NAKATAYO LANG ako habang kinakagat ang kuko ko sa kamay. Kinakabahan ako dahil sumugod dito sa bahay si Ma'am Debbie. Kagigising lang namin ni Reagan nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Ma'am Debbie sa labas ng gate namin.
Nagsisigaw siya sa labas at pilit na pumapasok. Nasa labas si Reagan para harapin siya habang ako naman ay nandito sa loob ng bahay. Ayaw akong palabasin ni Reagan. Ayaw daw niya akong ma-stress. Kaya mas lalo akong natatakot sa pwedeng mangyari.
Umamin si Reagan sa 'kin kagabi na pina-pull out niya lahat ng investor sa companya ni Debbie. Kaya galit na galit ang babae dahil do'n, mas lalo pa siyang nagalit dahil may pumutok na balita kaninang umaga na patungkol sakanya.
Maging ako ay hindi makapaniwala sa narinig kong balita. Hindi ko tuloy alam kung si Reagan ba ang may pakana ng lahat. Sinira niya ang imahe ni Debbie. Kaya mas lalong nag pull out ang investor sa companya niya.
Nakaupo ako sa mahabang sofa habang nilalaro ang daliri dahil sa kabang nararamdaman ko. Kaya ayaw kong ng away eh, dahil hindi ko kaya. Ayaw kong may kaaway ako. Gusto ko tahimik lang ang buhay.
Biglang bumukas ang pintuan ng main door at pumasok do'n si Reagan. Tumayo agad ako mula sa kinauupuan ko saka ako naglakad papunta sakanya.
"Bakit ganyan hitsura mo, mon amour?" Tanong niya sa 'kin kaya inirapan ko siya habang naglalakad ako palapit sakanya.
"Nakuha mo pang itanong talaga yan? Kinakabahan na nga ako eh." Sagot ko sakanya. Tumawa naman siya ng mahina saka yumakap sa beywang ko.
"Bakit ka naman kinakabahan? Hindi naman kita pababayaan. Hindi siya makakalapit sa'yo kaya bakit ka natatakot?" Takang tanong niya sa 'kin.
"Ahh basta! Itigil mo na kasi ang ginagawa mong ganti sakanya." Sabi ko saka ngumuso sa harap niya.
"Hindi pa ako tapos sakanya, mon amour." Sagot niya.
"Please..." pakiusap ko sakanya. Bumuntong hininga naman siya saka pinatakan ng halik ang labi ko.
"Pakain muna ng tahong." Pilyo niyang sabi kaya mabilis ko siyang pinalo ng mahina sa dibdib.
"Seryoso ako eh." Sabi ko sabay irap sakanya.
"Seryoso din ako, mon amour. Dalawang araw ko nang hindi nakakain ang tahong." Sabi niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko.
"Tumigil ka nga sa kabastusan mo! Mamaya may makarinig sa'yo eh!" Saway ko sakanya.
"Tahong na pagkain yun, mon amour. Hindi tahong mo. Ikaw yung bastos eh!" Sabi niya saka sinundot ang tagiliran ko.
"Ano ba!" Saway ko sakanya habang iniiwas ang tagiliran ko na tinutudyo parin niya.
"Ang bastos mo na mag-isip, mon amour. Natikman mo lang ako ganyan ka na mag-isip." Sabi pa niya
sa 'kin."Heh! Akala ko kasi tahong ko." Pagsasabi ko ng totoo.
"Sess.. gusto mo lang yata makain ang tahong mo eh." Sabi niya saka inilabas ang kanyang dila. "Dilaan ko gusto mo?" Tanong niya sa 'kin kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Kainis ka talaga!" Irap kong sabi. Naglakad ako pabalik sa upuan saka umupo do'n. Natatawa naman siyang umupo sa tabi ko saka hinalikan ang tyan ko. "Anong gustong kainin ng mag-ina ko?" Malambing niyang tanong sa 'kin.
"Hmm.. pwede mo ba akong gawan ng tuna sandwich? Kanina pa nasa isip ko yun eh." Sabi ko sakanya.
Ngumiti naman siya sa 'kin saka mabilis na dinampian ng halik ang labi ko. "Sure, mon amour." Malambing niyang sagot saka hinawakan ang tyan ko.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance||R-18🔞|| ⚠️Matured Content||✅Complete|| Under editing. Unang kita pa lang ni Reagan sa dalaga ay tumigil agad ang mundo niya sa taglay na kagandahan ng babae. Ngunit, may malaking problema dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na hindi 'to kompor...