SPG~
NANDITO AKO SA LOOB ng kwarto ni Isabelle at binabantayan ang anak ko. Hindi ko pinapansin si Reagan dahil nagseseslos talaga ako.
Kanina pa pina-alis ni Reagan ang babae pero ang selos ko ay hindi parin nawawala.
Humiga ako sa tabi ng anak ko at mahinang hinahaplos ang buhok niya. Ipinikit ko ang aking mga mata para itulog ang nararamdaman kong selos.
Ngunit, agad kong iminulat ang mga mata ko ng marinig ko ang mahinang katok mula sa labas ng pinto. Alam kong si Reagan 'yun dahil pangatalong beses na siyang kumakatok sa pinto. Ayaw ko siyang harapin kaya hindi ko siya pinagbubuksan.
"Mon amour.. buksan mo naman 'to. Miss ko na kayong dalawa ng anak natin." Sabi niya habang kumakatok parin.
Hindi ako sumagot at ipinikit nalang ang mga mata ko. Ayaw ko sa nararamdaman ko, ayaw ko talagang nakakaramdam ng selos dahil feeling ko ang sarap sakalin ng taong pinagseselosan ko. Ang pinaka nakakainis pa ay hanggang imagination lang ako na sinasakal ang babae. Alam ko kasing hindi ko magagawa 'yun sa totoong buhay, hindi ko kayang manakit kahit pa nga kinakain ako ng selos. Hanggang imagination lang talaga ako.
"Mama.." Bigla kong narinig ang boses ni Isabelle kaya tumingin ako sa anak ko. Mukang nagising 'to dahil siguro sa katok ni Reagan.
"Nag-away po ba kayo ni daddy?" Tanong niya sa mahinang boses.
Umiling agad ako saka hinaplos ang kanyang pisngi. "Hindi naman, anak." Sagot ko.
"Bakit hindi po makapasok si daddy sa loob ng kwarto ko po?" Takang tanong niya sa 'kin.
"Ahm.. gusto kasi ni mama na makatulog ka ng mahimbing para mabawi mo agad ang lakas mo. Kapag nandito ang daddy mo sa loob baka mag-ingay lang 'yan dito." Palusot ko.
Kumunot naman ang nuo ni Isabelle saka bumangon sa kama. "Hindi naman po maingay si daddy, mama." Sabi niya sa 'kin.
"Papasukin mo po si daddy, mama. Gusto ko po siyang katabi sa kama. Gusto ko po magkayakap po tayong tatlo." Inosenteng sabi ni Isabelle. Hindi ako sumagot sa sinabi ng anak ko. Hindi ako bumangon sa kama dahil ayaw ko talagang makita muna si Reagan. Kinakain talaga ako ng selos.
"Sige na po, mama." Pangungulit sa 'kin ni Isabelle kaya bumuntong hininga ako saka umupo sa kama.
Tumayo ako saka nagalakad patungo sa pinto at pinihit ang siradura para pagbuksan si Reagan. Bumungad sa 'kin ang mukha niya na halatang malungkot. Hindi ako nagsalita at niluwagan lang ang pagakakabukas ng pintuan saka ako naglakad pabalik sa kama ni Isabelle.
Humiga ako at hindi pinansin si Reagan na pumasok sa loob ng kwarto at naglakad papunta samin ni Isabelle.
Umupo siya kama saka hinawakan ang kamay ng anak ko. Pinapanood ko lang siya at hindi parin ako nagsasalita.
"How are you, baby?" Tanong ni Reagan kay Isabelle.
"I'm okay po, papa. Hindi na po ako masyadong mainit." Magalang na sagot ni Isabelle saka inilapit ang nuo niya kay Reagan. Hinawakan naman ni Reagan ang nuo niya na parang pinapakiramdaman kong mainit pa ba talaga siya.
"Oo nga, anak. Galing naman ng baby ko. Super strong, mana kay mommy." Nakangiting sabi ni Reagan saka tumingin sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin saka tumalikod ng higa sakanila. Ipinikit ko lang ang mga mata ko at pinapakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Ayaw ko muna talagang makipag-usap kay Reagan. Kaya magkukunwari nalang akong inaantok. Hindi ko natapos ang labahin ko kanina. Bukas ko nalang gagawin 'yun kapag wala na akong sama ng loob.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance||R-18🔞|| ⚠️Matured Content||✅Complete|| Under editing. Unang kita pa lang ni Reagan sa dalaga ay tumigil agad ang mundo niya sa taglay na kagandahan ng babae. Ngunit, may malaking problema dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na hindi 'to kompor...