairness masarap labi niya.

Shems! Ano ba tong naiiisip ko my gosh pinagnanasaan ko pa kapatid ko kaloka lasing lang ako nun oom lasing lang ako. Pinikit ko mga mata ko tas huminga ng malalim pero shemay nakikita ko sa isipan ko yung kissing scene namin.

"Sky ayus ka lang ba?"nag-alalang tanong ni Callie

"Oo naman bakit?"triny ko ayusin boses ko

"Namumula ka kasi," mas lalo akong namula sa sinabi niya omg ka self 

"Dito nalang po ako kuya!" sabi ko sa kanya awkward talaga

"Kuya amputa!" bulong niya na tama lang sa pandinig ko

"Ang bait naman pala ng Kuya Theo mo Sky," nakangising sabi ni Callie putik na ngisi yan. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ayun nanahimik din ang bruha.

"Kukuha lang muna kami ng bagong beddings mo samahan mo ako Callie!" sabi ni Cass at hinila si Callie palabas damn naiwan pa ako sa bakulaw na toh.

"Magbibihis lang ako," sabi ko isasara ko na sana ang pinto ng banyo ng pigilan niya ito tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Tutulungan na kita," nanlaki naman mga mata ko sa sinabi niya.

"Siraulo ka ba? Magbibihis nga po ako KUYA!" pinagdiinan ko pa yung salitang kuya

"Tsk, tutulungan nga kita!" pag pipilit nito

"Gusto mo lang mambuso eh!" inis kong turan.

"Paanong mambuso nakita ko na yan nahawakan na pisil na dinilaan....." agad  ko namang tinakpan bibig niya napakabastos ng bibig eh. Natanggal ko naman kamay ko ng dilaan niya ito.

"Shit ang manyak mo sumbong kita kay Papa Kuya!" pananakot ko sa kanya niyakap naman niya ako at hinalikan ang ulo ko.

"I dont fucking care, una tayong nagmahalan bago sila nagkakilala bakit kailangan nating mag adjust para sa kanila." tama siya pero may kasalanan din siya.

"May kasalanan ka din naman you choose her over me so stop acting like you love me. Ginamit mo lang naman akong panakip butas Theo parang basura tinapon mo ako nung bumalik siya!" sabi ko at tinulak siya nabitawan naman niya ako agad kong sinira ang pinto ng banyo.

Damn this tears, akala ko okay na ako hindi pa pala.

Killer Game (Complete)Where stories live. Discover now