Cassiana's Pov
Nasa ospital kami ngayon naka-confine si Sky. Nagulat nalang kami ng makita namin si Theo nabuhat-buhat ang walang malay na kaibigan ko tapos may sugat pa sa ulo. Nag-decide nalang kaming pauwiin mga kaklase namin mahirap din kasi pag iniwan namin sila doon baka kung ano pa mangyari.
"Sorry guys hindi ko siya agad napuntahan," kanina pa sinasabi ni Theo yan.
"Hindi mo naman kasalanan mabuti nga andun ka eh naligtas mo pa rin siya," sabi naman ni Callie
"Callie is right Theo kung wala ka dun baka inanod na katawan niya mabuti nalang at nakita mo siya." pagpapagaan ko sa kanyang nararamdaman.
"Grabe na talaga yung mga nangyayari ngayon nakakatakot na mag-isa." sabi naman ni Callie may point siya diyan parang lahat ng galaw namin alam ng killer. Pero sino nga ba ang killer? Ano ang dahilan niya para pumatay? Sigurado ako isa sa mga kaklase ko ang killer pero sino?
"Cass ang lalim ah baka malunod ka." di ko maiwasang mapa-buntong hininga hangang ngayon wala pa rin ako ideya kong sino ang pumapatay. Pero sigurado ko na konektado ang laro sa mga nangyayari ngayon.
"Kailangan nating bantayan si Sky kung totoo hinala natin na inatake siya ng killer maaring siya ang maging target nito sigurado akong babalikan siya." kung tama ang hinala ko kasi yung sugat niya sa ulo ay dulot ng paghampas yun ang sabi ng doctor pero pinagbawalan ko siyang sabihin sa iba. Mahirap na hindi namin alam kung sino ang pagkakatiwalaan sa mga oras na ito. Isa pa maaring targetin ng killer ang isa sa amin lalo na yung may mga role sa game.
"Paano mo nasabi Cass?"tanong ni Callie
"Kung lang naman kailangan pa din nating mag ingat!" umango naman silang dalawa si Theo at Callie mamaya dadating din magulang niya para magbantay.
"Tanong ko lang Theo may something ba kayo ni Sky?"napatingin naman ako kay Theo nice Callie gusto ko ring itanong yan
"Wala paano mo naman nasabi?"sagot naman nito
"Ay akala ko meron magkakilala ba kayo noon?" tanong nito ulit
"Ang laki kasi ng galit sayo parang kinakamuhian ka mula ulo hanggat dulo ng kuko!" natawa naman kami sa sinabi niya totoo nga naman halos araw-araw kaaway ng babaeng toh si Theo
"Magkaibigan kami dati magkababata to be exact kaso i broke my promise kaya galit na galit sa'kin." kaya naman pala parang kinakamuhian ni bruha si Theo hahahah
"Ganun pala yun pero friend lang ba talaga?"marites talaga tong si Callie
"It's for me to know for you to find out." mukhang may mas malalim pa na reason ah malalaman ko din yan soon. Hahahha!
"Balik na naman tayo sa pag iisip kung sino ba talaga pumapatay," nakapangalumbabang sabi ni Callie.
"I think, related yun sa laro dun lang naman nagsimula lahat." dagdag pa nito
"Paulit-ulit Callie sinabi na nila Sky at Theo yan nung friday." nag peace sign naman siya halatang di marunong makinig kahit kailan talaga itong babaeng toh.
Callisto's Pov
Lakad, takbo, lakad, takbo yan ang ginagawa ko. May sumusunod sa akin sigurado ako. Kapag binibilisan ko ang lakad ko bumibilis din ang lakad niya. Napatingin naman ako sa cellphone ko bg tumunog ito.
"You're Dead!" hindi ako makapaniwala paglingon ko sa gilid ko naramdaman ko nalang ang pagtusok ng isang bagay sa katawan ko at ang pag agos ng dugo. Tinulak ko ang lalaking nakamaskara habang hawak ang tiyan. Tumakbo ako hindi ko alam kung saan ako tutungo basta nais ko lang. Makalayo mula sa lalaking yun ngunit sadyang ito na ata ang aking katapusan.
Wala na akong iba pang matatakbuhan dead end kung baga.
So dito na nga magtatapos ang buhay ko kung alam ko lang ginawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin. Mga salitang gusto kong sabihin. Tumayo ako sa gilid ng tulay mas gugustuhin ko pang tumalon at mamatay na isang tao kesa matulad sa mga kaklase kong ginawang hayop.Napapikit nalang ako habang dinadama ang hampas ng hangin. Kusa namang pumapasok sa isipan ko mga alaala ko at lalo na ang maamo niyang mukha. Napadilat naman ako gusto ko pang mabuhay gusto ko pa siyang makasama.
"Any last wish?" malademonyo nitong tanong. Napalingon naman ako sa kanya naka maskara siya at nakasuot ng raincoat na may bahid ng dugo baka nga sa kaklase ko pa ang iba diyan.
Tumalon na ako bago pa siya makalapit sa'kin naramdaman ko nalang ang lamig ng tubig. Habang unti-unti akong lumulubog at nawawalan ng hininga. Muli kong nakita ang kanyang nakangiting mukha. Masaya akong makilala ka sa buhay na ito at sana sa susunod nating buhay ay makilala kita ulit. Tuluyan ko ng pinikit ang aking mga mata nagpakawala naman ako ng ngiti. Bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman ito na ang aking hantungan. Patawad kong ako'y lilisan
Someone's Pov
Nakaupo ako ngayon sa aking sofa
Ninanamnam ang init at sarap ng kape. Napangiti naman ako dahil sa nangyari kanina."Ikaw ba may gawa nun kay Sky?" tanong ng taong kanina ko pa hinihintay
"Magandang umaga din sayo," nakangiti kong bati sa kanya
"Sagutin mo ang tanong ko ikaw ba?"naiinis nitong sabi hayss ang init ng ulo niya
"Kalma magkape ka muna masyado kang hot," sabi ko at humigop ulit ng kape. Ahhh! Sarap talaga magkape.
"Sabi ko sayo wag mong galawin kaibigan ko diba?"hindi pa pala tapos toh.
"It's her fault tho. Kung hindi siya pumunta sa spot ko hindi ko siya masasaktan besides nakita niya mukha ko at yung gamit ko," nanahimik lang naman ako sa batuhan na yun habang hawak ang kagamitan ko.
—Flashback—
"Bakit ka may ganyan?" Tanong niya sa'kin
"Nakita ko lang toh sa gilid." palusot ko shit naman kasi ang tanga ko hindi ko napansin na papunta pala siya
"Ikaw ba ang killer?" tanong niya ulit sa akin no sense na rin naman kung ededeny ko ito na rin naman katapusan niya.
"Oo congrats you found me but to bad you're dead." napaatras naman siya kaso malas niya lang at wala siyang matatakbuhan. Kinuha ko yung hawak kong kahoy at pinalo sa kanya. Nadulas siya at nahulog tutuluyan ko na sana kaso dumating si Theo. Mukhang napuruhan naman siya kaya okay na yun.
—end of flashback—
"Buhay pa naman siya kapag naalala niya ako katapusan na niya, Pero pag hindi naman ligtas siya!" sabi ko naman at nginitian siya pero mukhang hindi na yun mabubuhay napangiti nalang ako sa naisip ko.
YOU ARE READING
Killer Game (Complete)
Mystery / ThrillerA game that supposed to be fun turn's into bloody one Date Started : March 13 2023 Date Ended : June 13 2023