Prologue

55.5K 890 121
                                    

Kinakabahan ako at pilit pinapakalma ang aking sarili sa sobrang kabang nararamdaman ko. Nakatayo ako sa naka sarang pinto ng ceo ng kompanyang ina-applayan ko.

Gusto kong subukan ang kompanyang 'to kahit pa nga alam kung wala akong pag-asa.

Nakita ko kasi ang post sa social media na hiring ang Salazar Corp kaya nagbakasakali akong mag apply dahil kailangan na kailangan ko ng trabaho.

Madami din akong kasabayan na halatang mas magaling pa sa 'kin kaya mas lalo akong kinakabahan. Baka kasi hindi ako matanggap. Lakas ng loob lang talaga ang baon ko at dasal na sana mapili ako.

Pinagdarasal ko nalang na sana babae ang mag iinterview sa 'kin. Hindi ko kaya ang presensya ng lalaki kung kami lang dalawa sa isang kwarto.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses sa pinto. Nang wala akong marinig na sagot ay pinihit ko nalang ang siradura ng pinto dahil naalala ko ang sinabi sa 'kin ng babae kanina na nag assist sa 'kin. Kumatok lang daw ako ng tatlong beses saka ako pumasok kahit hindi daw sumagot ang nasa loob.

Kinakabahan akong pumasok habang nakayuko saka dahan-dahan kong isinara ang pinto. Nag-angat ako ng tingin at agad natigilan ng makita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa gilid ng office table niya.

Nakaharap siya habang nakatitig sa 'kin habang may hawak 'tong folder. Agad akong nag iwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.

Gusto ko sana siyang tignan ulit kaso natatakot ako.

Ayaw ko na! Gusto ko ng mag back out. Akala ko babae ang may-ari ng companyang 'to.

Tumalikod ako sa lalaki at akmang pipihitin na sana ang siradura ng pinto nang magsalita siya.

"Where are you going Ms. Hope Louise Vergara?" Tanong niya sa baritonong boses.

Natigilan ako at napalunok ng ilang beses dahil boses palang niya ay nangi-nginig na ang kalamnan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa gawi niya at nakita kong nakakunot ang nuo niya habang nakatitig sa 'kin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at pilit pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng pag kagat ng kuko sa hintuturo ko. Ganito ako kapag hindi ako komportable sa paligid ko.

"Are you okay?" Tanong niya sa 'kin kaya napalingon ako sa gawi niya. Laking gulat ko ng paglingon ko ay nasa harap ko na pala siya dahilan para mapa-atras ako.

"Sorry po sir. Hindi na po ako t-tutuloy sa pag a-apply." Nauutal kong sabi saka tumalikod sakanya para sana makalabas ng opisina niya. Wala na akong pakialam kung para akong tanga sa harap ng gwapong lalaking 'to. Ang mahalaga nalang sa 'kin ay makalabas ako dahil kunting-kunti nalang ay maiiyak na ako sa takot.

Naiinis narin ako sa sarili ko. Hindi ko talaga malabanan ang takot ko. Masyado akong na trauma sa nangyari sa 'kin na siyang nagdala ng takot sa buong buhay ko.

"Why?" Tanong niya kaya napatigil ako sa paghakbang.

"Hindi po ako komportable, sir. Natatakot po ako kapag may kasama akong lalaki lalo na kung kami lang dalawa sa kwarto. Kaya pasensya na po sir kung ganito ang behavior ko. Natatakot lang po talaga ako." Pagsasabi ko ng totoo sakanya.

"Takot ka sa lalaki?" Balik tanong niya sa 'kin.

Tumango ako kahit nakatalikod ako sa gawi niya. "Sige po, sir. Lalabas na po ako. Pasensya na po ulit." Sabi ko sa mahinang boses.

"Wait," pagpipigil niya sa 'kin.

"Ahm.. don't worry. Kalahi mo ako, sisteret," saad niya kaya napalingon ako sa gawi niya.

"Po?" Takang tanong ko habang nanlaki ang mga mata ko.

Kunwari 'tong may hinahawi na buhok sa leeg niya saka inilagay ang kamay niya sa nuo niya na parang may hinahawing bangs do'n. "You're hired, sisteret." Nakangiti niyang sabi.

"Po?" Gulat na gulat kong tanong. Hindi pa naman niya ako iniinterview kaya nagtataka ako.

"Pero sir.. hindi mo pa naman ako iniinterview. Kaya bakit mo po ako tinanggap agad." Nakayuko kong sabi. Nahihiya ako sa pinaggagawa ko kanina kaya hindi ako makatingin sakanya ng deritso.

"Nabasa ko na lahat ang credentials mo, sister." Sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang kamay niya at may hinahawing buhok sa gilid ng teynga niya kahit wala naman.

"By the way, atin- atin lang yun, okay?" Nakangiti niyang sabi saka ito kumendeng-kendeng naglakad papunta sa office table niya.

"Come here, Ms. Vergara. I have a few question for you and please.. don't be scared. Kalahi ako ni Eva kaya wala kang dapat ika-takot sa 'kin." Sabi niya saka umupo sa swivel chair.

Napa-ngiti ako dahil para akong na bunutan ng tinik sa lalamunan sa nalaman ko. Kahit pa nga.. nagdadalawang isip ako kung maniniwala ba ako na bakla si Mr. Reagan Salazar. Hindi kasi halata sa hitsura niya. Lalaking-lalaki kasi ang katawan niya at talagang humapit pa sa kanyang katawan ang suot niyang mamahaling suit dahil sa malapad niyang balikat at mga muscle. May pagkabad boy look din siya dahil sa hikaw niya na nasa ibabang labi niya.

Lumapit ako kay Mr. Salazar saka dahan-dahang umupo sa upuan na nasa harap ng table niya. Tinitigan ko si Mr. Salazar na may suot na eyeglass habang may binabasang papeles. Napansin ko ang kamay niya na maugat habang nililipat ang binabasa niyang papeles.

Hinihintay ko lang siya na magsalita at magtanong patungkol sa 'kin. Kahit hindi halatang bakla si Mr. Salazar ay wala akong naramdamang takot sakanya. Hindi katulad kanina na para akong natataranta ng makita ko siya.

Sana lang ay matanggap ako dito sa companyang 'to lalo na't hindi naman pala siya lalaki.

Tahimik akong nakaupo at hinihintay ang unang tanong sa 'kin ni Mr. Salazar na ngayon ay may binabasa parin. Nagdadasal nalang ako sa isip ko na sana.. matanggap ako dahil ika pang anim na ang companyang 'to na inapplayan ko. Yung lima kasing inapplayan ko ay puro tatawagan lang ang sinasabi pero wala naman.

Kapag hindi pa ako natanggap dito ay baka sa kalsada na talaga ako tumira.




A/N: Sisimulan ko na si bebe Reagan Salazar.❤️

Good Morning!

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon